Chapter 27.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Just visiting. We own the school."

"Oh..."

Ano pa bang laban ko d'un? Agad akong nakaramdam nang panliliit.

"Sorry, hindi ko kasi alam."

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Sebastian?"

"No..." Umiling lang ako. And besides, bakit naman kailangan pang sabihin ni Sebastian? Ibig lang sabihin wala siyang interest na ipaalam pa sa akin.

"Really?" She shrugged. "Oh well... I might pay him a visit today. I kinda missed him. Hindi naman kasi siya palasama kay Wayne kasi iniisip ka yata. You seemed a jealous type."

"Excuse me?" Nagpigil ako nang inis.

Me? Jealous? Hell, yeah! Pero ano bang pakialam mo?!

Gusto ko sanang isigaw sa kanya ang laman ng utak ko, pero ayoko namang gumawa pa ng eksena sa school na pag-aari nila.

"Well, anyway, it's nice to see you." Banayad pa niya akong tinapik sa balikat. "Looks like you gained weight. Ayaw pa naman ni Sebastian sa masyadong malaman," nang-uuya pa niyang sabi na boluntaryong nakapagpataas ng kilay ko.

"What?"

Sarap sabunutan nang babaeng 'to, a.

"Goodbye, Adison," paalam pa niya sabay talikod. Ni hindi man lang ako hinintay makasagot.

Nang makalapit siya sa isang matandang lalaki na sa tingin ko ay ama niya ay agad pa siyang umangkla sa braso nito. I recognize his face, but I can't remember his name.

Buti na lang at hindi nagkagusto si Sebastian sa babaeng 'yun. Ang sama ng ugali!

"Uy, miss, kilala mo si Samantha?" tanong pa ni wavy hair girl na nakapagpagulat sa akin.

Hala, nakikinig pala sila! Mga tsismosa talaga!

"Okay lang..."

"Mabait ba siya? Nakita mo na ba 'yung boyfriend niya? Si Sebastian Greene? Gwapo ba talaga siya sa personal?" si short hair na sunud-sunod pa ang tanong!

"Hindi niya boyfriend si Sebastian," tipid na sagot ko sabay nagtaas ng kilay.

"Really? Pero impossible yata 'yang sinasabi mo. Ang sweet nila sa picture na nakita ko." Si wavy naman.

"Hindi nga okay?"

Nakakairita na, huh!

"Hindi nga siguro kayo close." Si wavy ulit!

"Hindi talaga kami close. But one thing is for sure, Sebastian Greene is my boyfriend and not hers," sarkastiko ko pang sabi.

Okay, bigla akong naging possessive ngayon. Pero mas lalong ayokong ma-drag ang pangalan ng fiancé ko sa maling babae! Hmp!

"Iyan ang ilusyon!" malakas pang sabi ni short hair at nakipaghalakhan d'un sa kaibigan niya.

Aba't?!

Tiim bagang akong nagpamaywang sa harapan nila at nagtaas ng kilay. Nang ma-realized nilang nasa library pa rin sila ay tinakpan lang nila ang kanilang mga bibig, pero tawa pa rin nang tawa!

"I am not—"

"It's okay, girl," putol pa niya sa akin. "Hindi lang ikaw ang nag-iilusyon kay Sebastian Greene," nakakalokong sabi pa niya bago nagtatawang tumalikod.

Jeez, kung nalalaman lang nila, for sure magbibigti itong dalawang 'to! Hmp!

Pero matapos ang saglit na pagkabad-trip ay agad din akong nakamove-on. Hindi yata kayang sirain nangg kahit ano ang masayang araw ko.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon