Chapter 9

92 2 0
                                    


Voluntary Quit






[Jaja]

Diyos ko po! Buti na lang talaga natapos na ang audition ko. Late na pala akong na-inform na open-audience audition pala 'to. Kumbaga hindi lang judges at co-contestants ang makakapanuod at manghuhusga sayo. Isama mo na rin ang mga estudyante na nandito ngayon sa auditorium na parami ng parami ang populasyon nila.

Confident din ako sa performance na pinakita ko kaya pag hindi ako natanggap dito, I assume na bitter si Ivy sa perpormance ko kaya kaylangan niya kong patalunin. Okay lang naman, tanggap ko na talaga 'yan sa mga attitude ng talunan.

Pagkababa ko ng stage ay sinalubong agad ako ni Enoch at inabot sa'kin ang phone ko. Pagkatingin ko naman dito, laking gulat ko ng makita kong nakared alert ang Blackily signal.

"Anong nangyari?" agad kong tanong.

"Hindi ko rin alam, pero nakita ko rin si Kyla kaninang nagmamadali palabas ng school. Sa tingin ko may nagkaproblema sa isa sa inyo." bulong niya na kinatango ko naman agad.

Sino nanaman kaya 'yon? Paksyet naman bakit ngayon pa! Kaka-umpisa ko pa nga lang sa trabaho ko eh.

"Tara na. Baka pati tayo buminggo eh!" irita kong sagot at nagmamadaling binitbit ang bag ko.

Ang Blackily signal ay isang alert notification para sa lahat ng agents under ng Blackily na naka-duty sa isang case. Habang on-going ang misyon at walang nangyayaring masama, nanatili 'yong green alert. Pag orange alert naman may specific na taong pinapatawag at malalaman mong ikaw 'yon kung nagblink at nagvibrate ng tatlong beses ang orange alert mo. While red alert symbolizes emergency meeting for all agents on duty at 'yon ang natanggap namin ngayon. Lastly, ang pinaka-ayaw naming makitang alert sa lahat ay Black alert dahil sinasabi nitong may agent na hindi na ma-track and worst? Namatay sa duty. Sino ba naman ang gustong makakita non diba?

"Kaka-umpisa pa lang ng misyon may problema na agad. Hindi pa nga ako nag-eenjoy eh!" bulalas ko habang pasakay ng sasakyan ni Enoch.

Namiss ko tuloy ang baby audi ko. Kailan kaya uli kami magkikita? Ang hirap naman kasing dumepende sa isang tao dahil pag nasanay ka ikaw ang kawawa once na iwan ka na uli niya. Ay may hugot Jaja?

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, reklamador ka pa rin." ngisi niya ng pa-andarin niya ang makina ng sasakyan.

"Lul! Manahimik ka diyan." irap ko at kumapit na sa lahat ng posibleng kapitan dahil hayop magpatakbo ang g*gong 'to.





Nang makarating kami ni Enoch sa headquarters, sa labas pa lang ng kwarto ay nandoon na sila Kyla kasama si Keegan at kasunod lang namin si Aya na mukhang nakipaghabulan sa kung kaninong engkanto. Pero nasaan si Claudz?

"Anong nangyari?" hinihingal na tanong ni Aya matapos siyang abutan ng tubig ni Kyla.

Maging kami ni Enoch ay naghihintay ng isasagot ni Kyla. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasing may alam siya dito. Lalo pa't wala pa rin dito si Claudz na kadalasang mas nauuna pa samin pag may ganitong emergency call.

"Mukhang magvo-voluntary quit si Claudz sa misyon niya kay Rider. Nandoon pa siya sa loob at hindi pa nagpapasok si big boss." buntong-hininga ni Kyla na kinakagat-labi ko na lang.

Si Claudz? Magvo-voluntary quit sa isang misyon? Tama ba ang narinig ko? Never niyang ginawa 'to kahit mag 50-50 ang buhay niya pero why now kung kailan nag-uumpisa pa lang siya at isang hamak na estudyante lang 'yon?

Agents in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon