Chapter 7

56 2 1
                                    


Boyfriend



[Jaja]

Kalma Jaja, kalma! Mag-pretend ka na lang na hindi mo siya nakikita at naririnig tutal magaling ka 'rin naman sa mga ganoong bagay. Easyhan mo lang Jaja, baka maging dahilan pa ng pagkawalan ng gana mo 'yan.

"Naririnig mo ba lahat ng sinasabi ko Ciella? Napakadali niyang talunin! Kung tutuusin hindi mo siya hahayaang maka-score kahit isang puntos man lang. Isang malaking kahihiyan 'yong hinayaan mo siyang makapuntos kahit one point-"

"Tangina naman Enoch! Hiningi ko ba opinyon mo?" nanggigigil kong sigaw sa kanya.

Tapos na ang game pero 'yon pa 'rin ang napuna niya. Panalo ako at hindi ko na hinayaang umabot pa ng third set dahil sa dalawang set na laro eh, isang beses ko lang hinayaang maka-score ang kalaban ko ngayon. Sabi nila siya na raw ang pinakamagaling sa mga rookie na nag try out dahil sa una nitong nakalaban pero hindi ko man lang nakita sa kanya 'yon. Pero itong lalaking kasama ko ngayon, mas nakita pa 'yong nag-iisa kong mali kaysa sa mga tama kong nagawa.

Ang akala ko nga 'rin hindi na siya susunod pero ito pa 'rin siya at tinatawag pa ko sa pangalang ayaw na ayaw ko ng marinig. Ang guess what, kaya pala siya ang naka-kota sa paghatid sundo sa'kin ay dahil may karakter din siyang gagampanan sa kasong 'to. Tatayo siyang boyfriend at partner ko sa kasong ito dahil may back-up plan siya kung hindi gagana ang Plan A na kakaibiganin ko lang si Ivy Morkins. At hindi ko gusto ang bagay na 'yon.

"Ms. Siazon, right?" rinig kong tawag sa apelyido ko kaya agad ko namang nilingon ang taong 'yon.

Hindi ko na pinansin pa si Enoch at nag-focus na lang sa babaeng nasa harap ko ngayon. Walang iba kung hindi si Ivy Morkins na ngiting-ngiti kasama ang isa pang babae na sa tingin ko ay isa 'rin sa naging suspect pero walang gaanong pruweba.

"Yes, anong kaylangan mo?" tanong ko bago makipag-kamay sa kanya.

Mukhang hindi na pala ako mahihirapan na kilalanin siya dahil siya na mismo ang lumalapit. Cool!

"Ako si Ivy Morkins, Vice-President ng sports committee. Napanuod ko 'yong try-out mo kanina and you did a great job para sa isang normal na player." panimula niya.

Hindi ko man mapagtanto ang gusto niyang iparating pero nahihiwagaan na agad ako sa kinikilos niya.

"Thank you!" sagot ko na lang saka ko naramdaman si Enoch sa gilid ko.

Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko na kinagulat ko pero hindi ko pinahalata at sa mga oras na ito gusto ko siyang sapakin at isabit sa net. Good idea but wrong timing.

"By the way, ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. I want you to be part of Louis Dance Company and the Lady Tankers since I heard na napaka-sporty mo daw." it's not a question but a must. Hindi niya ko binibigyan ng option sa sinasabi niya but well, 'yon naman talaga ang balak ko.

"Actually, babalakin ko talagang mag-audition mamaya sa dance company and magta try-out ako sa swimming bukas." sagot ko at saglit na sinulyapan si Enoch na nakatingin na 'rin pala sa'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Good! Then see you later I guess?" tanong niya na kinatango ko na lang bago sila umalis ng kasama niya.

"Tsk! May tinatagong baho." irap ko saka ko binalikan yung gamit ko na nakaayos na.

"Babalakin mo bang salihan lahat ng sports?" tanong ni Enoch sa gilid ko habang tinutulungan akong magligpit.

Kahit naiirita ako sa presensya niya, wala naman akong magagawa kundi makisama na lang. Ako rin naman ang gumagawa ng dahilan kung bakit kami nag-aaway dahil binibigyan ko pa ng meaning lahat ng ginagawa at ginawa niya. Tama! Trabaho na lang naman 'to, mas maganda makisama na lang ako ng maayos para mas madaling matapos diba?

Agents in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon