Chapter 8

56 2 0
                                    


Quit




[Aya]


Sabi nila lahat ng bagay ay nag-uumpisa sa madali para madali mong matutunan at maintindihan ang isang bagay o sitwasyon. Pero para sa'kin- I mean para saming mga agent ng Blackily Organization lahat ng bagay ay nag-uumpisa sa mahirap dahil ang madali ay para lang sa mga mahihinang tao. 


"How can a man go eight days without a sleep?" pang labing-tatlong tanong niya na 'to pero hindi pa aata ako lumalagpas ng isang minuto para mag-isip. 


"By sleeping during the night time.


"How can you drop a raw egg onto a concrete floor without cracking it?" pantangang tanong.


"Hindi mababasag ng itlog ang concrete floor." walang gana kong sagot.


"What goes up and down, but still remains in the same place?" 


"Stairs." inaantok kong sagot. 


"How can you lift an elephant-" 


"with one hand? Obviously, hindi mo na problema 'yon since wala ka namang makikitang elepante na may isang kamay. Thanks!" 


Eto na ata ang pinakaboring at pinaka-pinagsisihan kong club na sinalihan. Kasi ang mga ganyang tanong ay para sa mga pantanga lang. Well, kaya nga sila tinawag na Trickers eh. Pero mas bagay sa kanila yung Dumbers ano? 


"Naka-ilang tanong na kami sayo pero bakit hindi ka man lang nahirapan?" tanong nung isang babae sa'kin na kinangisi lang ng isa pa niyang katabi.


"Kaya nga sikat na sikat siya sa site as the pretty mysterious diba? The next genius to beat Mr. #1. Ang pinaka inaabang-abangan ng mga usisero't usisera dito sa university." litanya niya making me sighed. 


Hanggang dito ba naman binubunganga pa rin nila ang obvious? eto na ang huli kong pinasukan na club pero paulit-ulit lang din ang sinasabi nila sa'kin. Kaya nga pwede ng ako yung magsabi ng sasabihin nila dahil kabisadong kabisado ko na. 


At dahil doon mas lalo lang akong nacu-curious sa pagkatao ng Leaf na 'yon. Kung gaano nga ba siya katalino at kagaling academically sa school na 'to. Kasi nung na-meet ko siya kahapon? nagmukha lang siyang tanga sa paningin ko. The most stupid and worthless person I've ever met. Cute eh?


"Gaano niyo kakilala si Leaf De Aziz?" tanong ko dahilan para mapatingin sa'kin ang iba nilang members na busy'ing-busy kanina sa kanya-kanya nilang ginagawa sa isang table. 


"Mayabang." sagot nung nagtatanong sa'kin kanina. 


"Genius? pero ng makilala na kita ngayon? I doubt that!" ngisi siya nanaman. Sarap pakinggan bes!


Agents in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon