Chapter 2

120 7 0
                                    



Make-over (part 2)


[Claudz]

"T*ngina! Nagmukha kayong tao bes." nakahalukipkip na salubong ni Jaja kay Kyla at Aya na kakababa lang.

Ngayon kasi ang unang araw ng pag-tranfer nila at bukas naman kami ni Jaja. Hindi kasi kami pwedeng magsabay-sabay dahil baka may makahalata samin. Kaya nga magkahiwalay pa 'rin ng sasakyan si Kyla at Aya pagpunta doon.

"Shut your fvcking dirty mouth." nanlilisik matang sagot ni Kyla habang pilit na binababa ang high-waisted denim short niya.

The struggle is real. Halata naman kasi sa kanya na hindi siya comportable sa damit na suot niya, nakita ko na naman siyang nagsuot ng ganyan pero isang beses pa lang at hindi na naulit. Kahit naman siguro ako hindi magsusuot ng ganyan dahil mahirap gumalaw pag nakikita ang kaluluwa mo. Eh, paano na lang kung may biglaang nangyari edi maya't-maya kang nag-aayos sa sarili mo?

"Sige na lumayas na kayo. Pakatatag kayo don ha? Always wear your plastik smile." sabi ko at sabay pa kong inirapan nung dalawa. Ako na nga 'tong nagbibigay ng advice, ako pa nairapan?

"Ingat din sa mga g*go mga bes- woah!" nanlalaking matang hiyaw ni Jaja ng makailag siya sa bala na nanggaling sa silencer gun ni Aya.

Mukhang may patayan pang magaganap ngayon ha? Sounds good!

"Shut up or die." nanlilisik matang sabi ni Aya at iiling-iling namang naunang lumabas si Kyla.

"Oo na, mananahimik na ko. Paksyet naman aga-aga eh!" halukipkip ni Jaja bago kami iniwan ni Aya.

Parang bata 'rin kasi 'tong gagang 'to eh. Sana pala nagpalit na lang kami ng masking eh, mas bagay pa sa kanya 'yong nagtatanga-tangahan. Nakakainis lang na mapupunta ako sa isang Rider Coangco na walang pakielam sa mundo bukod sa sarili niya. Isang taong mahirap basahin ang galaw. Bullshit!

Sanay na naman akong makakilala ng mga taong mas cold pa sa yelo at mas matibay pa sa bato. Pero ngayong naririnig ko pa lang 'yong pangalan niya. Kumukulo na agad ang dugo ko.

"Oh, paano ba yan? Mauuna na ko sa Agent salon ha? Kita na lang tayo sa hospital mamaya." paalam ni Jaja sabay tap ng balikat ko.

Kota kasi ako ngayon para bisitahin at alamin ang kalagayan ni Mr. Coangco at mamaya naman, si Jaja naman ang dadalaw. May mga police at iilan-ilang agent din namang pakalat-kalat sa lugar na 'yon pero mas kaylangan pa 'rin ang presensya ng kahit isa lang saming apat. After all, task namin 'to.

Tinanguan ko lang si Jaja at sabay pa kaming sumakay sa kanya-kanya naming kotse. Buti na lang at hindi traffic kaya naman mabilis lang akong nakarating sa hospital.







[Jaja]

"Jaja! Ohmygod! My little piggy!" salubong sa'kin ni Leslie pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng salon.

Punyaterang little piggy na 'yan. Hindi porke't malusog lang akong tignan little piggy na agad? Eh kung isalpak ko kaya sa bunganga niya bawat blower at gunting dito sa salon niya ano? Kebastos ng bunganga nito.

"Bastos!" irap ko at naupo na sa isang bakanteng upuan. Hindi kasi dapat pinapatayo ng matagal ang reyna, bad 'yon!

"Ano kayang pwede ko pang baguhin sayo? Isa ka lang namang sporty type. Siguro light make-up lang and then plantsahin lang natin 'yang buhok mo. And then, magsuot ka lagi ng sumbrelo." dakdak ni Leslie habang tinitignan ako mula sa salamin.

Agents in DisguiseWhere stories live. Discover now