Chapter 23.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

Haist... Chillax ka lang Ady. He loves you. You love him. Things will eventually work out if we both love each other!

Pagbungad ko sa main door ay agad kong natanawan si Tita Norma sa kusina na tila gulat na gulat din sa pagkakita sa akin. Pero agad rin namang napalitan nang ngiti ang pagkagulat niya at agad akong sinalubong sa may pintuan.

"Ma'am Adison!" nangingilid pa ang luhang salubong niya sa akin. It's good to know that Sebastian has her. She's a family to him.

"Tita Norma..." Tipid naman akong ngumiti.

"Kumusta ka na?" tanong pa niya at banayad pang pinisil ang aking braso.

"Okay lang po. Si Sebastian po?" Hindi na rin naman ako nagpaliguy-ligoy pa. Kinakabahan pa rin ako nang sobra-sobra.

"Nasa kwarto... May trangkaso..." Bahagya pa siyang napangiwi sabay tango kay Spencer na nasa likuran ko pa rin pala.

"Oh..." Hindi ko rin naman malaman kung papaano ba ako magre-react sa kanila. May alam sila, pero wala silang sinasabi sa akin.

"Pasensya ka na kung hindi ko man masabi sa'yo lahat. Si Sebastian kasi..." Malungkot pa siyang bumuntong-hininga. "Pero mahal ka niya, Ady. Pakinggan mo ang paliwanag niya kahit ngayon lang," sumamo pa niya. "And please, pakisabi kumain siya. Kagabi pa siya hindi kumakain," pahabol pa niya.

Tumango ako at tinunton ang daan patungo sa kwarto ni Sebastian. Parang gusto kong umatras na ewan. Ang daming gumugulo sa isip ko at natatakot pa rin ako sa mga malalaman ko.

Halos manlamig ako nang husto sa pagbubukas ko pa lang ng pinto. Pakiramdam ko ay bigla akong naging estranghero at gan'un din si Sebastian sa akin.

Oh Jeez, Ady, snap out of it!

Pagpasok ko ay agad ring bumungad sa akin ang lamig ng aircon. Namataan ko rin ang air purifier na nasa side table. Nakahiga siya sa bed at balot na balot ng kanyang kumot. Nakaharap siya sa kabilang side ng bed kaya't hindi ko masabi kung gising ba siya o papaano. Medyo gulo na rin ang duvet at may nakalaglag pang unan sa gilid ng bed.

"Norma, please... I want to sleep. I don't want to eat." sabi pa ni Sebastian na paos na paos ang boses.

"You need to eat," sagot ko na mabilis na nakapagpabaling sa kanya sa aking gawi. Gumuhit ang gulat sa kanyang mukha at mababanaag din ang saya roon o lungkot...

"Adison..."

"I heard you're sick." Lakas loob akong lumapit at pinagmasdan ang kanyang mukha. Sa iilang araw ay parang nahapis ang kanyang mga pisngi. He has dark circles in his eyes. Maputla ang kulay ng kanyang balat. But his lips and cheeks are so red. Sobrang taas siguro ng lagnat niya.

"I looked like a mess... S-sorry..." nahihiya pang sinuklay-suklay niya ng mga daliri ang magulong buhok.

Yeah, he looked like a mess but still, he's the most beautiful man I'd ever seen.

"You need to eat." Hinapyawan ko nang tingin ang pagkaing nasa side table.

"I—i..." Bahagya pa siyang nautal at parang hindi alintana ang sinasabi ko. "I'm sorry..." Iyon lamang ang nasabi niya at maagap na hinawakan ang kamay ko. Banayad niya akong hinila paupo sa bed at nang maglevel ang aming mga mata ay agad ding nangilid ang luha ko.

"Baby, I'm sorry..." Mataman pa niya akong tinitigan sa mukha. His eyes are teary... "I fucked up. I know and I deserved a cold shoulder f-from y-you." Nanginig ang kanyang boses sa pagsasalita. Parang maiiyak na talaga siya, pero pinipigilan lang niya.

"I hate you... Do you know that?" Kinagat ko ang aking labi labi upang pigilan sana ang pag-iyak, but just having the plain view of his face, made me wanna cry so hard.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon