Chapter 21.2.3

413K 3.8K 623
                                    

Mahal ko ang Ate ko. She's not just a sister, she's also my bestfriend. Pero ngayon ay hindi na ako sigurado.

Ano bang tumatakbo sa utak niya?! Ni hindi pa nga na-annulled ang kasal niya!

"Are you scared, Ady?" pahabol pa niya na nakapagpabaling ulit nang tingin ko sa gawi niya. Pipihitin ko na lang sana ang seradura ng pinto para makalabas.

"W-what?"

"Are you scared that he might choose me over you?" naghahamong ani pa niya. Nagtaas siya ng kilay at tila nakikipagsukatan nang tingin sa akin. "Well, we both knew how miserable he became when I left him. He can't love you more than he was with me, Ady."

Now, I am Ady to her...

"He loves me..."

"Well then, kung ganyan ka kasigurado sa feelings ni Sebastian para sa'yo ay magparaya ka sa mga susunod na araw. If I don't get him to love me again habang nandito siya, he's yours. Pero kung makukuha ko ulit ang pagmamahal niya, you'll leave him for good."

"Nababaliw ka na, Ate..." iiling-iling ko pang sabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang gan'un na siya kadesperada!

"Obviously, you are scared."

"No, I am not. I trust Sebastian."

"Then, let the game begins." Sarcastic siyang ngumiti at kunwa'y pinunasan ang luha niya sa mukha. "You're not going to do him on his room, Ady! Dito ka matutulog! Get to bed!" sigaw pa niya na halos makapagpatalon sa akin.

God, what is wrong with her? Dapat ko bang sakyan ang trip niya?! Nababaliw na talaga siya! But hell no, I am not scared! Alam kong mahal ako ni Sebastian! Naramdaman ko nang husto 'yun kanina. Oh jeez, just trust him...

This time, trust him, Ady.

Kinaumagahan pagkagising ko ay wala na si Ate sa kwarto. Nakatulugan na lang namin ang pagbabangayan kagabi. I don't know kung seryoso siya sa dare niya o sadyang nababaliw na talaga siya.

Pagbaba ko sa unang palapag ng bahay namin ay naabutan ko si Nanay at Tatay na nagkakape.

"Magandang umaga po, Nay, Tay..." masayang bati ko pa sa kanila.

Actually, si Tatay ay 'di ko naman orihinal na ama. Pangatlong asawa na siya ni Nanay. 'Yung unang asawa niya ay ang Tatay ni Ate Brianna na tamang naanakan lang siya tapos ay iniwan lang din siya.

Ang pangalawa naman which is my father ay namatay naman sa atake sa puso. Pero katulad ng Tatay ni Ate Brianna ay parehas na may lahing Amerikano ang mga Tatay namin. Eto namang si Tatay Tonio ay Pinoy na pinoy. Dalawa rin ang naging kapatid namin sa kanila, sina Candice at Shaira.

Masyadong ligawin talaga si Nanay dahil bukod sa maganda, kahit pa ilan na kaming ipinanganak niya ay ang sexy pa rin niya. May lahing Espanyol din ang mga Lolo at Lola ko. No wonder, talagang tumatakbo sa dugo namin ang kagandahan. Pero kahit na minsan ay hindi ko naisip na ganoon ako kaganda. Pero naniniwala ako kay Sebastian kapag siya na ang nagsabi sa akin.

"Magandang umaga, Ady." Si Tatay Tonio na nagbabasa ng dyaryo. "Sabayan mo na kaming kumain anak."

"Tatawagin ko lang po si—"

"Naku, anak, si Sebastian ba?" putol pa ni Nanay. "Kasama ng Ate Brianna mo. Mag-swimming daw sila... Kagabi pa raw kasi masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka na ipinagising."

What the hell? Saglit akong napatanga at ni hindi ko nakuhang magsalita. Hindi ako makapaniwala. Ibang klase.

"Mabuti-buti na ba pakiramdam mo, anak?" Ang Tatay ulit na bahagya pang kumunot at mataman akong tinitigan.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Where stories live. Discover now