Chapter 24: Revenge

20.5K 387 18
                                    

A/N: Hello chingus! Happy New Year sainyo. Sorry kung ngayon lang nakapag-UD. Nagbakasyon kasi ako eh. Papalitan ko pala yung mga potrayer ng mga characters kasi may plano akong gumawa ng story featuring EXO. Gagawin ko na talagang final ito.

Dedicated pala sa gumawa ng bagong cover. Thanks dito :))

ENJOY READING! Don't forget to vote and comment. Follow me: @exodieschehan

**

Dark's POV

 

"Montreal, fighting again. Haven't you learnt your lesson form the previous time? Hindi pa ba sapat sayo yung paglilinis ng buong campus sa isang araw? Di ka na talaga nadadala." bungad sakin ng principal pagkapasok ko ng office niya. I just rolled my eyes on her.

"Tss, He started it." 

"Hindi sapat na dahilan yun para makipag-away Montreal. I'm giving you another chance because your grades are above average but your behavior cannot be tolerated. You're suspended for two weeks. You may go now."

"WHAT?!" Napasigaw ako sa sinabi ng principal. Sh*t! Pano ko mababantayan si Zyril kung suspended ako? Bwiset naman tong buhay na 'to!

"Make that three weeks. Now get back to class and pack your bag. You're going home." Wala na akong nagawa ng tumalikod na sakin ang principal. Padabog akong lumabas ng office at marahas ko pang sinara ang pinto nito. Dapat tinuluyan ko na pala ung lalaking yun para di na ako mag-aalala kay Zyril habang wala ako.

Padabog kong binuksan ang pintuan ng classroom at inilapag sa desk ng prof namin ang slip na galing sa office na nagsasabing suspended ako. Dumiretso ako sa upuan ko pagkatapos nun at tinignan ako ni Zyril na may halong pag-aalala. "Anong nangyari Dark?"

"Great. Suspension. 3 weeks." tipid na sagot ko.

"THREE WEEKS?" Napasigaw sa gulat si Zyril na naging dahilan upang pagtinginan siya ng klase. "Is there anything you want to share in the class Ms. Akiyama?" tanong naman ng prof namin.

"Don't mind us. Gp back to your discussion old man." Walang galang na sagot ko kaya sinamaan naman ako ng tingin ni Zyril. Humarap siya sa prof at yumuko ng bahagya. "Mianeyo Sir. Hindi na po mauulit."

Humarap na ulit siya sakin at pinaglaruan ang mga daliri niya para makaiwas sa mga titig ko. "S-sorry Dark. Nang dahil sakin na suspended ka pa,"

"Hey don't need to feel guilty or sorry. Given a second time, I would still do the same." I ruffled her hair. It's funny how like we were the only ones in class.Binigyan niya lang ako ng isang malungkot na ngiti. Niligpit ko na ang mga gamit ko at ipinasok na ito sa bag ko.

"I'll pick you up after school." I whispered. Tumango naman siya kaya lumabas na ako ng room ng hindi man lang nagpapaalam sa prof namin.

**

Kazumi's POV

Isang linggo na ang nakakaraan ng nasuspend si Dark pero hatid-sundo niya pa rin ako sa university. Pero ngayon, napagdesisyunan kong hindi siya gisingin at pumunta ng mag-isa sa school. Gabi na rin kasi siya nakauwi dahil nagkayayaan silang anim na mag-bar.

My Gangster PrinceWhere stories live. Discover now