Chapter 2

31.7K 670 36
                                    

My Gangster Prince

Chapter 2: Sorry



ZYRIL'S POV



Second day of class pa lang ngayon pero parang ayaw ko na agad pumasok.



Kahapon.. Sobrang pambubully yung ginawa sakin ng mga kaklase ko. Nung una, may naglagay ng red paint sa upuan ko. Sunod naman ay may nagbuhos ng coke sa damit ko nung lunch break. At nung makabalik naman ako sa classroom namin ay nalaman ko na lang na may nagpalit ng sirang upuan sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ba yung ginawa kong mali para gawin nila sakin to.



Pakiramdam ko.. lahat ng lugar na pinupuntahan ko ay hindi ako safe. Mapa-bahay man o mapa-school.



Kaya nag-stay lang ako rito sa room ngayong break time. Tutal may baon naman ako.



Hinawakan ko yung pendant na suot suot ko. 'Please sana makakain ako ng tahimik ngayon' bulong ko dito.



Nilabas ko na sa bag ko yung sandwich na ginawa ko kaninang umaga.



Napansin ko namang nagpaiwan rin si Dark at yung mga barkada niya.



Nakita kong tumayo sila at naglakad papunta sa.. sakin? Anong kailangan nila? Wag niyong sabihin na bubullyhin nila ako?  Bigla tuloy akong kinabahan.



Tinutulak-tulak nung lalaking payat yung lalaking kamukha niya papunta sa akin. "Fck Andrew! Wag mo nga akong itulak!"



"Sorry naman.. Excited eh hehehe.."



Mas dumoble pa yung kaba ko nang makarating na sila sa harapan ko. May nilabas yung lalaking naka-pokerface na box na may lamang cupcakes at inabot ito sakin. Para sakin ba yan? Bat niya naman ako bibigyan ng cupcakes, eh hindi nga kami magkakilala?



"Aren't you gonna take this? Tss." Maangas na tanong niya pero hindi ko pa rin iyon tinanggap. Tinignan ko siya na parang nagtatanong kung bakit niya ako binibigyan nun.



"My apologies.. Argh. S-Sorry for yesterday. Hindi ko alam na ikaw na yung bagong nakaupo sa tabi ni Dark. Ikaw tuloy yung nabiktima ng sirang upuan." He said coldly.



Nginitian ko naman siya ng pilit. "O-Okay lang yun. Y-You're forgiven.."



Pagkatapos niyang iabot sakin yung mga cupcakes ay umalis na silang anim. Medyo narinig ko pa nga yung pag-uusap nila kasi ang lalalakas nilang mag-usap.

My Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon