Bed 7

74.2K 1.1K 45
                                    

Pia's POV

Dalawang buwan na rin ang nakalilipas at unti-unti na ding lumalaki ang umbok ng tiyan ko.  Naging maayos din naman ang naging takbo ng pagtatrabaho ko sa restaurant ni Yell at sa katunayan nga ay mas lalo pang napalapit ang loob ko rito.

Madalas kasi ay niyaya ako nitong lumabas kapag day-off ko o hindi naman kaya ay kapag nababagot daw siya. Minsan nga ay hindi ako naniniwala sa mga dahilan niya dahil halata naman na gusto niya lang umiwas sa lalaking iyon.

Hindi naman niya nakukwento dahil hindi pa daw siya handa. Ayos lang din naman sa akin dahil wala rin naman akong sinabi sa kanya tungkol sa tatay ng anak ko.

Samantalang kay nila Mama naman ay wala na akong naging balita pa. Simula kasi ng gabing tumawag siya para sa bagay na iyon ay hindi na kami pa nagkausap.

Mabuti na din naman iyon dahil wala naman akong balak na baguhin pa ang desisyon ko. Ang mga walang kwentang tao na magaling lang umalis at mambalewala ay walang karapatan bigyan pa ng pagkakataon na makapanloko pa muli.

Siguro nga ay naloko niya ang pamilya ko pero ibahin niya ako. Hindi ako masisilaw sa mga karangyaan na meron siya o mga kwentong pagpapaawa niya na puro pawang kasinungalingan lamang.

"Pia! Ay susmaryosep ka naman talaga oh! Buntis ka na nga't lahat pero nagagawa mo pang magwalis ng bahay. Sinabi ko na kasi sayo na magpatulong ka na lang sa akin eh." inagaw sa akin ni Ate Cholita ang walis at itinuloy ang paglilinis sa sala.

Natatawang napakamot naman ako sa noo ko.

"Ate naman. Hindi naman ako baldado o kung ano atsaka maganda nga itong exercise para sa amin ni baby tutal ay wala naman akong pasok sa restaurant." umupo ako sa harap ng hapag kainan at ininom ang gatas na tinimpla ko.

"Ay ewan ko sayo. Oo nga pala, magpupunta kami ng Baby C ko sa mall baka gusto mo sumama. You know, chill chill lang daw sabi niya. Ewan ko ba sa batang iyon at gustong mag-mall sa kung saan man sa may Ortigas daw. Sabi daw kasi ng Tita Mary niya maganda daw doon." kwento pa nito at itinaktak ang tambo sa basurahan.

Napaisip naman ako at hinaplos ang aking tiyan. Siguro nga ay makabubuti rin iyon para hindi ako mabagot dito sa bahay.

"Sige, sama ko sa inyo. Anong oras ba?" 

"Maya-maya siguro mga 11am para pagdating natin doon ay tanghalian na. O siya at papaliguan ko muna si Baby C dahil sobrang excited ng umalis. Ewan ko ba sa batang iyon." 

Pag-alis ni Ate Cholita ay tinupi ko muna ang mga damit ko galing sa sinampay at nag-ayos na para sa pag-alis.

"Naynay! Kain po tayo sa Mcdo! Gusto ko po ng rice atsaka chicken atsaka gravy atsaka fries atsaka iced tea." sabi nito habang magkahawak kamay sila ni Ate Cholita.

"O, sige po baby ko! Kakain tayo sa clown na mukhang ewan na yun, okay?" kinurot nito ang pisngi ng anak ng may ngiti sa mga labi. Sumulyap sa akin ito at nginitian ako.

"Ayos lang ba, Pia? Pasensya ka na kung doon tayo muna maglu-lunch ha? Paborito kasi talaga niya yun eh." 

"Ano ka ba, Ate. Ayos lang yun tutal matagal na din naman noong huli akong kumain doon. Alam mo na." sabi ko rito ng naka-ngiti.

Pagpasok pa lang namin sa fast food na iyon ay nagtatakbo na si Cronus papunta sa isang table at masayang kumaway sa amin. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo pa at napaka-cute talaga nito.

"Ikaw, Pia. Anong gusto mong kainin? Ako na ang magbabayad tutal ay kakasahod ko lang din naman." 

"Naku ako na lang, nakakahiya na kung makikisakay pa ako sa gastusin." 

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Where stories live. Discover now