9

20 0 0
                                    

Meg's POV

Break time namin ngayon at kasama ko si Elyn. Remember her? Yung pinakilala samin ni Brent one time. Yung kabarkada ni Chris.

"May sinabi sakin si Brent." agad naman nyang nakuha ang atensyon ko. Don't tell me sinabi ni Brent kay Elyn na may gusto ako sa kaibigan nya? Ugh. Brent.

"Ano?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"May crush ka raw sa room natin. Sino? Sino?" nakangiting tanong nya sakin at kinulit ako ng kinulit. Good thing hindi pinagsabi ni Brent. Pero sabihin ko kaya kay Elyn? Mabait naman 'to tsaka mapapagkatiwalaan.

"Sige na oo na. Sasabihin ko na." tumigil naman sya sa pangungulit sakin at nakatitig lang sakin na naghihintay ng sagot.

"Si Chris." halos bulong kong sabi. Agad naman syang napatawa matapos marinig ang sagot ko.

"May nagkakagusto pala sa bilbil non. Hahaha!" napatawa nalang din ako sa kanya. Ang tunay na kaibigan nilalait ang kapwa kaibigan. Tama o tama?

"Adik ka." matawa tawa kong sabi sa kanya.

"Alam mo? Bilisan mo. Ikaw na ang gumawa ng first move. Torpe kasi yon." nagulat naman ako sa sinabi nya. Ako? Gagawa ng first move? Hindi ko pa ata nagagawa sa tanang buhay ko yon. Tsaka ako ang babae rito oh. Diba lalaki naman usually ang gumagawa non? Pero Meg, may gusto ba sya sayo? Diba wala? Tss.

"Madami kasing nagkakagusto don Meg. Lalong lalo na ang mga bakla. Pero may mga babae rin naman. Basta madami." pagkekwento nya sakin. Nako, mukhang marami pala akong karibal.

"Ni hindi pa nga kami naguusap non. Nahihiya ako lumapit eh." sabi ko sa kanya.

"Nako! Wag kang mahiya don. Walang hiya rin yun eh. Di lang halata." pabiro naman nyang sabi.

Maya maya pa ay nag-aya na sya bumalik sa room. Baka kasi nandon na si ma'am. Social Science ang subject namin ngayon.

Pagkapasok namin sa classroom nagulat kami at wala pa si ma'am. Usually maaga yun ah? Tsaka saktong 2:00pm na. Dapat nandito na sya.

Umupo naman ako sa upuan katabi ni Alodia since wala naman kaming arrangement kung saan talaga nakaupo dito sa subject na ito.

"San kayo galing ni Elyn?"

"Dyan lang sa labas. Nasan si ma'am?" tanong ko sa kanya pabalik.

"Wala pa nga eh."

Kanya kanya kami nang ginagawa. Nag kwekwentuhan, cellphone, may nanunuod sa laptop ng anime at kdrama. In short, kanya kanya kami ng mundo.

Di naman nagtagal at may limang babae ang pumasok sa room namin. May kasama silang tatlong marino na may dala dalang box ng tinapay at juice. Ano to? May paalay?

"Good afternoon. Is this MLS 2C?" tanong nung isa sa babae.

"Yes."

"Since wala yung professor nyo for today, kami ang sinabihan nya para mag discuss sa inyo. And ang iduduscuss namin sa inyo is about stress management since mga medical students kayo. Alam naming stress na stress kayo. Tama ba?"

"Tama!"

"Sinabi mo pa ate girl!"

"Truly."

And ayon na nga. Nag discuss na sila. BS psychology pala sila and graduating na sila. Project nila itong pag didiscuss at grupo nila ang naassign sa section namin. The whole discussion is boring. For me. Told you wala akong interes sa mga ganyan. Ayoko talaga ng mga discussion. Dapat nag artista nalang ako eh. Pfft.

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon