2

29 1 0
                                    

Meg's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at halos two weeks na kaming pumapasok. Kung sinabi ko noon na ayoko sa mga kaklase ko ngayon, binabawi ko na. They're awesome and kind naman. Sadyang yung iba makikitaan mo ng attitude pero mababait naman sila. Halos lahat sila mabait. May nakaclose na nga agad kami eh.

And habang kinikilala ko silang lahat, there's this one guy na nakapukaw ng attention ko. I don't know why or when but I found myself attracted to him. ATTRACTED LANG HA!

"Pst Meg!" napalingon naman ako kay Leo nung tinawag nya ako. Chemistry kasi namin ngayon. Diba palagi kaming magkatabi neto kasi parehong 'A' ang surname namin.

"Bakit?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Picturan mo si Anna oh. Lumalandi na naman don."

Kung akala nyo matino at seryosong tao 'tong si Leo, PWES NAGKAKAMALI KAYO. And don't take that seriously. Hindi naman malandi si Anna. In fact, sobrang bait nya.

Nilingon ko naman si Anna at kausap nya si Chris at si Rov. New classmates namin. Although si Rov ay irregular student kasi tinamad daw syang mag take ng summer class which is required naman talaga. Adik din yon ah.

Agad ko naman silang pinicturan. Wala lang, pang blackmail ba.

"Ano yan? Ano yan?" tanong ni Paul samin nung nakita nya kami ni Leo na nagtatawanan habang tinitingnan yung picture ni Anna na saktong nakanganga.

"Wala wala." sagot ko naman. Paano, palagi nalang inuulit yung mga sinasalita nya. Kelangan doble doble?

Nag pout lang naman sya habang nakatingin samin ng masama.

"Mukha kang bibeng di mapatae." sabi sa kanya ni Leo na dahilan para mapatawa ako ng malakas at makuha ang atensyon ng mga kaklase ko and even our teacher. Boset naman kasi 'tong si Leo eh!

"Ikaw pala'y happiness" bulong sakin ni Alodia. Katabi ko na kasi sya kahit Laxamana ang apilyedo nya. Trip nya lang lumipat, batas eh.

Nag peace sign nalang ako sa kanila habang nakangiting aso. Hayst! Buti nalang mabait ang prof namin kundi baka najombag na ako.

***

Natapos ang maghapon namin na nakakamatay. Paano, sa inaraw-araw na ginawa ng Dyos puro kami quiz, activities, assignment. Tapos idagdag mo pa ang reports. Jusko! Muntikan na nga akong mag shift sa course ko last year eh pero dahil mas matatagalan ako mag-aral, itutuloy ko nalang. To be honest ayoko talaga sa school. Friends nga lang ang nilolook forward ko pag napasok ako.

"Tara SM! Wala naman tayong gagawin bukas por da pers taym in poreber." aya ko sa kanila. Kasama pala namin yung bago naming friends na nakilala sa section na to.

Si Daniel, Ryan, Rose, Crissa, and Mela. Sila talaga yung original na magkakasama na. Bale squad ko and squad nina Ryan ang minsang nagkakasama sa school or pag may galaan.

So fast forward, nandito kami ngayon sa KFC at nagkwekwentuhan about first day chuchu.

"Alam nyo nakakatakot kayong lapitan nung first day." sabi sa amin Ryan.

"Hala! Bakit naman? Mukha ba kaming mangangain ng tao?!"

"Ikaw lang Paul ang mukhang cannibal sa ating lahat." poker face na sabi ni Brent kay Paul. Speaking of bully. Hahaha!

"Hahaha hindi! Eh kasi naman parang kami yung nahihiya sa inyo." ay grabe naman to. Sila pa yung nahiya eh sila nga yung original na nasa section C.

"Tapos etong si Paul pa ang angas maka lakad. Akala mo nanghahamon ng away eh." sabi naman ni Daniel. Well, ganon talaga yang si Paul. Akala mo ikinagwapo ang pagiging siga. Pffft.

"Etong si Leo naman mukhang nerdy type at tsaka si Anna." singit ni Rose. Totoo naman yon eh, matalino talaga silang dalawa pero hindi naman yung nerd na nerd. May mga kalokohang taglay din naman tong dalawang to. Hindi lang halata. Dean's lister pa nga silang dalawa eh. Dapat imaintain nila yung grade nila na walang bababa sa dos.

"Tas si Alodia naman mukhang mataray na mabait." hala anudaw?! Hahaha!

"Tas etong si Meg, mukhang mataray talaga. Tas parang snob tsaka maarte."

"Ay grabe kayo guys!" actually sanay na ako. Laging yun ang first impression sakin. Kesyo yung mukha ko daw parang tatarayan ko sila pag nagtangka silang kumausap sakin. Tapos sabi naman ng iba yung presence ko daw parang leader. Ewan ba. Sabi nila na parang ako daw yung maglelead sa kanila or whatsoever. Pero nganga! Ako yung pasaway. Hahaha.

"First impression ko kay Rose mukhang mabait." singit ko sa kanila. Sya kasi yung kauna-unahan kong nakausap sa klase. Nanghingi kasi ako nun ng papel. First day na first day walang papel eh. Oh well, I know naman na hindi ako nagiisa.

"Si Daniel, mayabang." simpleng sabi naman ni Anna. Mayabang sya pero mabait naman.

"Si Ryan, sosyalin." sabi ni Brent. Napag-alaman din namin na half British pala 'tong si Ryan. Nakanang! Humahalf eh.

"Hmmm.. Si Crissa naman at Mela mukhang matalino." - Alodia

"Mag pinsan yang dalawa ha!" - Daniel

"Tinatanong ko?" talaga naman tong si Brent. Hahaha! Pag etong dalawang to nagaway dito sa KFC lalayasan ko to.

Nagkwekwentuhan lang kami dito hanggang sa nagkayayaan nang umuwi. Gumagabi narin kasi at malayo pa ang uuwian nina Leo at Paul. Palagi kasi silang sabay umuwi.

"Bye guys. See you tomo!"

"Bye ingat!"

I guess di naman nakakapangsisi na napadpad kami sa section na 'to.

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon