6

22 0 0
                                    

Meg's POV

Phlebotomy 102 namin ngayon. Last subject na for this day. Hays buti naman. Nakakatamad kasi umupo at makinig. Nakakantok.

"Okay class so next meeting, we will have a practical quiz."

Kanya kanyang bulong naman ang mga kaklase ko. Practical quiz?

"Magdadala kayo ng limang pasyente nyo dito sa room. You will perform venipuncture. Kukuhanan nyo sila ng dugo with the exact measure na sasabihin ko. Pag nakakuha kayo ng lima, 100 na kayo. Pag apat, 95. And pag naka isa lang, 80. Pero pag wala automatic na 60 lang yon. Clear?"

"Yes sir."

"Okay so you may go."

Sino naman kayang hahagilapin kong estudyante dito na papayag magpakuha ng dugo? Nakapag perform na naman kami. Kanya kanyang partner. Ang partner ko ay si Leo. Madali lang syang kuhanan since kitang kita mo ang ugat nya.

"Sinong patient mo?" tanong sakin ni Alodia.

"Di ko pa nga alam eh. Baka manghihila nalang ako sa labas." biro ko sa kanya.

"Ako, baka bayaran ko nalang sila."

"Baliw. Ano sila bayaran? Adik ka talaga."

"Guys may syringe ba kayo?" tanong naman ni Anna. Sa mga di familiar sa syringe, yun yong mismong pangkuha ng dugo na may karayom sa dulo.

"Wala eh." Brent

"Wala rin ako." Leo

"Meron na ako." Sabi naman ni Paul.

"Bili nalang tayo pag malapit na." nagsitanguan naman sila sakin at nag ayos na ng gamit.

Pagkalabas namin ng room nandon pa sa labas sina Ryan at Daniel.

"Wala kayong balak umuwi?" tanong ni Brent sa kanila.

"Meron na. Tara na. Sabay sabay na tayo." Aya samin ni Ryan. Tumabi naman sakin si Daniel.

"Hi Meg."

"Hello." wala sa wisyo kong sagot.

Naglalakad lang kami ng bigla kong naaninag si Chris kasama si Ari at yung isa pang babae. Nung malapit na kami sa kanila, binati ni Ryan at Daniel si Chris pati narin si Ari.

"Kayo ha." tukso pa ni Daniel sa kanila.

Tumawa lang naman si Chris bilang tugon. Naglakad na muli kami papalayo sa kanila.

"Sila ba?"

"Ha?"

Di ko napigilan yung sarili ko at natanong ko yon kay Daniel. Hayst naman Meg oh. Baka makahalata yan!

"Wala." Sabi ko sabay binilisan ko ang lakad ko.

"Si Chris ba at Ari? Hindi sila."

Bahagya naman akong napatigil sa paglalakad ko ng marinig ko yon.

"Eh narinig ko kasing tinawag ni Ari si Chris na 'babe' eh."

"Ah ayon ba. Nung first year kasi kami, silang dalawa yung love team sa classroom namin. Pero ang alam ko, may ibang mahal na si Ari."

"Ibang mahal na?" so it means..

"Oo. Noon kasi may gusto si Ari kay Chris pero hindi sila nag work."

Tumango nalang ako. So much information. Pero ngayon malinaw na sakin na hindi sila. Bakit parang ang saya ko? Err. Kelangan ko na ata ng tulog.

***

Another day had passed. Uwian na. Ang bilis ng oras no? Parang kahapon lang first day of school eh.

Nandito kami ngayon kina Alodia. Why? Kasi mag luluto raw sya ng spaghetti.

"Spaghetti!" Sabi ni Paul habang nagniningning ang mga mata.

"Patay gutom ka talaga." Sabi naman ni Brent. Oh well sanay na kami dyan. Joke lang naman pati yon. Kaya di na kami naooffend kapag may sinasabi sya.

"Cheese nalang kaya ang kainin mo?" mataray na sabi ko kay Alodia. Paano, kung makakaskas ng cheese dun sa spaghetti nya wala nang bukas. As in madami pa yata yung cheese kesa sa spaghetti.

Nginitian lang naman nya ako ng matamis sabay bigay sakin ng cheese. Mga tatlong kaskas lang binigay ko na kay Brent yung cheese.

"Omg Meg. Yan lang ang cheese mo? Di mo ba alam na cheese is life?" di makapaniwalang tanong nya sakin.

"Di kasi sya daga katulad natin." singit naman ni Anna.

"Aba. Kelangan mo pa nga akong icongratulate kasi naglagay ako. Alam mo bang sa lahat ng pagkain yan ang pinakaayaw ko?" taas kilay ko syang tiningnan.

"Alien kasi yang si Meg." sabat ni Brent.

After namin kumain tumambay kami dito sa salas nila.

"Meg online si Chris. Chat ko na ba?" sabi sakin ni Brent sabay smirk. Nasa kanya kasi yung phone ko.

"Subukan mo." Banta ko naman sa kanya.

"Go. Ako bahala sayo." panggatong naman sa kanya ni Leo. Isa pa 'to. Paliparin ko tong dalawang to eh.

"Dali na. Hahaha!" Anna

"Sa kanya na kaya tayo bumiling syringe? Since bumili naman sya ng isang box at sabi naman nya, mag bebenta sya." Alodia

Oo nga no?

"Message sent!" napalingon naman ako sa sinabing yon ni Brent. Teka don't tell me..

"CHINAT MO?!" halos di makapaniwala kong tanong.

"HAHAHAHAHA" them

Agad ko namang inagaw yung phone ko kay Brent.

Hello Chris. May syringe ka pa ba?

Err. Wala manlang smiley face? Sabihin pa nito ang taray ko sa chat.

Tumunog naman yung phone ko hudyat na may nag message sakin.

"Ayan na ayan na! Anong sabi?" makatanong naman tong mga kaibigan ko. Akala mo inaya kong makipagdate si Chris eh.

Yeah meron pa :)

Shit may smiley face!

"Ay mga kaibigan, si Meg po ay kinikilig" inirapan ko naman si Paul. Epal eh.

Ahh. Osige. Pabili nalang ako ng 30 pieces :)

Nilagyan ko na ng emoticon. Pero omg kinikilig ako. Kachat ko si crush! KACHAT KO SI CRUSH!

Noted ;)

Nagthankyou naman ako sa kanya ang nag 'You're welcome' naman sya. Hindi ko na inopen yung message kasi kapag binuksan ko pa yon, kelangan ko syang replyan. Isipin pa non feeling close ako sa kanya.

"You're welcome Meg." sabi sakin ni Brent sabay ngumisi. Napatawa nalang ako sa inasal nya. Aaminin ko, gusto ko rin naman. Pasalamat nalang sa pasaway kong mga kaibigan.

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon