3

26 1 0
                                    

Meg's POV

Shit malalate na 'ko!

Agad agad akong bumangon at kumuha ng damit na isusuot. Since Wednesday ngayon, wash day namin kaya kumuha nalang ako ng pants and tshirt. Di naman kasi ako yung pumoporma sa school. Ang school ay para sa pag-aaral, hindi sa pag rampa.

So moving forward, bumaba na ako para maligo pero halos manlumo ako nung nakita kong may tao sa CR. Pag minamalas ka nga naman oo! May pinsan kasi akong nakikitira dito sa amin kasi malayo ang bahay nila mula sa school. Grade 11 lang sya at magkaiba kami ng school.

"Angel matagal ka pa?" katok ko sa kanya.

"Wait."

Aba ayos ang sagot neto ah. Saktong sakto sa tanong ko.

Halos tumalon na rin ako at mamatay kakapilit dito kasi ihing ihi na ako. Jusme Angel faster!

***

Buti nalang at di ako nalate. Chemistry kasi eh. You know, mabait prof namin.  Habang naglelecture si ma'am di ko mapigilang mapatingin kay Chris. Sya yung sinasabi ko sa inyong nakapukaw ng attention ko. Matangkad sya, gwapo pero mahiyain pa sakin. Ewan ba kung sadyang ganon sya o hindi ko palang sya lubos na kilala.

"Meg picturan mo nga ulit si Anna. Tingnan mo o ang landi." bulong sakin ni Leo. Eto talaga, makapangtrip lang eh. Tas ako naman etong sunod sa kalokohan neto.

"Itaas mo kasi yung phone mo." bossy amp!

"Wag nang itaas! Makakahalata eh! Okay na yan."

Tingnan ko naman yung picture na nakuha ko. Ang gwapo talaga neto. Gwapo lang ha. Di ko sya crush okay?

After chemistry, free time namin. Lumapit samin si Brent habang hila-hila yung isa naming kaklase. Di ko alam ang name nya eh. Mahina ako sa names pero pag nakita ko naman eh makikilala ko. Yun nga lang, hindi sa pangalan.

"Guys, si Elyn nga pala." pakilala ni Brent sa kanya.

"Hello, Meg here."

"I'm Anna. Nice meeting you."

"Alodia at your service!"

"Leo."

"Gwapong gwapong Paul."

"Wtf. Shut up Paul. Nagdidilusyon ka na naman." - Brent

"Hello guys. Nice to meet you din." nice, new found friend.

Mag chichikahan pa sana kami kaso bigla syang tinawag ni Chris.

"Elyn tara na daw." - Chris

"Guys alis na kami ah. Mamaya tayo magchikahan. Babye!"

Palagi ko nga yon nakikitang kasama nina Chris. Apat sila sa squad nila eh. Si Chris, Elyn, Cy, and Annie. Bale dalawang babae, dalawang lalaki.

"Meg, may sasabihin ako sayo." bulong sakin ni Alodia. Kinunutan ko naman sya ng noo at hinila ako sa labas ng room kung saan walang tao.

"May crush ako." agad naman nyang nakuha ang atensyon ko.

"Sino? Si Leo? Brent? O baka naman si Paul? Mygahd Alodia Laxamana gumising ka nga!"

"Baliw! Hahaha! Hindi sila at wala sa kanila. Adik ka talaga." buti naman.

"Then who?"

"Si Rov."

Rov..

Ah si Rov! Yung irregular naming kaklase na tinamad mag summer class!

"Si Rov? Bakit mo naman naging crush yon?" poker face na sabi ko.

"Wala lang. Pogi kasi. Hihi!" malandi talaga tong kaibigan kong to. Mana sa pinagmanahan! Oy, hindi ako ganon ha!

"At ikaw may nakikita akong palagi mong tinitingnan. Ikaw ha!" sabi nya sabay hampas sakin.

"At sino naman aber?" taas kilay kong tanong sa kanya kahit na kilala ko naman kung sino ang tinutukoy nya.

"I know you know who he is." mahinang sagot nya sabay balik sa loob ng room.

Taray! Lakas maka wattpad nung line at exit nya don huh!

Pero crush? Ko? Si Chris? Parang hindi naman.

Pero pwede rin. Crush lang naman. That's normal.

***

Atlast uwian na. Sobrang bilis ng oras pag medtech ka dahil sa sobrang daming ginagawa. I know naman na lahat ng course mahirap pero hindi ko ineexpect na ganito pala kahirap sa medtech. Ang gusto ko kasi talaga ay Mass communication or Multimedia kaso ayaw naman ng parents ko so sige nalang. Sunod nalang.

Naglalakad kami ngayon palabas na ng school. Kasabay namin sina Ryan.

"Anna kamukha ka talaga ni Ari." sabi ni Ryan. Ari? Sounds familiar kasi palagi nilang sinasabi or nababanggit yung pangalan na yon. Sa pagkaka-alam ko, kaklase nila yon before na napahiwalay ng section.

"Hindi kaya!" disagree naman ni Daniel.

"Walang nahingi ng opinyon mo." pabulong na sabi ni Brent. Ewan ba dito kung bakit mainit ang dugo nya kay Daniel. Pero minsan naman magkasundo sila.

"Oo nga no? Gawa nung salamin." sabi naman ni Rose. Nakasalamin kasi 'tong si Anna. Malabo ang mata eh. Pareho sila ni Leo na may eyeglasses.

"Hindi ko naman kilala yun eh." nakapout na sabi ni Anna. Nakakacurious tuloy kung anong itsura nung Ari na sinasabi nila. Lakas maka Arianna Grande ng pangalan!

"Tara na dali. Ako'y tutulog pa." aya ko sa kanila. Paano, ang babagal maglakad. Palagi kaming nauuna ni Alodia.

Kelangan ko ng tulog. Sumasagi si Chris sa isip ko eh. Ewan kung bakit. Siguro nga crush ko yon. Ew ang baduy. Tss.

Say That You Love MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt