Wedding Preparations

22.1K 340 53
                                    

Kanino kayo mas affected? Sa break up ni Lena at Aston o sa break up ni Rain at Reino? Pansin ko lang madaming kampi kay Kyle Corvette Montefalco dito huh? mostly ay mga hindi yata nabasa ang book 1? paalala ko lang po sa mga nagstart sa book 2, mas maganda po yung book 1 kesa ito. At wala ng book 3 na LenAston okeer? wag makulit

Update as promised
____________________________________________________________________________

Lena's POV

Napabuntong hininga ako habang nakatitig ako sa kisame ng opisina ko, one week na simula ng maghiwalay kami ni Aston, ay mali pala...he broke up with me. Ayaw niya akong pakinggan kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya, at tengenengyen ang sakit lang pala talaga...

Guess I deserved it huh? Hindi ko din siya pinakinggan ten years ago at ngayon siya naman, kung may magagawa lang sana ako. Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam sa kanyang mahal ko siya? ang tanga tanga naman ng piglet na yun eh!

Marahas na pinunasan ko ang mga luha ko dahil ayokong umiyak, pinagmasdan ko ang mga butiki sa kisame, may ginagawang milagro, tsss ang aga aga ganyanan kayo ng ganyanan mga imoral na butiki, pitikin ko kaya kayo ng lastiko? badtrip!

(Inggit ka lang)


Walanjo! Andito nanaman yang mysterious voice na iyan! guraaabeee lungs! in-epal mo na nga sarili mo sa Lady Killer Series otor andito ka pa din? shoo away! istorbo much ka sa pagsesenti ko! 

Okay balik sa akin, music please! haaay...kung sana kaya ko lang bawiin ang lahat, ano ba kasi ang gagawin ko para paniwalaan ako ng piglet na Aston na yun?! nakakainis naman oh! gusto kong sakalin ang lalaking yun!

But evrytime I see the animosity in his eyes...umuurong lahat ng tapang ko, gusto ko lang siyang yakapin just like before...nakakalungkot lang...hindi ito umurong sa kasal namin pero...

ang sakit lang talaga nun...sabi ko nga kay Ran ako nalang ang uurong sa kasal pero tama si Ran, hindi ko dapat gawin yun! chance ko na yun to win him back! Aakitin ko siya! kaplenk! paano ko naman gagawin yun? eh sa line ng trabaho niya eh pagkadami dami at sandamakmak na babae na ang lumalapit sa kanya! mga malalandi! alam na nga nila na ikakasal na si Aston eh! tss! =___= nakakalakad na din pala siya, magaling ang therapist niya eh, ang usapan namin nun pag nakalakad siya pahinga muna siya in preparation sa kasal namin pero asan siya ngayon? ayun sumabak na kaagad sa modelling career niya, may movie pa! sa lakas ng karisma ni Aston sa media wala silang pakialam kahit na ano pang intriga ang kinakaharap niya, pati nga kasal namin wala silang keme eh! =__= yun lang dumami ang haters at hate pages ko sa internet dahil kay Aston, kesyo Major General mangaakit daw? the eff-- hindi ako showbiz personality pero pati ako damay!

Ang daming intrigang nagrerevolve sa akin ngayon! hindi man sa akin directly eh katama tama padin! Dahil daw 'inagaw' ko si Aston kay Titania naging sila ni Reino! tapos ngayon si Rain ay nakitang kasama si Corvette, ngayon galit sa akin ang fans ni Aston, ang fans nila Rain at Reino at pati nadin ang fans ni Corvette! jusko naman! kasalanan ko nalang lahat! lahat na! ako na talaga ako na maganda ako na lahat! tsss...

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now