This Means War

22.6K 357 27
                                    

*Note: may sakit ako (aside from nahulog ako sa hagdan namin at namamaga ang paa ko kaya ako pilay ngayon) ang sakit ko yata ay nawawalan na ako ng gana sa mga kwentong malapit ng matapos, gaya nalang ng Meeting Lucy, Heaven forbids na mawalan ako ng gana sa TFMO bago ko ito matapos, I hate goodbyes kase eh kaya ganun.

POLL (yung totoo) gusto niyo pa bang humaba pa ito? o tapusin na? ewan ko baka ako lang pero parang nawawala na nagbabasa nito eh hehehe ako lang siguro sinasaltik XD feeling ko kase masyado na siyang nagiging serious na ewan eh. Humahaba na din ng bongga nagsasawa na po ba kayo?

___________________________________________________________________

Drei's POV

Titania Mignonette! Mapapatay talaga kitang babae ka! Ikinuyom ko ang kamay ko as a finely written note lay in the table.

Dearest Alejandro Martins,

Good Day! I am happy to inform you that I will be leaving your Manor today, or should I say, my fiance's Manor. Please don't worry about me because by the time that you've read this I am already in the arms of my loving Aston along with his friend namely Reino, with Aston's bodyguard named Lena Cathena Montez. I refuse to succumb to your manipulation, I am a Duchess and you're a lowlife. So don't try to cross me because I will ensure your timely death.

Sincerely,

Lady Titania Mignonette CDY

P.S. You Suck Big Time DREI

Bwiset! leche ang babaeng ito! mapapatay ko siya! mapapatay ko talaga siya! papatayin ko siya! ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama. I mustn't lose my cool I mustn't. Matagal kong pinagplanuhan ang pagbagsak ni Aston at hindi ako papayag na isang baliw na babae lang ang sisira sa mga plano ko!

I closed my eyes as I saw Lena's image.

Her pure image, tainted by that Aston. Na akala mo ay Diyos kung maka-asta. Naalala ko pa ng mga bata pa kami. Alam na pala ng Papa noon na anak niya ako, pero tanging si Aston lang ang pinapaburan niya, ang kanyang tagapagmana at ang kanyang munting prinsesang si Ionna. Samantalang ako lumaki sa kahirapan. Sinubukan kong gawin ang lahat para mahigitan si Aston pero hindi ko magawa.

Laging siya ang bida! Laging siya ang mabuti sa mata ni Papa. Nang hiwalayan ng mama ni Aston si Papa at saka palang ako napansin ng aking sariling ama, bagamat ako ang panganay, hindi nagbago na si Aston ang pinapaboran ng lahat at siyang tagapagmana.

Hindi marunong lumingon sa iba ang binatilyong si Aston dati, tahimik siya maging sa pag-aaral. Ni hindi nga niya ako kilala dahil wala naman siyang ibang ini-intindi kundi ang sarili niya.

I opened my wallet at mula doon kinuha ko ang litrato ng dalagang si Lena, nahulog ito ni Aston mula sa kanyang notebook years ago ng akala niya siguro ay isa lang akong hamak na anak ng tiga linis sa Manor.

Noong una wala akong balak pansinin iyon dahil hindi naman talaga siya kagandahan noon, pero ng makita kong magkanda loko loko si Aston sa paghahanap nun, itinago ko and I enjoyed every minute na para siyang tangang naghahanap non.

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now