Ang Pag-amin

27.5K 482 78
                                    

Note: yung mga may gusto pa pong maghandle ng account ni Aston! pm me here! or in fb! tsaka yung mga hindi po makakita ng compilation ng The Famous Meets the Ordinary BOOK 1 nasa reading list ko po siya! ginawang private ng wattpad dahil ewan ko

http://www.wattpad.com/2484663-the-famous-meets-the-ordinary-book-1-compilation

yan po link ^

tsaka ngapala PAKI-PALAGANAP ANG KWENTONG ITO hahaha para dumami-dami naman ang fans hehehe ^________^V

(play the music on the side para mas feel niyo ang pagbabasa---------------------------------->)

_______________________________________________________________________

Lena's POV

Ayoko magsalita! nakakahiya eh! basta nakayakap lang ako kay Aston, bahala na siya kung ano iisipin niya! tutal kung ano man yun probably tama yun eh! eh ano'ng magagawa ko? tanga na kung tanga..mahal ko siya eh!

For a while ganun lang kami, nakayakap ako sa kanya, hanggang sa gumalaw siya at bumangon. A-Aston ayaw mo bang niyayakap kita? siguro si Chichi lang ang gusto niyang kayakap, ang sakit naman, pero hayaan mo na nga, lalakasan ko nalang yung apoy...pero bago pa ako makatayo ay naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod at ibinalot niya sa akin ang jacket niya.

"Ayokong lamigin ka" he gently said, at naluha nanaman ako, nakakainis! nagiging iyakin ako dahil sa kanya eh! I covered my face with my hands para hindi niya makita

"O bakit umiiyak ka nanaman?" tanong nito, kung pwede ko lang sagutin na dahil sa kanya eh, buwisit siya! mahal ko pa din ang kumag na ito, hindi naman yata siya nawala sa puso ko eh. Yumuko ako to my knees habang nakayakap pa din siya sa likuran ko, ayoko na ang sakit lang na hindi niya ako pwedeng mahalin din. Kasi naman eh! bakit ba ganoon ang buhay?

Then I felt him kiss my nape

O_O

"I won't leave you Lena...so please don't cry, I can't stand seeing you sad." sabi nito, nilingon ko siya kahit hilam ng mga luha ang mata ko

"A-ano ba ang---"

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng siilin niya ako ng halik, at just like the old times, parang tumigil ang mundo ko sa paginog, at siya lang ang mahalaga, I was thrown back in the past by tasting his kiss, another batch of tears came from my eyes, at pumikit na ako as I welcomed his kiss. Maingat ang bawat halik niya na para ba akong babasagin kung ituring niya, but gentle as they were, his kisses still sent me outerspace, lutang pa din ako sa mga halik niya just like ten years ago. Saglit kaming naghiwalay at tumitig sa isa't isa...but then he dipped his head once more and caught my lips in a fiery kiss, my hands found his nape as his hands found my waist and he pulled my closer to him, parang sinusulit namin ang sampung taong nawala sa amin sa halik na iyon, I missed him...I missed him bigtime.

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now