Paired

25.2K 413 47
                                    

*Note: ayan maguupdate dapat ako kahapon pero walang idea at may sakit ako, tapos po baka hindi ako makapag update hanggang Saturday! bale Sunday na po ang update kase pupunta ako ng Pampangga as one of the representatives ng FEU- Institute of Nursing para ipresent yung Thesis namin sa Philippine Nursing Research Society. Ayun kahit papano pala hindi lang ako pang-wattpad nyahahaha! ayun ang daldal ko eto na.

___________________________________________________________________

Titania's POV

Helena Town eh? Good job Laureen. Naroon lang pala ang mga hinahanap ni Drei, with my Reino. Hmm napaka small world na kaibigan ni Aston ang aking pinakamamahal na si Reino, ang tanging nagmahal sa akin ng totoo. He was the only one who loved me despite of my flaws, hindi ko tunay na kapatid si Reino but he loved me nonetheless, we grew up together and I took care of him, so he belongs to me!

Pinagmasdan ko ang TV habang pinapanood ko ang concert nito sa isang DVD. Napakalaki na ng pinagbago nito mula sa iyakin na si Reino, ang aking munting Reino na tanging si ate lang ang nakakapagpatigil sa kanya sa pag-iyak, two years ang gap namin ni Reino pero ako ang nag-aalaga sa kanya simula pa noon dahil parehong workaholic ang mga magulang niya na nagpalaki sa akin.

Naaalala ko pa noong nasawi ang mga ito sa isang plane crash, ako ang nagsilbing ina ni Reino kahit dalawang taon lang ang gap namin, I was so protective of my brother that I hate seeing girls around him, hindi ko noon alam na hindi kami tunay na magkapatid pero minahal ko siya. I thought it was wrong kaya naman sinubukan kong magmahal ng iba...mali ang nararamdaman ko for Reino that time dahil magkapatid kami and that's when I met Drei.

Drei was a famous rockstar, more famous than my brother that time and I thought that by giving myself to him ay madedevelop ako sa kanya and eventually will lead me to forget about my feelings for Reino, nangyari nga iyon, I fell for him hard dahil sa mga inakala kong siya, I built up the image of him in my head...hanggang sa nalaman ko nalang na hindi pala ang tunay na Drei ang nakilala ko, eventually ay nagbunga ang katangahan ko kay Drei, and when I found out about his womanizing hindi ko naisip ang anak ko sa sinapupunan ko at tumakbo ako na siyang ikinahulog ko sa hagdan.

Paggising ko ay wala na ang baby ko. At hindi lang iyon, nalaman ko ang pambubugbog ni Drei sa kapatid ko.

Habang nasa Ospital ako noon ay saktong dumating ang butler ng tunay kong lola na sinasabing ako nga ang nawawalang apo ng Duchess of York. Napakahirap paniwalaan ng mga pangyayari noon sa akin, pero kinailangan kong maging matatag, I pretended to be a lunatic fool para maisagawa ang plano ko.

Ang pagpapahirap kay Drei. Pero upang magawa iyo ay kinailangan kong maging si Titania. So I faked my death. Napakagarbo ng plano kong paghihiganti pero sabi nga nila.

Revenge is a dish best served cold.

At ngayon na nakita na kitang muli Alejandro Martins, malalasap mo ang mga pasakit na pinadama mo sa akin noon, at Reino... ibinaling ko ang mga mata ko sa telebisyon. We shall soon be reunited at hindi ako papayag na may hahadlang sa atin. I am no longer your sister, kaya naman malaya na ako para mahalin ka.

TFMO 2: CrossroadsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora