Chapter 20

511 15 0
                                    

Brother

Catalina

"You already did too much work, Cat."

Napatingin ako sa nagsalita at ngumiti. Nagpahid muna ako ng kamay bago ko siya nilapitan.

"Jake!"

He smiled at me and opened his arms. Mabilis naman akong lumapit upang yakapin siya. He patted my head as gently as possible. Naramdaman ko pa ang marahan niyang paghalik dito.

"Mukhang wala kang ibang ginawa kundi maglinis. Gusto mo bang lumabas?"

Napakagat labi ako saka siya tiningnan. "Pwede ba?"

"Oo naman. Why not?"

"Baka kasi mag-alala ka. I don't want to worry you.."

Jake laughed and cupped my face. "Kasama mo naman ako."

I nodded my head in response. Sighing, I helped him remove his necktie. Kinuha ko na rin ang dala niyang brief case saka nilagay iyon sa upuan.

"Kumain muna tayo bago lumabas. Gusto ko rin mag grocery kasi nauubusan na tayo ng stocks."

He hummed and moved to the stove. "Saan mo gustong pumunta after grocery? We can actually go shop, maybe you want to buy something?"

"Uh, nakakahiya naman."

He turned to look at me. Hawak na niya ang apron at inaayos iyon. Nang makita siyang nahihirapan dahil sa hawak na soup ladle ay lumapit na ako saka siya tinulungan na itali ang likod nito. Kahit na nakaharap siya sa akin ay ginawa ko pa rin iyon habang nakagapos ang mga braso ko sa kaniyang tiyan.

"Catalina," he said, his voice was firm. "Kailan ba ako nagka problema sa pera?"

"Hindi naman sa ganoon. Wala rin naman kasi akong gustong bilhin."

He sighed in defeat and nodded.

"Should I buy you the piano? 'Di ba noong huli nating pasyal ay gusto mo noon?"

"Jake,"

Talagang nahampas ko siya sa dibdib dahil sa gulat. Tumawa na lamang ako saka naiiling na tiningnan siya.

"Bahala ka nga diyan," saka ako tumalikod para kumuha ng plato na ihahanda sa mesa.

"You can actually play from here, Catalina. Hindi mo na kailangan pang lumabas pag gusto mong mag piano. I am not comfortable you going out without me by your side."

"Paano pag nakaalala na ako? Hindi ka naman marunong mag piano.."

Agad na nakagat ko ang aking labi sa nasabi. Tiningnan ko naman ang reaksiyon niya ngunit nakatalikod na siya sa akin. He was already preparing the vegetable soup on a bowl. He also prepared the rice on a plate silently. Napalunok na lamang ako saka tinapos ang ginagawa. This usually happens whenever I open up to him my memories.

Nakaupo na kaming dalawa sa lamesa ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. It worries me each passing time dahil hindi naman siya ganito ka tahimik. Mas sanay ako na siya 'yong mas nagsasalita sa aming dalawa. Ngayon, ni hindi ko na maibuka ang bibig dahil sa takot na baka magkamali na naman ako ng sasabihin.

"Jake," tawag ko rito ngunit parang hindi niya naman ako naririnig habang patuloy parin sa paghigop ng sabaw. "Jake naman.."

Napalunok na lamang ako nang marahan niyang pinahid ang gilid ng kaniyang bibig bago ako tiningnan.

"Your family is already planning to formally announce your death, Catalina. Alam kong ligtas ka na ngayon kasi pinagbayad na nila ang lahat ng taong nagtangka sa buhay mo. But I can't help but worry about you. It's something I get accustomed to for as long as you don't remember something about that incident."

The Princess and Her Knight (WHIPPED SERIES #1) (Completed)Where stories live. Discover now