5. Spy's Girls

11.6K 275 10
                                    

 _______________________________________________

Araw nang sabado nang maisipan nilang magkakaibigan na magtungo sa mall. Naglibot-libot sila at namili ng kung anu-ano. “Joni, isukat mo toh, bagay yan sa’yo” si Aludy na may inabot na seksing damit dito.

“ayy ayoko niyan masyadong daring” sagot naman nito. Ito kasi ang pinaka manang sa kanilang tatlo pero ito din ang pinaka matalino sa kanila.

“daring ba ito? Hindi kaya. Sige na isukat mo, bagay toh sa’yo” pamimilit Aludy. Habang pinagduduldulan ang damit sa mukha ni Joni.

“bahala ka diyan, basta ayoko.” Todo tanggi naman nito. Napapangiti siya sa dalawa. Sila talaga ni Aludy ang madalas na magbangayan at si Joni lagi ang referee nila. Pero pag dating naman sa fashion  ay madalas na magtalo ang dalawa dahil gusto ni Aludy na baguhin ang fashion sense ng isa nilang kaibigan. Ito kasi ang mahilig sa kakikayan sa kanilang tatlo. Mahilig din naman siyang mag ayos at sa mga girlie stuff pero hindi niya ugaling paki alaman ang gusto ni Joni pagdating sa pananamit. Si Aludy naman mahilig maki alam kaya hindi rin sila madalas mag kasundo. Madami kasi itong pangarap na ewan niya kung matutupad nito. Minsan gusto nitong maging stewardess pero kulang daw siya sa height. Gusto din nitong maging fashion designer, florist, model, at madami pang iba.

Nawala ang kanyang ngiti ng makita ang bultong pamilyar sa kanya. Naglalakad ito na may kasamang seksing babae. Hindi nga lamang niya makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kanila. “I’m sure mas maganda ako sa kanya” napalakas niyang sabi na nagpalingon sa dalawa at sinundan ang direksiyon na kanyang tinitingnan.

“OMG si kuya Dave ba yun?” Si Aludy. “I smell jealousy here”  siniko naman ito ni Joni. Kahit kailan talaga taklesa itong babaeng ito.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Sundan natin sila wala akong tiwala sa babaeng yun. Parang sawa kung makapulupot sa braso ng Dave ko”  nakasimangot kong wika.

“ayy mag e-spy tayo? Wow! Type ko yan. Isa yan sa pangarap ko, maging isang detective” excited na sabi ni Aludy. “Ito na naman po kami sa mga pangarap niya” sa isip niya. Pero ngayon siya labis na natuwa sa kabaliwan ng kaibigan. May silbi din naman pala sa kanya ang sandamakmak na pangarap nito.

 

Nakita nilang pumasok ang mga ito sa isang Japanese restaurant at halata sa mga kilos ng babae ang simpleng pang aakit at paghihipo nito kay Dave. “Hmmp hindi man lang tumanggi” himutok niya.

Aludy rolled her eyes. “natural bakit naman siya tatanggi. Palay na ang lumalapit sa manok, tutukain nalang niya. Bakit niya tatanggihan ang grasya” ang taklesang si Aludy na naka tikim na naman ng siko mula kay Joni.

"Anu ba, kanina ka pa ahh,. napapansin ko kanina ka pa naniniko, masakit na kaya ikaw kaya sikuhin ko" angil nito.

"panu naman po kasi yang bibig mo nakita mo na nga masama na loob ni Shyne, nanggagatong ka pa" inis na wika ni Joni. Kahit ganyan si Joni ayaw nito na nasasaktan siya. 

"Tama na nga kayong dalawa, anu ba?" inis na tiningnan niya ng masama ang dalawa. Sumenyas naman si Joni ng zipper sa bibig nito samantalang si Aludy ay umirap muna kay Joni bago nag pacute at nag peace sign sa kanya. 

  

Hindi niya papayagang makasama ng babaeng iyon si Dave. Kanya lang ito at hindi niya hahayaang mapunta lang ito sa iba. “papasok tayo sa loob, kunwari mag lunch tayo duon tapos makikita natin sila. Tapos lalapit tayo at maki join sa mesa nila. Hindi naman ako papayag na nandito lng pasilip silip at walang gagawin anu” sabi niya.

“wag nalang kaya, hindi ako marunong umarte.” Si Joni na halatang kinakabahan.

“wow! Aarte tayo, parang artista lang. Type, pangarap ko din maging artista” ani Aludy. She just roll her eyes hindi nalang muna niya ito kokontrahin dahil may pakinabang siya ngayon dito.

Nakapasok na sila sa loob ng restaurant at gaya ng plano nila si Aludy ang gumawa ng paraan upang mapansin sila ng binata. Bumilib din naman siya sa kaibigan sa husay nitong umarte at parang gusto niya tuloy itong paghahalikan sa sobrang tuwa.

“I didn’t know you girls are here” ani Dave sa kanila.

“We didn’t know you are here too. I thought  may e- meet kang client ngayon.” Sagot naman niya. 

“Who are these kids here, darling?” maarteng tanong ng kasama nito.

“We are not kids at girlfriend niya ako, bakit may problema ka dun?” sabi niya na ikinabigla naman ng lahat nang nandun pati mga kaibigan niya ay napa awang ang bibig dahil sa sinabi niya.

___________________________________________________

 

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon