1. Happy B-day Shyne

35.5K 390 13
                                    

This is my first story. So feel free to comment, good or bad :) if you like what you've read pa vote na din Thank you.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1

Rah-rah-ah-ahroma-roma-ma-ah ga-ga-ohh-la-la want your bad romance

Walang tigil na tunog ng celphone ni Shyne na nag pagising sa kanyang masarap na tulog.

“sino naman tong istorbo na toh, sarap pa ng tulog ko” sa isip nya.

Nang tingnan nya ang phone nya nakita nya ang kaibigan nyang si joni ang tumatawag.“hello joni, anu ba yan alas singko palang ng umaga kung maka tawag ka daig mo pa may emergency ah” sagot nya sa naiirita at inaantok na boses.

“sori friend kung ginising kita ng maaga. Wag ka na bad mood greet lang naman kita ng happy birthday.” Masayang sagot nito sa kabilang linya. Nawala ang antok nya at napalitan ng ngiti, oo nga pala 16th birthday nya ngayon at nakalimutan nya ata.

“hehe thank you friend. Nakalimutan ko na birthday ko pala.” sabi niyang nagkamot pa sa ulo ng maalalang birthday niya. 

“ay ganun kakaiba ka rin. Sya sige matulog ka na ulit magkita nalang tayo mamaya. Pupunta kami ni Aludy dyan sa bahay nyo, pakainin mo kami ok. Happy birthday ulit” sagot nito.

“thanks friend, gift ko ha wag mo kakalimutan” pabiro nyang sabi at narinig nyang tumawa ang kaibigan bago tuluyang nagpaalam sa linya. Nawala na rin ang antok nya kaya bumaba na lamang siya at nagtungo sa hardin. Alam nya na sa oras na yun ay nandun na ang kanyang ama at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. She is a daddy’s girl dahil lumaki naman syang walang ina iniwan sya ng nanay nya sa pangangalaga ng daddy nya simula ng isilang siya nito.

“hi dad, good morning” sabay halik sa pisgi ng ama.

“good morning my princess” nakangiting bati ng ama nya.

“dad may nakalimutan po kayo” nakanguso nyang sabi

“anu naman ang nakalimutan ko?” kunot noong tanong nito

“Eh daddy naman it’s my birthday” maiyak iyak na sya. Of all people hindi pwedeng daddy nya ang makalimot sa birthday nya.

“of course I don’t forget it’s your birthday princess binibiro lang kita. I will never forget the day you were born because you are the best gift I ever had.” Sabi ng daddy nya at na touch naman sya. How could her mom leave her and her dad gayong napaka bait nito. Sa isiping iyon ay sumakit na naman ang dibdib nya at nabuhay ulit ang tinatagong sama ng loob nya sa kanyang inang di man lang nya nakagisnan.

“Dad, pupunta daw po mga friends ko mamaya pwede po ba magpahanda ako kay yaya kahit konti para may mapagsaluhan kami ng friends ko?” tanong nya sa ama.

“Of course sabi ko naman sayo mag paparty tayo ikaw lang itong may ayaw. Sino ba mga bisita mo?” Tanong ng ama.

“Si Aludy lang po at si Joni, sila lang naman po mga friends ko. Tsaka ayaw ko ng party magastos lang yun dad. Bigyan nyo nalang ako pera mag shopping nalang ako mamaya sa mall kasama mga friends ko” nakangisi nyang sabi sa ama na ikinatawa naman nito. Kung may isang bagay siyang mahilig gawin iyon ay ang mag-shopping.

“Okay use this credit card princess and enjoy your day. Be sure to get back here before six tonight. We will have a fine dinner at sabihin mo din sa mga friends mo na sumama sa atin okay.” Sabi nito.

“Okay po dad, I love you po talaga” sabay yakap sa ama ng mahigpit na ginantihan naman niton ng mas mahigpit na yakap.

“I love you more princess, tandaan mo na kahit mawala ako aalagaan mo lagi ang sarili mo okay”

“dad I don’t like it when you talk like that” nakasimangot niyang sabi.

“sige na at aalis na ako. May mahalaga pa kaming pag uusapan ni Dave sa opisina” sabi ng daddy niya at umalis.

Siya naman ay naiwan dahil sukat sa pagka rinig sa pangalan ni Dave ay ang biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Crush na crush nya kasi ito kaso suplado ito at hindi naman sya pinapansin sa tuwing nagkikita sila ng kasosyo sa negosyo ng kanyang ama. Hindi iilang beses na syang nagpakita ng interes dito pero deadma lang ang lalaki sa kanya.

"Hayy Dave, kelan mo ba susuklian ng pag-ibig mo ang aking pagsintang pururot sa iyo?"  mahinang usal niya sa sarili.

____________________________________________________________________________

ngayon ko lang narealize, dapat hindi ko na lang sinali itong chapter na toh :) hehe dapat yung chapter 2 ko nalang chapter one ko. tsk tsk,. (sa may mga alam dyan or marunong mag comment bigyan nyo naman ako ng feedback para may idea ako galing sa inyo) ^_^

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon