3. Shyne's confession

13.7K 276 3
                                    

well, dahil sinipag ako kahit hindi pa Tuesday ito na ang chapter 3. Dedicate this to aphrodite143 for putting my story in her reading list. THANK YOU

______________________________________________________

   “hindi ko na alam kung anu pa ang pwede kong gawin para mahalin lang ako ni Dave.” wika niya sa mga kaibigan niya.  Nag-uusap sila habang hinihintay ang kanilang mga sundo. Nasa kolehiyo na sila at kahit mag kaiba ang kursong kinukuha nila ay mayroon pa rin silang time para sa isa’t isa.

 “ay ang bagal mo naman friend. Two years na kayo magkasama sa isang bahay wala pa din” si Joni na nangingiti habang nagbabasa ng libro. Hindi niya alam kung paano nito nasusundan ang sinasabi niya kahit may binabasa ito. 

Yes, it's been two years since the accident happened. At two years na rin silang magkasama ni Dave sa isang bahay. At ilang beses na siyang nagpapacute dito pero deadma lang ang binata sa kanya. 

“yun nga eh. Ang dami ko na ginawa for him. Nagigising na nga ako ng maaga para ipaghanda siya ng breakfast. Pati nga labhan ang damit niya pinatulan ko na rin kahit magkasugat sugat ang aking mala porselanang kamay pero wa epek pa rin” nakapangalumbaba niyang sabi. 

“try mo kayang plantsahin na din ang mga damit niya” ani Aludy na may nakakalokong ngiti.

“Oh kaya linisin mo ang buong mansion niya” suhestiyon ni Joni na halatang inaasar lang siya ng dalawa.

Sinamaan niya ang mga ito ng tingin. “anu naman tingin niyo sa akin, katulong?” aniya na nakataas ang kilay. Sabay namang natawa ang dalawang kaibigan.

“oohh at bakit hindi ba?” si Aludy ulit na nang aasar na naman yata sa kanya. “panu naman po eh ang tingin sayo ni kuya Dave ay bata. Gosh hindi yata biro ang ten years na age gap ninyong dalawa” ani aludy. Alam naman niya iyon at iyon ang ipinapakita ni Dave sa kanya. But she wants to prove him wrong. Na hindi na siya bata.

Sinimangutan na lamang niya si Aludy. “pwede ba wag mo ma kuya kuya ang love ko. Mas lalo tuloy na emphasize ang age gap namin. Tsaka wala akong paki alam kahit ganun kalaki gap namin noh.” sagot niya. "Isa pa,sabi nga nila na Ag--"

"Age doesn't matter" sabay na putol ng dalawang kaibigan sa sanay sasabihin niya. Napasimangot na lamang siya. Ilang beses na nga ba niyang nagamit ang linyang iyan. Gasgas na gasgas na nga. 

“Friend, sinasabi ko lang ang totoo. Malabong pansinin ka ni Dave. Alam kung maganda at sexy ka katulad ko... kaya lang tingin nya sayo BATA." sabi ni Aludy na ipinagdiin pa ang salitang bata pa siya. Magising ka na sa katotohanang yan. "Madami gwapong boys dito sa school try mo kaya sila” suhestiyon ni Aludy na sinamaan lang niya ng tingin.

“alam mo friend,.. kung wala kang masabing maka encourage sa akin pwede manahimik ka nalang. Kontrabida ka masyado. Pag ikaw nainlove baka mas malala ka pa sa akin” nakasimangot  niyang sabi dito. 

eww in your dreams” sagot nito may pa rolling eyes pa.

Sa kanilang tatlo ito ang pinaka malandi. Grade three pa lang sila ng magkaroon ito ng boyfriend. Kung paano iyon nangyari hindi nila alam pero sadyang makulit lang ito at mapaglaro sa pag-ibig. Wala pa rin naman itong sineryosong boyfriend kahit isa. 

“tama nayang bangayan ninyo. Andyan na sundo mo Shyne” putol ni Joni sa sanay sasabihin niya.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makita ang sasakyan ni Dave. Bihira siyang sunduin nito dahil meron siyang driver na kinuha ng binata para hatid sundo  siya sa paaralan at kung saan pa niya nais pumunta. Mabilis siyang nagpaalam sa mga kaibigan at tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan ng binata.

 “Hi, bakit ikaw sumundo sa akin? Asan si Mang Simon?” tukoy niya sa kanyang driver.

“Nasa hospital daw ang anak niya kaya ako na muna ang sumundo sayo. Bakit ayaw mo ba? May tinatago ka sigurong boyfriend dito kaya ayaw mo nandito ako anu?” kunot-noong tanong nito.

Napangiti siya ng malapad. “wala ah mas gusto ko nga na ikaw mag hatid sundo sa akin eh” 

Napailing nalang si Dave sa kanya. Ipinag bukas niya ng pinto ang dalaga bago sumakay sa driver seat.  

“ilang beses ko ba sabihin sayo na ikabit lagi ang seatbelt mo” nakakunot noong sabi ni Dave ng mapansing hindi na naman naka kabit ang kanyang seatbelt.  

Natataranta namang hinagilap niya ang seatbelt para isuot dahil lagi nalang siyang napapagalitan nito dahil palagi niyang nalilimutan mag seatbelt sa tuwing ito ang kasama niya. Biglang kinuha ng lalaki sa kanya ang seatbelt at ito na ang nagkabit nito sa kanya. Sa sobrang lapit nito ay lalo namang bumilis ang kanyang heartbeat.

Napatingin siya sa mga labi nito "bakit kasi napaka kissable ng lips mo fafa Dave" sabi ng isip niya. And before she could stop herself  ay ginawaran niya ng magaang halik ang binata sa mga labi nito.

 “why the hell did you do that for?’ galit niyang singhal sa dalaga pagkatapos magulat sa ginawa nito. Hindi niya inasahan na gagawin iyon ni Shyne. 

 “because I felt the urge to kiss you” prangkang sagot ni Shyne pero kababakasan naman ng pagkabalisa ang mukha. 

 “Do not ever do that again Shyne”. Nakakuyom ang palad na sabi nito sa dalaga.

Alam ni Shyne na seryoso na ang binata. Pero naisip niya na naumpisahan na niya ay sasabihin na niya ang nararamdaman niya sa binata.  “why not? bakit ka ba nagagalit dapat nga matuwa ka pa dahil ikaw ang first kiss ko at ako pa ang nag initiate. Kahit smack lan yung kiss pa din yun”. Mahina niyang sabi. And she was not sure if she saw amusement on his eyes dahil saglit lng naman yun o baka namamalikmata lamang siya.

 “because it’s not right shyne” he said in a low serious voice.

 “but why not? I like you Dave, no infact I Love you” she said while looking intently at him.

Dave was shocked to hear it. Hindi naman siya manhid para hindi makita ang EXTRANG effort at advances at sweetness sa kanya ni Shyne. Akala niya ay simpleng paghanga lamang ito pero LOVE imposible lalo at napakabata pa nito. “You don’t know what  your talking. Ang bata mo pa Shyne, what you feel for me yeah maybe it is love but not the way you think it is. What you feel for me is just a fatherly love or a brotherly love.” sabi niya sa dalaga.

 Nanlaki ang mata ni Shyne sa sinabi ng binata. Could he be right? Pero hindi, alam niya sa sarili niya na hindi ganun ang nararamdaman niya para dito.  “I hate it when you call me bata, Im not a child anymore. Im already eighteen and I have loved you since I was fourteen. I know what I feel Dave and it’s far from paternal love. What I feel for you is not the same way I feel for my dad and I’m so sure of myself that I love you.” Sabi niya habang nakatingin sa mata nito.

 “Stop right there Shyne, and we are not gonna discuss this matter anymore. Someday when you get mature enough  tatawanan mo lang ang sinasabi mong yan sa akin.” Nakatiim bagang nitong sabi at pinaandar na ang sasakyan at hindi na siya nito kinibo habang nagmamaneho kaya tumanaw nalang siya sa bintana ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa bahay ng binata. Dumiretso ito sa loob ng bahay na hindi man lang siya pinagbukasan ng pintuan.

___________________________________________________________

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon