[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tres Chikas, whatskiloo ang comments niyo kay Miss Bisbal?" Malungkot na sinabi ni Miks. Alam kong pareparehas kami ng iniisip ngayon.

"Basta, tama na yung naging pagsubok sa friendship natin ha? Forever Tres Chikas tayo." Sabi ni Chelsea. Niyakap ko siya at nakisali naman si Miks sa yakapan. Matapos pa kaming magdrama doon narinig na namin ang bell. Sobrang chill sa Girlinlove University. ^__^V

"Hope!" Napatingin kami lahat (buong Section F) sa pinto. At doon bumungad sa amin ang napakagwapong si Mico Loyola.

"Ayan na ang date mo."

"Si Papa Mico sinusundo ka."

"Sana ako na lang ikaw!"

 

Lahat ng mga kaklase ko inaasar ako habang papalabas ako ng classroom. Si Mico naman nakangiti. Bakit ba ang taas ng energy nito ngayon?

"Hey, you done for the day?" Sabi ni Mico. Umoo na lang ako.

"Let me carry your things." Offer niya. Napatitig ako sa kanya, sabay tumawa.

"Kung ayaw mo wag!" Sabay balik sa akin ng mga librong kinuha niya!

Aray! Ang bigat talaga ng kamay ng lalaking 'to.

"Hindi ko naman 'to dadalhin eh. Maglolocker ako! Ikaw, bakit ang gentleman mo ata ngayon ha?" Asar ko sa kanya.

"You don't like it?" Sabi niya. Ito na naman po ang childish slash needy slash pacute na side ni Mico. Hindi ko na lang pinansin.

"Why are you ignoring me?" He pouted.

"Tigilan mo nga ako Mico! Ano bang kailangan mo? May ginawa ka bang kasalanan?"

"Wala ah. Kakainis. Ang pachix mo naman."

Aba't ako pa ang pachix ngayon?! Siya 'tong nagpapasimuno ng pagiging clingy niya!

"Oo. Pachix ako. Diyan ka na nga."

"Hope, ano ka ba!" Ano na naman bang kailangan niya?

"May gagawin ba tayo?!" Tumingin siya sa akin, yumuko, tumingin ulit sa akin at namula. Bigla naman niyang inabot sa akin ang lunch box.

"Oh ano 'to?" Tanong ko.

"Really? Do I really have to explain what that thing is?" Asar naman na sinagot niya. Bipolar!

Binuksan ko yung lunch box. May kanin, may hotdog, may itlog, may gulay.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon