***

Wednesday morning. Nag-stretch ako habang nakatingin sa kumikislap na dagat. Nakalabas din sa wakas. Nang nakalipas na dalawang araw kasi ay palagi lang kaming nakakulong ni Essex sa beach house. Ipinaririnig niya sa akin ang music na nabubuo niya, nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga pamilya namin, kumakain at naliligo nang sabay at higit sa lahat, nagpapakaligaya sa isa't isa sa kama. Pakiramdam ko nga, alam ko na halos lahat sa sex dahil sa mga karanasang nakuha ko sa kanya.

Sa isang araw na pala kami aalis dito sa Bataan pero hindi ko pa nakukuhang maglibot.

May time pa naman para mag-tour ako. Kahit ilang oras lang, maglilibot ako. Papayagan siguro ako ni Essex dahil busy naman siya.

Pinuntahan ko siya sa living area para ipaalam na gusto kong lumabas at mamasyal.

"I'll go with you." Pinatay niya ang laptop niya.

"Sasama ka? Pero... makikita tayo ng mga tao."

"Ano kung makita nila tayo?"

"Baka isipin nilang girlfriend mo ako."

"Hayaan mo sila sa gusto nila isipin, Bella. Besides, we're both single. Wala masama kung makita tayo ng mga tao magkasama." Tumayo siya at sinabing magsasapatos lang siya.

Nang balikan uli niya ako sa sala, bukod sa nakasapatos ay nag-jacket din siya at itinali ang kanyang buhok. He looked like a Hollywood actor, maitatanong mo na lang kung anong maganda ang nagawa niya sa past life niya at ganito siya kaguwapo.

Inaya na niya ako sa sasakyan niya. Ngayon pa lang ako nakasakay sa isang Lamborghini, and it was a little bit overwhelming. Kahit si Soren na pinakamayaman sa mga kaibigan ko, walang sasakyan na kasingmahal ng car ni Essex.

"Saan mo ba gusto pumunta? Do you have a particular place in mind?" tanong niya nang nagmamaneho na siya.

"Sa Morong na lang siguro. Malapit na iyon dito. Saka may gusto akong puntahan doon na kainan na nagse-serve ng authentic Vietnamese noodles. Er, kung okay lang sa iyo." Hindi five-star restaurant ang kainan na binanggit ko kaya bigla akong nag-alangan.

"Yeah, let's go there. Nagugutom na rin ako."

Maganda ang tanawin sa Bataan. Maberde ang paligid. Na-enjoy ko ang biyahe lalo pa at kasama ko si Essex.

Makalipas ang halos kalahating oras, narating namin ang maliit na restaurant na binanggit ko kanina. Sikat iyon sa Morong pero napakasimple lang talaga. Ni wala iyong security guard.

Pumasok kami ni Essex. Nakalagay sa likod ko ang kamay niya habang naglalakad kami. Ipinaghila niya ako ng silya. Sa tabi ko siya umupo. May ilang kumakain sa restaurant at lahat sila ay nakatingin sa amin at nagbubulungan.

Umorder kami ni Essex ng dalawang pho at herbal tea.

"Matatapos na ba ang ginagawa mong music?" tanong ko habang naghihintay kami sa order namin. At para na rin makalimutan ko ang mga taong nakatingin sa amin.

"Tapos na, as a matter of fact. Ire-record na lang pagbalik ko sa LA."

Kaya pala sumama siya sa aking mamasyal. "Kailan ka babalik ng LA?" Nakaramdam ako ng lungkot sa thought na aalis siya ng bansa kahit alam ko naman na mas madalas talaga siyang mamalagi sa States kaysa sa Pilipinas.

"Saturday night."

"Gaano ka katagal doon?"

"Two months max."

BEDDED & WEDDED ✔️Where stories live. Discover now