قصة أصلية لـ واتباد
مازال هناك فصل (1) مجاني

Seven

125K 2.3K 132
                                    

Shiloh

"Paano ka makakauwi bukas?" tanong ni Essex habang nagdi-dinner kami.

Nawalan ng lasa ang kinakain ko dahil sa pagpapaalala niya sa akin ng katotohanan na lilisanin ko na ang beach house kinabukasan. Ayoko pa, pero tanggap ko naman na may katapusan ang nangyayari sa amin. Na sandali lang magtatagal ang magandang panaginip na ito.

"Susunduin ako ng driver ni Cassie," tugon ko.

"What time?"

"Five a.m."

Hindi na nagtanong uli si Essex. Pagkatapos naming kumain, as usual, iniwan niya ako sa kusina para balikan ang paggawa ng music.

Naghugas ako ng mga pinggan. Afterwards, tiningnan ko si Essex sa living area. Absorbed siya sa ginagawa kaya pumunta na lang ako sa bedroom.

Doon naman ako naglinis para maging maayos doon bago ako umalis. Sigurado kasi akong hindi maiisipan ni Essex na maglinis kapag wala na ako.

Nine o' clock na pero patuloy si Essex sa ginagawa niya. Gusto ko sana siyang hintayin pero dahil sa pagod ko ay nakatulog na ako.

Midnight, nagising ako sa mga halik niya. He was on top of me. Inaantok pa rin na yumakap ako sa leeg niya. Nang maging mas mapusok ang mga halik niya ay nawala na ang antok ko. Inangkin uli niya ako.

Kahit madaling-araw ay hindi nabawasan ang pagka-wild niya. Pasado three o' clock na yata nang tinigilan niya ako. Sumasakit ang buong katawan ko at sobrang pagod ako. Ang bilis kong nakatulog.

Pagmulat ko ng mga mata, nataranta ako dahil mataas na ang araw. Tumingin ako sa orasan. Eleven o' clock na! Oh no, 'yong driver ni Cassie, anim na oras na akong hinihintay!

Tumakbo ako sa bathroom. Nakakahiyang humarap sa ibang tao nang hindi muna ako naliligo dahil amoy sex ako. Pagkabihis, nagmamadaling lumabas ako ng beach house para mag-sorry sa driver ni Cassie sa pagpapahintay ko sa kanya.

Hindi ko siya nakita. Nainip na ba siya at umalis? Pumasok uli ako sa beach house para tawagan siya. Alam ko naman ang number niya.

Lumabas si Essex ng kitchen. Umiinom siya ng canned mango juice. Natigilan ako. It was time for me to say goodbye to him, and I knew it was going to be hard. Parang ayokong paniwalaan na pagkatapos ng araw na ito, kahit kailan ay hindi ko na siya makikita. A part of me already felt like he belonged to me, that he was mine, kahit alam kong napakalaking kahangalan iyon.

"Looking for your friend's driver?"

"O-oo. Kaso wala siya sa labas. Hindi ko alam kung umalis na siya o may pinuntahan lang na iba."

"Umalis na siya. Pinaalis ko. I told him ako maghahatid sa iyo pauwi."

"Huh? Sa Saturday morning pa alis mo rito, 'di ba?"

"Yeah." Umupo siya sa sofa. "Sa Saturday ka na lang din umuwi. Samahan mo ako rito."

Umawang ang bibig ko. He was inviting me to stay here until Saturday? Hindi ko alam ang idadahilan ko sa mga magulang ko kung bakit hindi pa ako makakauwi ngayon. Siguradong mahihirapan din ang mga tao ko sa laundry shop kapag hindi pa ako nakabalik. Pero hindi ko na muna pinroblema ang mga iyon. Sa ngayon, mas nangingibabaw sa akin ang saya dahil hindi pa pala matatapos ang magandang nangyayari sa akin.

"Upo ka rito," utos sa akin ni Essex.

Mabilis akong lumapit sa kanya sa sofa. Nakangiting yumakap ako sa kanya at pinakinggan siyang tumugtog ng keyboard. For a few more days, Essex is all mine. A girl like me couldn't ask for more than that. Masaya na rin talaga ako roon kahit paano.

BEDDED & WEDDED ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن