WASMAG 21 PRE-FINALE: Just Can't!

4.3K 124 39
                                    

Well, hello again guys!! Nakikita nyo naman na it's in the Pre-Finale na ang chapter na ito so ibig sabihin ay Finale na ang susunod. Bwahahaha! But maglalagay naman ako ng epilogue kaya wag kayong magaalala.

And please, wag kayo magalit sa akin sa kakalabasan nito ah! Bwahahaha bawi na lang ako sa next stories ko. Okay?

Dedicated pala ito kila jenhazel at kay CMCruz17 na walang sawang sumosoporta sa mga stories ko. Thank you!!

And please sana napapakinggan nyo yang song sa ibaba para mas ramdam nyo. Hehehe

So enjoy reading guys!

============

"Why can't we be like that?"

Chapter's theme song:
Haplos by Shamrock

Mahal hanggang kailan
Maghihintay ang puso ko
Nangungulila sa iyo

Handog ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Lahat ibibigay
Basta't sa kin ika'y wag nang mawawalay

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig
Kailangan bang masaktan ang ating mga damdamin
Yakapin mo ako oh hagkan mo akong muli
Wag kang bibitiw, sabay natin lalakbayin ang langit

Pa'no magwawakas
Ang paghihirap ng dibdib
Sa Diyos ako'y nananalig

Handog ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Walang ibang hangad
Dahil itong puso ikaw lamang ang pinapangarap

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig
Kailangan bang masaktan pa ang ating mga damdamin
Yakapin mo ako oh hagkan mo akong muli
Wag kang bibitiw sabay natin hahaplusin ang langit.

NIKE'S POV:

Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa mga nangyari.

Nakakapanghina. Yan lamang ang isang salitang mahihinuha ko sa sitwasyon ko at sa mga nangyari ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin.

Natatakot ako, oo. Mahal ko si Baks. Mahal na mahal. Yung mahal na kahit sariling buhay mo ay kaya mong ialay sa kanya. Yung mahal na kaya mong ibigay lahat sa kanya. Yung mahal na hanggang aa kaibuturan ng puso ko ay nandun sya. Yung mahal na kahit anong mangyari ay sya at sya lang mamahalin ko. Wala ng iba.

Sa mga nakita ko kanina, para bang isang bomba ang sumabog sa aking harapan. Makita mo yung mahal mo na nakahandusay lang at nagsusuka na ng dugo. Yung makita mo yung buhay mo na namimilipit na sa sobrang sakit dahil sa kung anong karamdaman nya.

Hindi ko ata kayang makita syang ganun. At hinding hindi ko kakayanin kapag nawala sya sa buhay ko. Hinding hindi.

Sya na eh. Sya na yung alam kong kasama ko pagtanda. Sya na yung alam kong kasama ko sa lahat ng masasayang bagay sa mundo. Sya yung taong nagpabago sa akin. Sya yung taong nagpabago sa paningin ko sa mga katulad nya, sa mga kauri nya. Sya yung taong nagukit ng bagong marka sa puso ko. Sya yung taong kahit anong gawin ko ay sya at sya pa rin ang pumapasok sa isip ko. Sya lang eh. Sya lang ang buhay ko.

He changed me. Even if I dont have the guts to change myself, alone.

And without him, I don't have the courage to live my life, alone.

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now