WASMAG 6: Bothered...

10.7K 315 14
                                    

Dedicated itong chapter na ito kay leighyuuuuu at kay dEAthPhanThom na sumusoporta sa mga stories ko. Salamat po!

P.S. Yung iba, idededic ko na lang po sa mga next chaps. Yun lang po!

"Well, you drive me crazy half the time..."

NIKE'S POV:

Andito pa rin kami sa birthday party ni Sceven. Yung anak nila Blaze at Ice.

Nalaman ko na rin na anak nga nila ang may party dito. Nakakatuwa silang tingnan habang sweet na sweet sila sa isa't isa.

Kung hindi mo talaga sila kilala, iisipin mo talaga na magbarkada lang sila o magkapatid. Hindi mo mahahalata na mag-asawa sila dahil sa mga gwapong yan at idagdag pa sa katawan nila, eh sino ba talaga ang mag aakalang mag-asawa sila.

Tapos ang cute cute nilang tignang magkakasama. Kasama si Sceven na halatang may kamukha sa kanilang dalawa.

They are just like a perfect family na parang wala silang problema. But when I asked them kung paano sila nakahantong sa ganitong relasyon ngayon, aba nagkwento ng nobela!

They overcame such problems. Akala ko wala na silang problema eh. Babaero daw kasi si Blaze noon hahaha! (Parang ikaw hindi ah! XD)

Tapos si Ice daw is super cold daw kay Blaze noon. Na halos maging Antarctica na daw ang paligid noon kung makikipag usap sya. Nakakatawa man isipin pero ganun daw si Ice noon.

Sabi pa nga ni Blaze ay mas malala pa kapag nagalit ito. Kabaliktaran daw ng pagiging cold nya. Para daw itong bulkang sasabog kaya naman daw super ingat si Blaze na wag daw itong magalit.

Tawa lang ako ng tawa habang nakikipagkwentuhan sa kanila. Close ko naman na agad sila dahil sobrang bait naman talaga ng mag asawa.

Panaka naka rin naman akong tumitingin sa katabi kong sarap kurutin ang pisngi. Cute na nga sya kapag nagagalit, mas nagiging cute pa sya kapag tumatawa. Haha lakas ng trip ko.

Habang nagkwekwentuhan ay pinasok ng isang tanong ang utak ko. And then curiosity hits me kaya naman naisipan ko na rin itanong sa kanila.

"Uhmm...Blaze at Ice, may itatanong lang sana ako. Sana wag kayong maoffend." Pagpapaalam ko sa kanila.

Tumango naman sila tanda ng pag sangayon.

"Sinong bottom sa inyo?" Tanong ko. Lahat sila nagulat pati na rin sila Ice at Blaze.

Magkatapos ang ilang segundo ay bigla namang napahalakhak si Blaze ng malakas at si Ice naman ay biglang namula.

"Hahahahahahaha! Tinatanong mo kung sinong bottom? Ito oh!" Turo ni Blaze sa katabi nyang kanina pa namumula.

Pinalo naman ni Ice si Blaze. "Hoy hoy hoy! Anong sinadabi mo dyan! Versa lang tayo no! Wag kang ano dyan!" Sigaw nya sa asawa nya.

Mas lalo lang kaming natawa nila Konan. Si Ice ganun pa rin. Parang kamatis sa kapulaan ng mukha.

--------

Ilang oras pa kaming nagstay sa kanila. Pagtingin ko sa time sa phone ko ay magse7:00 na pala ng gabi.

Naalala ko na may date pala kami ngayon ni Konan. Aba! Parang nakalimutan ata nito ah! Pektusan ko to eh!

"Huy! 7:00 na oj! Akala ko ba magdadate tayo? :(" text ko sa kanya. Oo tama kayo, tinext ko sya kahit magkatabi lang kami. Nakakahiya naman kasi na bumulong bulong hahaha!

Nagreply naman sya. "Ah oo! Haha buti na lang at pinaalala mo! Muntik ko nang makalimutan eh." Kitams! Makakalimutan nya nga talaga.

"Eh kung batukan kaya kita! Napagusapan na eh! Sabihin mo na kasi sa kanila! Para makaalis na rin tayo." Text ko ulit.

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now