Chapter 5

1.6K 87 5
                                    

Lumipas ang ilang araw mas naging malalim ang samahan namin ng mga kaklase ko.

"Good morning ate may." Sabay yakap at halik sa pisngi ko ng kakarating lang na si kisses.

Sobrang mabait at napakasweet ng batang 'to. Only child, anak mayaman, beauty queen pero hindi maarte at mayabang.

"Hello Edward! Marco!" Bungad naman ni Heaven. Sya yung muse ng section namin. Mabait naman pero hindi masyado close sa mga girls. Palagi nalang kasama si Edward at Marco.

Lumapit agad si marco kay heaven sabay yakap. Sobrang sweet nya sa lahat ng kaibigan nyang babae at napakacaring. Crush ko nga sya nung una di ba? Nasabi ko na ba 'yun? Haha. Oo, crush ko sya. Crush ko nga, NUNG UNA.

Sya din yung pinakagwapo dito sa section namin...

"Maymay."

"AY HINDI PALA!!!" Sigaw ko ng may kamay na bigla nalang humawak sa balikat ko.

"What?" Kunot-noong tanong nito.

Jusko po, tutubuan talaga ako ng kung ano-ano sa katawan, sobrang magugulatin na talaga ako.

"Nothing, because you ... You just appear there." Hays. Kakapagod mag-english.

"You didn't notice me because you're blank staring."

"Black staring? What's that?" Naguguluhang tanong ko.

At bigla nalang syang tumawa. Abnormal din 'to eh.

"Maymay, blank staring not black staring, like you know, spacing out."

Ah, Blank staring! Spacing out. May naiintindihan ba ako? Wala.

"Understand maymay?"

"No." Sabay walk out.

"What?? Hey maymay, where are you going?" Habol pa nya. Kakanosebleed na ah.

"Kristine, ilang taon na ba yang si Edward dito sa pinas?" Tanong ko kay Kristine matapos maupo sa tabi nya.

"Sabi sa akin ni Heaven mga 1 year palang kasi galing talaga sya sa Germany, duon sya lumaki. Bakit ate may?"

"Kasi hirap na hirap na ako sa kakaingles eh. Sana matuto na syang magtagalog uy at ng di na 'ko mahirapan". Natawa naman si Kristine sa sinabi ko.

"Guys!!!" Nagulat naman kami sa biglang pagpasok ni yong na parang nakalunok ng mega phone.

"Alam nyo na ba? Grabe bai!"

"Ang alin?" Tanong ni Kristine.

"Kung ganun di nyo pa alam? Na patay na, excited na talaga ako!"

"Ano nga yun??!"

"Bakit di nyo pa alam?" Pambibitin pa nya.

"Yong masasapak na talaga kita. Sabihin mo na nga 'yan!" Sabi ko.

"Hehe, sorry ate may. Kasi narinig ko usap-usap kanina, may BALL daw na magaganap dito sa school natin sa susunod na linggo!"

"Ah yun lang pala eh, Kala ko kung ... Wait.." Ball daw. Loading .. Buffering...

"BALL????"

At biglang umingay ang paligid. Yung iba napapa-yes, yung iba niyayakap si Yong.

"O my God! I want fenech to be my date!" May sumigaw. Wait, sino 'yun?

Tiningnan ko si fenech, parang walang narinig, nagyakapan sila ni kisses. Super excited haha.

"Oopps! Bakit ang ingay!" Sigaw ni Sir Bato Balani.

"You guys sit down in 5! 4! 3---"

Agad kaming nagtakbuhan. Sir Batu balani is kind but very strict kapag nagkaklase. Ayaw nya ng maingay at makalat.

"2!"

"Aray!" Punyemas, may tumulak
sa'kin. Muntik na'ko masubsob.

"1! Okay, napansin kung kung saan saan kayo umuupo. So now, kung saan kayo umuupo, 'yan na yung permanent seat nyo at ayaw kung makitang nagpalipat-lipat kayo ng upuan. Just like you edward! "

Agad naman akong napalingon sa upuan ni Edward. Huh? Bakit si marco na yung katabi ni he---

"I'm sorry Sir!" Napatingin ako sa nagsasalita sa tabi ko.

"Eeehh??"

"Why so shock maymay?" Nangingiting taning nya.

"Ah hehe. not shock uy... I'm just.. Surprised. Hello, new seatmate." Sabi ko habang kumaway-kaway pa sa harap ng mukha nya. And make funny expressions.

Natatawa naman sya at ginaya na rin ginawa ko. Hala!

Nagtawanan kami.

"Mr. Barber! Ms. Entrata!" Patay na!

"Kung gusto nyong magtawanan dun kayo sa labas, at hindi sa klase ko."

"Sorry po sir." Sabay na sabi namin.

Lunch break. Nasa isang study shed kami kung saan kami palaging tumatambay. Usapan ng dalawang kasama ko ang tungkol sa bolang 'yun. Kanina pa 'yun ah. Di pa nga confirm.

"OMG fenech, i'm looking forward to it na talaga. Yung super ganda nating tatlo ni ate may tapos... Tapos may date tayo.." Di magkamayaw na sabi ni kisses.

"Waaaaaahhhh!" Sabay tili nila at tumalon-talon pa. Pero tama ba, may date? Oh no!

"Hoy kayo, sino yung gusto nyo imaging date?" Nakisali na rin ako haha.

"Di ko alam. Naahh!" Malungkot na sabi ni fenech.

"Uy, fenech. Sa tingin ko may nagkakagusto sa'yo sa section natin." Sabi ko.

"Hah? Sino te may?" Mga tsismosa oh.

"Di ko alam,pero may narinig ako kanina. Gusto ka raw makadate."

"Hala, sino kaya?" Di mapakaling sabi ni fenech.

"Eeyy, fenech!" Panunukso ni kisses.

"Eh ikaw kisses, sinong sayo?" Tanong ko kay kisses na ikinatahimik nya.

"Wala pa din eh." Sagot nya at nagblush. Luh, meyganun?

"Eh, ikaw te may? Sino gusto mong makadate sa Ball?"

" Si Enrique!" Agad na nasagot ko.

"Hey may may!" Napatingin kami sa lalaking papalapit sa amin.

"Well, speaking of Enrique. Nandito na sya."

ANO DAW??

Hello guys, kamusta? Thank you at nagustuhan nyo ang story. Nakakataba ng kidney. Char!
Hahaha. Good vibes lang tayo palagi.

She's 19 and he's 16, yet, they are twins (MAYWARD FANFIC)Where stories live. Discover now