Chapter 3

1.7K 71 6
                                    

"Maymay dear! " tawag ni tita mula sa baba. "Bilisan mo, edward is here!"

"Opo tita!"

Agad kung sinukbit ang backpack ko at nagmadaling bumaba ng hagdan. Nasa huling baitang na ako ng bigla akong madulas, Parang nagslowmo yung pagkatumba ko pero sobrang lakas ng impact bai.

"Ouch!" Daing ko.

Nang biglang bumukas ang pinto. "Maymay! Uh...." Parang biglang naestatwa ang lalaking pumasok. Napatitig sya sa ...

Napatingin ako sa sarili ko. Nakataas yung palda ko! Oh no!

"Yaahhh! Pervert!" Singhal ko sa kanya at nagmamadali kong inayos ang sarili ko at pinaghahampas ko sya.

"Hey, maymay! Maymay! Stop!"

"Pervert!"

"Maymay stop! I didn't see anything!"

"I didn't see anything! Titig na titig ka nga e tapos you don't see anything?"

"Whatt?" Ay oo nga pala, english nga pala to.

"Nothing! Let's go!"

First day of shool namin, at since si edward lang yung kakilala ko dito kaya sya yung makakasabay ko palagi. Plus kapitbahay pa kami.

Habang nasa sasakyan na kami. Ngiting-ngiti pa din sya. Kanina pa yan ah. Masapak ko na talaga 'tong kano na 'to.

"Why are you smiling?" Tanong ko.

"Nothing."

"Bahala ka nga dyan, edwardo!"

"What did you call me? Edwardo?"

"Yes, you're edwardo."

Katahimikan.

"Maymay." Mahina nyang sambit sa pangalan ko.

"What?"

"You are really thin, you should eat mo... Aw!"

Di na nya naituloy sabihin ang panghuli dahil lumipad na yung kamay ko sa buhok nya.

"Maymay! Aahh! Hey stop! Aahh!!"

Binitawan ko naman yung buhok nya.

"Say it again and i will kill you!"

"But it's true, look!" At hinawakan nya yung buto-buto kong braso.

"You are insulting my bones!" Sabi ko na natatawa nalang din.

Pagdating namin sa school, nauna na akong bumaba ng sasakyan.

"Maymay, your zipper is open." Seryusong sabi nya.

Bigla akong natigilan at napatingin sa zipper ng palda ko, bukas nga. Ano ba yan!

Classmates kami ni Edward, yung mga kaklase ko ay ang gaganda at ang gagwapo, at halatang may kaya talaga sa buhay.

"Okay, sa mga bago. Introduce yourselves here in front. Starting from you Miss!" Sabi ng adviser namin na si Mr. Paul Bato Balani. Sobrang tawa ko talaga nung sinabi ni edward sa'kin kung anong name ng adviser namin. Hahaa!

"Hello guys, i'm new in this school so let me introduce myself, i'm Kisses Delavin. I'm 16 years old .. Blah, blah!'

Grabe bai, ang ganda bai. Sana maging kasing ganda nya din ako noh? Ayan kana naman marydale. Hays. Mukha talaga syang beauty queen.

"Hi!" Napatingin ako sa katabi ko, hala! Ang gwapo. Parang artista.

"Next!"

"Hello!" Nginitian ko din sya. Ngumiti din sya.

"Miss, ikaw na yata susunod." Sabi nya pero hindi ko pinansin. Nakatitig lang ako sa mukha nya.

Oh, para akong nasa ulap.

"Next!"

"Maymay."

"Maymay."

Agad naman akong natauhan dahil sa boses na iyun sa likuran ko. Paglingon ko, it's edward.

" It's your turn, go!"

Hah? Agad akong napatayo at diretso sa harapan.

"Hello! Hehe. Ah, ako nga pala si marydale entrata, i'm 19 years old."

"I9?" Tanong nung isang lalaki sa unahan.

"Uhm!" Tumango ako. " nagstop kasi ako dati kasi yung lolo ko nagkasakit. Wala kaming pera kaya ayon. Pwede nyo akong tawaging ate maymay kasi yun yung nickname ko!"

Nagpalakpakan naman sila. Nakakataba naman ng puso hehehe.

"Okay maymay, you may now take your seat."

"Hala si sir!" Bulalas ko na ikinatatawa naman ng mga classmates ko. Bisaya kasi yung accent ko eh.

" Bakit? Ayaw mo ng tatawagin kitang maymay?"

"Ay hindi po sir! Natotouch lang po ako Charr!" Sabay tirik ng mata ko at naghalakhakan na naman sila.

Umupo na ako. Tiningnan ko yung katabi ko. Ang gwapo talaga.

"Yes?" Tanong nya. Ay patay, nahalata nya sigurong panay tingin ko sa kanya.

"Ah, ilang taon kana?"

" I'm 16!"

"16, ang gwapo mong bata!" Tumawa naman sya.

"Thank you ate. Marco nga pala."

Oo nga pala, Ate nga pala ako. Hays.



Yung story nya guys iniba ko talaga, hindi sya PBB pero binibase ko pa din ang storya and syempre, yung mga moments ng mayward isisingit ko dito tulad nung tutoring nila. Charchar! Hehe. Hirap magtalagalog! Bisdak ako eh :D

Ito lang muna sa ngayon! Babush! <3






















She's 19 and he's 16, yet, they are twins (MAYWARD FANFIC)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang