Chapter 1

2.8K 91 5
                                    

Maymay POV

"Lola! Huhuuu!" Iyak ko habang yakap si lola.

Pagkatapos ay si lolo naman niyakap ko. "Lolo! Mamimiss ko talaga 'yung mga jokes mo, kahit sobrang corny na minsan huhuu!"

Napatawa naman si lolo at lola sa sinabi ko kahit naluluha na din sila.

Pagkatapos ay yung kuya ko na naman yung niyakap ko. "Kuyaa! Huwag mong pabayaan sina lolo at lola ha? Patay ka talaga sa akin! Naah!" Patuloy parin ang pagluha ko at pati sipon ko umaagos na.

"Syempre naman sis.." Mahinang wika ni kuya, naiiyak na din siguro sya. Syempre mamimiss nya pinakamaganda nyang kapatid.

"Makakaasa kang --- YUCCKK!" Sigaw nya sabay tulak sa akin, tiningnan nya yung hood ng jacket nya sabay tingin ng nandidiri sa akin.

Ngiting aso naman ako sabay peace sign" Sorry. Labhan mo nalang yan mamaya kuya. Hehe."

Sinisingahan ko kasi yung hood ng jacket nya. Naku, gift pa naman yan ng GF nya.

"O, Apo papaalis na 'yung bus. Sumakay ka na." Sabay bitbit ng malita ko.

"Lolo, lola! Huwag nyo kalimutang inumin yung gamot nyo hah? Huwag po kayong mag-aalala sa akin. Gagalingan ko po at pagbubutihin ang pag-aaral ko sa maynila." Sabi ko sabay yakap sa kanila ng mahigpit.

"Mag-ingat ka dun apo!"

"Sis, sabihin mo lang kung may manloko sayo dun para maupakan ko kaagad!" Yabang ng kuya ko noh? as if naman nasa kusina lang namin ang maynila.

"At tsaka pag may makita kang chicks ipaki--"

"Aalis na po ang bus, bye po lola, lolo, kuya! Ingat po kayo!" Paalam ko sa kanila at sumakay na sa bus. Di ko na pinatapos si kuya. Napakachickboy talaga. Hays.

--- Maynila ---

"MAYMAAAYY!!!" Sinalubong agad ako ng yakap ni tita Ana. Sinundo nila ako sa airport ng asawa nya.

Nakababata syang kapatid ng mama ko, nakapag-asawa sya ng german national at dito na nanirahan sa maynila. Sya yung nag-alok na paaralin ako since wala silang anak.

"Tita!" Gumanti rin ako ng yakap at nabigla naman ako nang mapansin ang maputi at matangkad na lalaki sa likod. Nakangiti ito habang pinagmasdan kami ni tita.

Sya yung tito ko. Na patay, di nga pala ako magaling mag-english. Iniwas-iwasan ko nga 'to nung minsang dumalaw sina tita sa amin. Araw-araw yata dudugo ilong ko nito.

Nang kumalas na si tita sa pagkakayakap sa akin ay binati ko naman si tito Martin.

"Hello po tito martin, thank you for.. Ahm.. Thank you for coming... And..."

"Pfff!" Nakita ko naman si tita na pigil na pigil ang tawa. Grabe sya, di man lang ba ako tutulungan?

Paano ba kasi sasabihin sa english ang salamat sa pagsundo sa akin? Hays. Goodluck marydale.

"..ahm, i'm so happy po tito that you are here to..to get me." Tama! 'Yun yun eh. I smiled.

Ngumiti naman si tito sabay sabing " WALANG ANUMAN MAYMAY, AT WELCOME KA PALAGI SA BAHAY NAMIN"

Haahh??

Nagtagalog sya? Marunong syang magtagalog?

At tuluyan ng humalakhak ang napakaganda kong tita. Grabe bai!

"Maymay, okay ka lang?" Tanong pa ni tita habang pinapahiran ang mga matang maluha-luha na.

Dahil kasi na shock ako, hindi ako nakakilos agad, nakanganga yung bibig ko at lumaki yung mata ko.

Nang nasa sasakyan na kami, tawang-tawa pa rin si tita.

"Tita naman, ba't di mo kasi sinabing marunong na palang magtagalog si tito. Hirap na hirap pa ako sa pag-iingles kanina."

"Maymay, pwede mo pa din naman syang kausapin sa english kung gusto mo."

"Hah? Ayoko nga, hirap na hirap nga ako mag-ingles eh tapos..."

"Eh maymay, para mapraktis ka din sa pag-iingles kasi ienroll kita sa isang private school, maraming inglisera't inglisero dun." Once again,napanganga na naman ako.

" Hah? Bakit? Tita, seryoso?"

Tumango lang sya na nangingiti.

Ako? Mag-aaral sa isang mamahaling school? Social.

Nang makarating kami sa bahay nila, pinapahinga na muna ako ni tita. Laki ng bahay nila, sila lang namang dalawa.

Nilibot ko 'yung paningin ko sa buong kwarto. Wow, ito na yung kwarto ko. Ang ganda, feeling mayaman talaga ako dito.

I feel like i'm a princess, Princess Marydale Entrata.

----------

Lame? Haha! Boring ba first chapter? Sobrang boring ano? Sige lang, pipigain ko pa utak ko at ng gumanda naman sya. Hehehe.










She's 19 and he's 16, yet, they are twins (MAYWARD FANFIC)Where stories live. Discover now