Chapter 2

2K 79 4
                                    

I opened my eyes. Hala, ba't ang dilim. Di pa naman ako bulag di ba? Choss.

Bumangon ako at kinapa yung switch para buksan ang ilaw. Tadaa! Ayan maliwanag na, 6:30 na pala ng gabi, napahaba tulog ko.

Klooorrk! Hala, tumunog na sikmura ko. Gutom na ako.

Naghikab ako at bumaba na,  nadatnan ko si tita Ana sa living room na nanonood ng movie at habang kumakain ng popcorn. Nagmovie marathon mag-isa? Tiningnan ko sya, parang kilig na kilig.

"Good evening tita!"

"O maymay, good evening. Tumawag si Ate sa akin kanina, tinanong kung nandito kana. Ahm, Gutom ka na ba?"

"Ahh, hindi.. hindi pa naman po." Nahihiyang tanggi ko. Putek, bakit ngayon pa ako tinablan ng hiya. Naku naman!

"Sure?" Tanong ni tita na may pagdududa.

"Ah.. Opo."

klooorrk! -- toyoyoyoink!

Napangiti naman si tita ng marinig ang tunog na 'yun.

"Maghapunan ka na, huwag ka ng mahiya uy!"

Grabe, yung tyan ko di talaga nakisama. Pero bakit nga ba ako nahihiya? Tita at tito ko naman may-ari ng bahay na 'to at dito naman din ako titira. Ay, hindi pa din.. Dapat mahiya din naman ako ng kunti noh?

"Okay po. Hehe. Pero ano po 'yang pinapanood nyo?" Sabay silip at sakto namang mukha ni Enrique Gil ang nasa screen. Bigla akong napatalon sa tabi ni tita.

"OH MY GOD!!!! OH MY GOD!!!! ENRIQUE!!!!!" Malakas na tili ko habang tinuturo ang screen. Si tita naman muntikan ng mahulog sa sobrang gulat.

"Aray ko, Diyos ko Maymay!!!"

"Tita! Tita si Enrique!" Niyuyugyog ko si tita na nasa tabi ko.

"Maymay relax! Kakagulat ka naman."

"Si Enrique, ang gwapo nya talaga. Waaahh!" Sabay kuha ng popcorn na hawak ni tita diritso sa bibig. Grabe mababaliw ako talaga sa kanya.

"Gustong-gusto mo talaga si Enrique ano?"

"Sobra tita, sobra!" Yung pinanood nga pala namin ngayon ay yung movie ng lizquen na 'Just The Way You Are.'

"Hmm.." Tumango-tango si tita. " Alam mo bang may Enrique Gil dyan sa kabila?"

Napatingin ako kay tita. Ano daw?

"Po?"

"Meron dyan, teka papupuntahin ko sya dito." Kinuha nya yung cellphone nya at nagtype.

Concentrate lang ako sa panunood habang kumakain ng popcorn.

"Akala ko ba gutom ka maymay."

"Hindi na po, nabusog na po ako, nakita ko lang mukha ni Enrique. Kyaaaah!" Kinikilig na sabi ko.

"Plus popcorn, inubos mo eh."

Hala, oo nga naubos ko. Napatingin ako kay tita. Ngumiti naman sya. "Okay lang yun uy, marami pa dun, kuha ka lang kung gusto mo pa."

"Iba talaga pagmayaman!"

"Sus..."

Tumunog ang doorbell.

"Nandito na sya, teka lang ha maymay, bubuksan ko muna."

Sino kaya yun? Ah nevermind.

"OhmyGod enrique my loves, gwapo mo talaga." Mahinang sabi ko habang tutok na tutok sa TV.

Maya-maya pa'y narinig ko ng bumukas yung pinto.

"Come here Edward, i want you to meet my niece. " Sabi ni tita sa bagong dating.

Napatingin ako dito, bigla akong napatayo. Hala! Kamukha nya si Enrique.

"Hello. Nice to meet you." Sabay lapit sa akin at bago pa ako makapagreact ay niyakap na nya ako. NIYAKAP NYA AKO!

DUG! DUG! DUG!

Hala, ba't parang bumilis naman yata ang tibok ng puso ko. Why oh why?

Nang bumitaw na sya ay agad syang nagpakilala.

"I'm Edward." Sabi nya nakngiti. Ganda ng ngiti nya.

"Ah.. Marydale, pero tawagin mo nalang akong maymay."

"Maymay, english 'yan." Sabi ni tita.

Hah?? Na patay!

"Ah yah, i'm sorry i can't speak tagalog" sabi nya.

"It's okay ... Ah, have a seat." Kala mo tita hah? Laban uy!

"Thank you."

"Okay, kukuha lang ako ng mainum nyong dalawa hah!" Sabay talikod ni tita.

Tiningnan ko sya. " You look like Enrique Gil." Sabi ko.

"Yah i know, there are lots of people told me that i really looked like him." Sabi nya.

"You are half?" Tanong ko.

"Half?"

"Half. half filipino, half..."

"Ah yes, i'm half filipino half british but i grew up in Germany."

"Ahh.. And why... Why tita know you?" Tanong ko with hand gesture. Ay naku, buti pa siguro magbody language nalang kami.

"Because my dad and uncle Martin.. They were friends."

"Ahh!" Tatango-tango nalang ako.

Dumating si tita at dala ang dalawang baso ng juice at sandwich.

"Okay, i will go to the room now. I feel so sleepy na. Goodnight!"

"Okay po tita, goodnight."

"Goodnight auntie.

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan, napakakomportable nya lang kausap kahit hirap akong mag-english.

" Sometimes we have -- OH LIZA!!!"

Muntik ko ng maibuga 'yung ininum kong juice. Kakagulat sya.

"You ano me .. You.. You know..."

"Yah i'm sorry!" Natatawang sabi nya. "I didn't really paid attention to the movie so i got surprised Liza is there!"

"You like liza?"

"Yeah, she's my celebrity crush." Ngiting-ngiting sabi nya.

So, kung si Enrique gusto si Liza, pati pala kamukha ni Enrique like din sya. Grabe liza, how to be you po?

She's 19 and he's 16, yet, they are twins (MAYWARD FANFIC)Where stories live. Discover now