Chapter 51

2.7K 80 2
                                    

Hiii! Sorry sa mali. Naguluhan kasi ako. Sa chapter fifty diba sabi pagtungtong nila sa 4th floor, magiging sampu sila? Mali sorry. Magiging walo na lang pala sila. Naedit ko na. :) thank you sa pagintindi! Sana dumami pa kayong readers :)

Key's Pov

Lumabas din ang tatlo ng hindi umimik si Margaux. Nakita ko ang tingin ni Tricia samin na para bang nanghihingi ng sorry bago siya lumabas.

"When Hailey told us what Wade said to her..." bumuntong hininga ako. "Cata got mad. Kahit tayo, pinagsabihan siya. Pero one month had passed since Wade confessed. And look what happened? Hindi natin napanindigan ang sinabi natin,"

Nahihirapan ako habang sinasabi ko iyon.

Naalala ko nung hindi pa kami kasali sa gang. Yung lagi kaming naguusap ni Jeremiah na tila walang pakealam sa mga studyanteng dumadaan. Yung pagsabay namin sa shuttle at pagpasok sa bawat klase na magkaklase kami.

Yung wala pang problema ang lahat. Yung wala pang linya...

"Stupid adhesion," malamig na utas ni Cata.

"What are we gonna do now?" tanong ni Hailey.

Tumayo bigla si Margaux.

"Let's go. We'll talk to them."

Nagkatinginan kami bago sumunod sakaniya. Dere deretso ang lakad niya. Alam ko na kung saan 'to papunta.

Kumanan kami pagtapos ay lumiko. Sumalubong samin ang gate. Binuksan ito ni Margaux dahil alam naman namin ang passcode. Pagpasok namin ay nakita agad namin ang SP na nakaupo sa sementadong ractangle na lamesa at pahabang upuan din. Pwera kay Genre, missing in action.

"Akala namin 'di kayo dadating," sabi ni Wade.

Kumunot ang noo ko pero napagtanto kong may usapan nga pala ngayon na magkikita.

"Sa loob na tayo. Wala si Genre baka mamaya pa 'yun t--" pinutol ni Margaux si Justine.

"Let's cut this, dos." napasinghap ako sa deretsahang sabi ni Margaux pati sa pagtawag niya kay Justine.

Napatigil sila Kenji sa paglalakad. Si Justine naman ay may bahid ng pagkabigla ang mukha.

"What are you talking about?" tanong nito at humalukipkip.

Umismid si Margaux, "We all know what I'm talking about. Let's stop this and forget the adhesions that happened to us."

Nakita ko ang pagiba ng aura ng SP.

"After all, Margaux? Pagkatapos ng mga ginawa nating lahat na magkakasama? After all the memories?" nahimigan ko na ang galit sa boses ni Justine.

Napatingin ako sa ibang SP. Nagtama ang mata namin ni Jeremiah, tila ba naguguluhan siya at nadidisappoint saamin.

"Oh come on!" may galit na din ang boses ni Margaux, "Alam nating lahat na mali ito! Alam nating sa oras na malaman ng heirs 'to, dehado tayong lahat! Lalo na yung mga may nararamdaman na para sa isa't isa!" lumipat ang tingin ni Margaux kay Wade. "I can't believe na hinayaan naming mangyari 'to! Nagpauto kami sainyo! Hindi namin naisip yung maaaring mangyari pati yung kapakanan ng bawat isa samin!"

"But we told you once the heirs knew about this, we will protect you!" depensa ni Kenji.

"Protect?" natatawa ang boses ni Kate. "Kaya niyo? Kaya niyong labanan ang heirs? Ang Phoenix? At ang iba pang nasa likod ng gang world? Kaya niyo?!" tumaas ang boses ni Kate.

"Kaya namin! Kasi kung para sa kaligtasan niyo lang din naman 'yun edi kaya! Handa kaming ipagpalit ang lahat ng 'to... Ang buhay namin... Para lang maligtas kayo." why is there hurt on the voice of Wade?

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon