Chapter 10

4.2K 115 4
                                    

Kate's Pov

Pagkatapos naming lumibot dun sa Easton. Hinatid naman kami nila Kuya. Pagka-kanan ng kotse ni Kuya nakita ko agad pagkamangha sa mukha ng tatlong 'to.

"Cool!" Sabi ni Ced habang tinitignan ang Statton.

"Yeah right." Sabi ko at kinindatan siya.

Pumasok ang kotse ni Kuya at nagpark na siya. Lumabas na kaming lima sa sasakyan niya at napansin ko agad ang tinginan ng mga babae saamin. Lalo na sa mga lalaking 'to.

"Kapatid ba nila 'yan? Ang g-gwapo!"

"Hihintayin kita paglaki mo!"

Nakita kong natawa na lang silang tatlo. Napailing na lang kami ni Margaux at sinamahan na si Kuya sa office.

Inasikaso niya na din ang dapat niyang asikasuhin. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong may 30 minutes pa naman kami.

Ilang minuto din ang lumipas. Sampu siguro bago lumabas si Kuya. Pumunta siya sa gilid at hinanap niya ang course niya bago niya kinuha ang schedule niya.

"College, baby." Sabi niya samin at winagayway ang schedule niya.

Tinignan nila Ced 'yun habang kami ay naglakad na palabas.

"20 minutes na lang maguumpisa na klase ko. Uuwi na ba kayo?" Tanong ni Margaux sakanila.

Umiling silang tatlo. "Hahatid muna namin kayo." Sabi ni Kuya habang pinagmamasdan ang Statton. "Lupet nga dito!"

"Hahatid ko si Ate Kate." Sabi ni Chivas at hinila ako bigla para akbayan.

Bigla naman akong nanliit. Oo na! Fifteen pa lang siya pero mas matangkad na siya sakin. Kailangan ba talagang maging maliit ako? T.T

"Kami na ni Ced kay Gaux. Chivas, text mo kami ah?" Sabi ni Kuya kay Chivas.

"Roger that." Sabi ni Chivas at tumawa.

Building C ang first class ko. Kakayanin naman lakarin kaya humiwalay na kami kila Kuya. Sumakay kasi sila ng shuttle dahil building G pa si Margaux.

"Nakakainggit talaga kayo nila Kuya, Ate!" Sabi sakin ni Chivas. Hindi niya pa din tinatanggal ang akbay niya kaya napapatingin samin ang mga nakakasalubong namin.

"Kapag college na kayo, sabihin niyo kay Mommy na dito na lang kayo."

"Eh wala naman na kayo nun dito!" Nagmamaktol na siya na parang bata.

"'Wag kang OA ah? Fourth year na kami kapag nandito kana. 3rd year kana diba?"

Tumigil siya at humarap sakin. Inayos niya ang buhok niya at tinignan ako ng pamatay niyang tingin. Napakunot tuloy ako ng noo. "Chivas Fortalejo nga pala. 15 years old. Single at pinakagwapo sa mundong 'to." Ngumiti siya at kumindat.

Hindi ko na lang napigilan na matawa sa kabaduyan ng kapatid ko kaya tinulak ko yung mukha niya ng bahagya gamit ang palad ko.

"Ang baduy mo." Tawa ko pero inakbayan niya na ko ulit.

Pagdating namin sa building ko umakyat kami sa third floor. Tumigil kami sa pintuan at eto namang kapatid ko pinagtitinginan nanaman.

"Dito kana ate?"

Tumango ako kay Chivas. "Oo, itext mo na sila Kuya. Baka maligaw ka pa."

"Okay lang. Para makalibot din. Sunduin namin kayo mamaya ah?"

"Bahala kayo."

Ngumiti sakin si Chivas at hinalikan ako sa ulo. "Text mo na lang ako ate kung may problema. Goodluck. I love you, ate." Sabi niya at tinulak ako papasok.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon