Chapter 45

3.7K 104 7
                                    

Key's Pov

Friday na at lahat ay abala sa kanya-kanyang clubs. Maaga ngang umalis ang dalawa dahil pagkagising ko wala na sila.

May mga studyante na pumupunta sa quadrangle dahil kinakabit nila ang bawat tarp ng mga clubs. Sinuot ko na agad ang ipangsasayaw ko mamaya.

Inayos ko lang ang buhok ko at sinuot na ang maliit na backpack bago tumungo sa hall kung saan nandun ang ibang member ng bawat club.

"Thank goodness, Key! Kanina kapa namin hinihintay!" Salubong sakin ni Ruthe. Tinignan niya ang buhok ko. "Aayusin namin 'yang buhok mo." Sabi niya at hinila ako sa gilid.

Namataan ko agad si Jeremiah na nakatingin sakin. May kausap siyang dalawang lalake. Nagiwas ako ng tingin dahil sinimulang hawakan nila Ruthe ang buhok ko.

"Ano bang gagawin niyo?" Tanong ko sakanila.

"Basta."

Hindi na lang ako kumibo at naramdaman ko na lang na naguumpisa na silang ayusin ang buhok ko. Minsan ay napapainda ako dahil nababanat masyado ang buhok ko.

"Dahan dahan naman." Sabi ko. "Aki! Pahiram akong salamin." Sigaw ko kay Aki na nasa 'di kalayuan.

Nilabas niya ang salamin at ipinaabot kay Jmart na saktong dumaan sa harap niya.

"Paabot kay Key." Ani nito at nilahad ang salamin.

Kinuha ito ni Jmart at tinignan ako. Naglakad siya patungo sakin at mas lalo kong naaaninag ang kagwapuhan niya.

He's wearing a long tee white and RM black. Partnered by his shoes that shouts roshe run. Which really made him more handsome.

"Here," Sabi niya at nilahad sakin ang salamin.

"Thank you..." sabi ko at inangat ang salamin para mapantay sa mukha ko.

I still feel his stare.

Nakita kong nakabraid ang buhok ko ng pawaterfall braid at may pagkawavy pa.

"Bagay na bagay sayo, Key!" Pumapalakpak na sabi ni Ruthe at Rose.

"Diba, Jmart?" Tanong ni Rose.

Inangat ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin pa sakin si Jmart habang nakaupo sa desk.

"Oo, sobra." Ngumisi ito at tumayo.

Tumayo din ako at tinignan ang sarili ko sa full length mirror. Wala kasi kami sa studio kaya hindi lahat ng nandito ay salamin.

Bagay na bagay nga sakin. Kahit nakaRM at loose gray tshirt din ako ay bagay din saakin.

"Proceed to the quadrangle now, yellow tigers." Nakadalawang ulit pa ang announcer kaya nagsitayuan na kami.

Habang naglalakad kami palabas ay nakita ko na ang ibang grupo. Mga nakasuot din sila ng angkop sa club nila.

May ibang club naman na hindi kasali. Katulad ng book club nila Kate, wala naman daw kasi silang gagawin. Sa linggo na nga pala ang debut nila Kate!

Pagdating namin sa quad ay maingay. Ano bang aasahan mo? Syempre dahil libo ang studyante ng Statton at madaming miyembro ang bawat grupo.

Natanaw ko sila Margaux. Modeling nga pala ang isang 'to. Sila ni Hailey ay magkasama. Sila Hailey kasi ang sinubukang magdesign para sa irarampa nila mamaya. Tutal halos lahat naman ng kasama sa Fashion Club ay ang course Fashion Designer.

Nagsimulang magsalita ang emcee. Opening remarks and whatever hanggang sa nagumpisa na ang bawat club magpresent.

"Now, it's the turn for the Music Club representatives to make you amaze! Let's all welcome, Catastrophe Swift and Kenji Anonuevo!" Nagpalakpakan ang marami at nakita kong umakyat nga sila sa stage.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon