Chapter 12

4.7K 132 25
                                    

Catastrophe's Pov

Nakatingin sila ng seryoso samin. Napabitaw na din si Key sa braso ni Margaux. Kumalabog ang dibdib ko. Napakaseryoso nila ngayon.

Nagtama ang mata namin ni Genre. May kakaiba akong naramdaman ng nagkatinginan kami. Ako na din ang unang umiwas ng tingin dahil naiilang ako.. at oo, natatakot.

"Margaux, how come you got in here?" Seryosong tanong ni Justine kay Margaux. "Answer me."

Nakita ko ang pagtikhim ni Margaux. Humarap siya kay Justine at tinanggal niya ang paghawak ni Justine sa braso niya.

"Obviously, we watched. Nanood kami ng battle na 'yun kaya kami nandito. Halata naman diba?"

"Alam niyong bawal pa kayo dito." Sabi ni Wade.

"We know but sorry, we don't follow rules." Ramdam ko ang pagngisi ni Margaux.

Umiling si Jeremiah. "If the heirs figured about this, you're dead."

"Inoobserbahan pa kayo ng heirs. At inaalam pa nila ang background niyo." Seryosong sabi ni Kenji habang humahalukipkip.

Natawa ako. "Are your heirs threaten? Hello! Do we look like we're gonna spill the secret of yours?" Napairap pa ako pagkatapos kong tumawa ng sarkastiko sakanila.

"They're not. Why would they be threaten for some newbies like you?" Eksena ng Beejay na 'to.

"Hindi naman pala sila threaten eh anong problema niyo at ayaw niyo kaming panoorin?" Naiinis na tanong ni Hailey.

"Easy. Because they wanted to know your background first." Sabi ni Wade habang nakangiti.

"For what?" Nakapamewang na tanong ni Key.

"Wait, look, we don't need to explain everything to you. If I were you, I'm going to my dorm now." Sabi ni Gin.

Nakatingin sakin si Kenji. Ngumiti siya that made his eyes more singkit. Napairap na lang ako at dumako nanaman ang tingin ko kay Genre. Seryoso pa din siya.

"Your acts just proves that your not worthy to trust." Malamig niyang sabi. "Simple rule, you can't follow?"

"Because 'follow' isn't on our dictionary."

Napangisi sila Justine. "Bad girls. Hindi halata, a?" Tumawa sila.

Ngumiti kami sakanila.

"Proud to say," sabi ko sakanila.

Nagulat ako ng isa isa silang naglapitan samin. Natira si Beejay at Gin na nakaupo sa mataas na semento na parectangle. Ang gwapo pa nila dahil nakapatong ang dalawa nilang kamay sa gilid nila.

"Kayo na bahala magexplain kila Ate, ihahatid na namin 'tong mga 'to bago pa sila makita." Sabi ni Justine at hinila si Kate.

Nagulat ako ng napalayo na ako dun. Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Kenji na hawak hawak ang kamay ko habang naglalakad.

"Hoy! Bitawan mo nga ako." Sabi ko sakaniya at pilit na tinatanggal ang kamay ko.

"Nah." Ngumisi pa siya sakin bago niya ko hatakin pababa.

Biglang bumagal ang lakad namin. Namilog ang mata ko ng makita kong nakalayo na sila Kate. Ganun ba kami kabagal maglakad?

"Bitaw na kasi! 'Wag ka magalala hindi ako babalik dun! Kaya bit--!" Natahimik ako ng ilagay niya ang kamay niya sa labi ko. Ang lambot ng kamay niya.

"Shh. Ang lakas ng boses mo. Baka may makarinig sayo." Sabi niya at tinignan ako sa mata.

Why.. why did my heart skipped a beat?

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon