"Zack? What the hell are you doing here?" Zack was my
knight-in-shining-armor kahit noong nasa States pa kami.

"I'm here for a project. Anyway, I'm so dissapointed to see you
like this." Iiling-iling na pinasok niya ako sa kotse niya.

"What's happening to you, C? Bakit mo ipinapahamak ang sarili mo?"

"What do you mean? I'm fine." Nakainom ako pero kaya ko
pa naman, ah.

"Paano kung hindi ako dumating? E di nabastos ka na ng lalaking pugita na 'yon!"

I laughed. Pero maya-maya lang din ay napaluha na ako.

"Mahirap ba akong mahalin, Zack? Why can't they love me?"
Niyakap niya ako at patuloy akong umiyak sa dibdib niya.

"Hindi, C. Hindi ka mahirap mahalin. You're just misunderstood."

Hinawakan niya ang mukha ko. Alam kong hahalikan niya
ako, at hindi na ako tumutol. Gusto kong maramdaman kung
paano mahalin at pahalagahan, kahit ngayon lang.

"Let me show you na hindi ka mahirap mahalin, C." Tumango ako bilang sagot.

Dinala niya ako sa condo niya. He kissed me as soon as we
got there. He was a good kisser. Ramdam kong mahal niya ako
sa mga halik niya.

Binuksan niya na ang zipper ng damit ko at saka hinubad 'to.
In return, I also removed his polo. He was such a hottie.

"Stop me now, C, dahil baka 'di mo na magawa 'yon mamaya."
Alam kong mabuti siyang tao. Kaya nga sana siya na lang ang
minahal ko.

"I don't want you to stop," sabi ko, at kinabig siya para halikan
sa mga labi.

Zack made me feel loved, kahit hindi siya ang taong gusto
kong magparamdam sa 'kin noon.

I woke up and saw him sleeping soundly beside me. Sana talaga siya na lang si Xander. Pero hindi pa rin ako paaapi.

Gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ko, at magbabayad ang kapatid ko sa lahat ng paghihirap ko.

Hindi ko na hinintay pang magising si Zack. Nag-iwan
na lang ako ng note, pagkatapos ay umuwi ako sa bahay para
magpalit ng damit. I needed to see Xander today. Kakapalan ko
na ang mukha ko.

Nag-drive ako papunta sa bahay nila. Good thing at nasa may garden lang sila ni Chloe. Habang papalapit ako sa kanya
ay napansing kong he was holding a baby. Kaninong anak ang batang 'yon? I also saw Marga carrying one.

Nakita kong tuwang-tuwa silang kinukulit ang mga sanggol.
Maya-maya ay may lumabas na babae at kinuha kay Xander ang
baby.

Si Trisha? Nagbalik na siya? At ang mga sanggol ay mga
anak niya?

Hindi ko na napigilan at pumasok na ako ng gate. Sakto rin kasing may lumabas na katulong.

"So, nakabalik ka na pala!" malakas na sabi ko. Mula sa
pagkakayuko niya ay napatingin siya sa 'kin.

Mabilis naman niyang ibinigay ang bata sa yaya nito at
pinapasok sa loob. Ganoon din sina Marga at Chloe.

"Ano na namang kailangan mo, Choleen?" tanong ni Xander.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, Xander!"

Nilapitan ako ni Trisha at nagulat ako sa ginawa niya. Bigla
niya akong sinampal.

"How dare you?!" Susugurin ko sana siya pero hinarang ako
ni Xander.

"Kulang pa 'yan para sa mga ginawa mo sa pamilya namin,"
sabi ni Trisha. Aba't matapang na siya ngayon, ah!

"Umalis ka na, Choleen. 'Wag mo na kaming guluhin pa dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo," sabi naman ni Xander.

"Pero Xander, may nangyari sa 'tin, 'di ba? Mas magaling pa
rin ako sa kama kaysa kay Trisha!" sabi ko sabay hinila si Xander.

"Alam kong sinadya mo ang lahat ng 'yon," sabi ni
Trisha. "Naaawa ako sa 'yo, Choleen. Bakit kailangan mong
magpakababa? Ako na ang mahal ni Xander. Kami ng mga anak niya."

"Bitch! Mang-aagaw ka!"
Agad akong hinila ni Xander palabas at marahas na ipinasok
sa kotse ko.

"Leave us alone!" sigaw niya saka siya muling pumasok ng
bahay.

"Magbabayad kayong lahat! Hinding-hindi ko hahayaang
maging masaya kayo!" sigaw ko.

Nagkabalikan na pala sila. Kaya siguro nawala nang matagal
si Xander kasi hinanap niya sila.

Akala ko tuluyan ko nang
napalayas si Trisha sa buhay namin, hindi pa pala.
Papaakyat na ako sa kwarto ko nang may napansin akong
papel sa nakapatong sa desk ni Daddy. Dinampot ko 'yon at
nakitang resulta 'yon ng DNA test.

Teka, DNA test 'to ng mga
magulang ko at ni Trisha Alexis M. Rosales?

Si Trisha si Maureen?!

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon