Syempre hindi ako nagpatalo. Tae!! Kakalbuhin ko talagang hayop na to!! Lalapit pa sana 'yung isang kasama niya upang tulungan siya.

"Sige! Lumapit ka! I am sure as hell kakalbuhin ko 'tong malanding higad 'to."

"Malanding higad? How dare you! Walang pwedeng magpahiya sa akin. Naiintindihan mo ba?!" nanlilisik ang mga mata niyang sabi.

"At wala ring pwedeng mang-api sa akin. Kuha mo? Kala mo ba tatayo lang ako habang inaapi nyo? Iiyak habang binubully nyo? Masyado nang laos 'yun. Mali ka nang kinalabang malandi ka!"

Sabot. Sampal. Kalmot. Tadyak. Narinig ko rin ang mga sigawan ng mga ilang estudyante.

May ilan ngang pumusta pa. Ano tingin sa amin mga manok na nagsasabong?

Tumigil lang kami ng biglang may sumigaw at nagsi-alisan ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

Si Mr. Guzman! Siya ang guindance counselor namin. Tsk! Pasalamat ka lang talaga. Dali-Dali akong tumayo at binigyan isang malakas na tadyak 'yung malanding 'yun.

Napa-Aww siya pero wala akong paki-alam. Siya ang nagsimula ng lahat ng ito, tinapos ko lang. Nang marinig kong malapit na si Mr. Guzman sa amin ay agad akong tumakbo palayo. Ayokong madetensyon no.

Baka makick out na naman ako. Kapagod na lumipat ng school. Panira ng araw!

****
Chapter 3 - It's Ayabelle (Part 2)

Kasalukuyan akong nasa cubicle ng cr ng school. Well, malaki din naman. At least papano alam kong hindi nila binubulsa ang mga binabayad ng mga parents dito. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago pumasok ng silid.

Kaasar na araw talaga! Kung pwede lang na hindi na ako pumasok bukas, gagawin ko. Pero kasi last chance ko na 'to eh. Paghindi pa ako tumino, papatapon ako sa Australia kasama ang lola kong napakastrict. And I don't like there.

Asar! Tiningnan ko ang mukha ko sa dala kong salamin. Takte!! Pumangit na ata ng dalawang paligo. Napamura ako ng makitang dumudugo ang kaliwang bahagi ng pisnge ko. Napuruhan ata ako dun ah.

"Aww." mapaigtad ako ng hawakan ko ito. Kinuha ko ang ointment sa bag ko na binili ni Manang Rose last week. Lagi daw kasi ako nasusugutan. Paano nga daw kasi, kababae kong tao pumapatol ako sa away. Eh kasalanan ko bang lapitin ako ng away. Hay naku. Buti na lang talaga lagi kong dala-dala to. Habang naglalagay ako ng ointment, may narinig akong dalawang boses na nag-uusap sa labas.

"Sino? Yung bagong student ba?"

"Oo siya nga. Kalabanin ba naman si Nicole! Lagot kay Ian 'yun. Rumored gf daw ni Ian si Nicole eh."

"Talaga ba? Naku, patay talaga yung babaing yun. Pero nakita kong buhat buhat siya ni Ian knina. At parang ang sweet pa nila."

"Really?"

"Oo, at nagdate pa daw sa canteen."

"Cheap naman. Baka pinaglalaruan lang siya ni Ian. Sa canteen lang kasi dinala eh."

"Naku ewan ko lang talaga kung anong mangyayari kay... Sino nga ulit yun?"

Hindi na ako nakatiis kaya naman lumabas na ako ng cubicle. Nagulat pa ata silang dalawa ng makita ako. Talaga namang kagulat-gulat ang ganda ko eh.

"It's Aya. Ayabelle. At hindi ako natatakot kahit na magsama pa silang dalawa! Who cares?" ngumiti ako saka lumabas na ng CR.

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nila. Wala akong paki at wala akong paki. Habang papunta sa room namin, inayos ko ang buhok ko para matakpan ang sugat sa aking pisngi.

That BadboyWhere stories live. Discover now