He's Dating a Psycho

42.8K 182 41
                                    

New Horizons Recovery Clinic, Present Day

"Chief," tinanguan niya ang guard-on-duty sa psychiatric facility kung saan siya regular na pumupunta tuwing Sabado.

"Atty. Villanueva! Magandang umaga po," masiglang bati nito habang inaabot sa kanya ng logbook at ballpen. "Enjoy your date, Attorney!" Dagdag pa nito matapos siyang mag sign-in sa logbook.

Ngumiti siya. Good vibes na naman siya ngayong araw na ito sapagkat magkikita sila ng ng kanyang nobya. Miss na miss niya na ito.

Pasipol-sipol na sumaglit siya sa receiving area ng naturang facility.

"Good morning, Attorney!" Bati sa kanya ni Ramon, ang kasalukuyang nurse-on-duty. "Aga natin ah," anito sabay pindot intercom at nagsalita, "Grace, ready na ba si Ma'am?"

"Nasa shower room pa," sagot ng nurse na naka-assign sa quarters.

Napangiti siya. Matagal talagang mag-shower ang kanyang nobya.

"Sir, maupo ho muna kayo. Maya-maya bababa na sina Ma'am Yasmine."

"No problem," sagot niya. GV na GV pa rin siya.

Umupo siya sa sofa at inilapag sa katabing mesa ang mga pasalubong niya para rito. He reached for his iPhone inside his pocket and turned it off. Ayaw niyang madistorbo sila ni Yasmine.

He could still remember how she pouts whenever they're being bothered by his secretary. Isa siyang sikat na abogado. In fact, he's one of the best defense lawyers in the country. He has handled quite a number of cases, defending politicians, celebrities, etc.

He froze as he pressed and held his phone's off button. Naaamoy niya kasi ang pabango ni Yasmine. It's her favourite perfume, Coco Mademoiselle, which smelled like baby powder but still exudes sexiness. Inosente pero nakakalibog.

Paglingon niya sa hagdan wala roon ang kanyang nobya. Maybe she's hiding behind the wall. Napangiti siya.

"Surprise! Gulat ikaw?! Hmmm?" Tili nito pagkatapos ay yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Oo. Nagulat ako. Sa sobrang gulat ko muntik na kitang kagatin eh," aniya sabay yakap dito ng mahigpit. He gave her a smack.

"You look stunning," puri niya rito. Sa katunayan, nakasuot lang ito ng plain white v-neck t-shirt at light pink pyjamas na may maliliit na puting polka dots. Basa pa rin ang buhok nito.

"Of course! They let me wear my favorite dress," anito at umikot na animo'y isang prinsesa.

Napatitig siya rito. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang magandang alalala limang taon na ang nakalilipas...

"You look stunning," puri niya kay Yasmine. Nakasuot ito ng above the knee lavender and pink halter dress at nude-colored pump high heels. Manipis lang ang make-up nito na lalong nakapagpalitaw ng makinis nitong balat.

"I know right?" she said while giggling. She picked up the sides of her dress and turned around like a princess.

Proud na proud siya sa kanyang nobya. At age 24, she's a full-fledged doctor. Topnotcher ito sa katatapos lamang na Physician Licensure Examination. Sinundo niya ito sa condo unit nito para mag-celebrate. Hindi pa lumalabas ang resulta ng licensure exam nito ay nakapagpa-reserve na siya ng dinner for two sa isang Italian restaurant. Kampante siya na makakapasa ito sapagkat alam niya naman kung gaano katalino ng kanyang girlfriend...

His thoughts were interrupted when Yasmine's caregiver talked to him.

"Sir, proceed na po tayo sa visitor's lounge."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carnal CravingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon