| Chapter 2 | Dr. Park |

Start from the beginning
                                    

Bigla ko syang hinila tapos tumayo ako at umikot sa likod nya.. In a blink of an eye nakatututok na yung syringe na hawak ko sa leeg nya.

"Wag kang lalapit." Sabi ko sa isa pang nurse. Medyo husky pa yung boses ko. "Or else, this thing will surely penetrate through her carotid. And then, she'll die having severe blood loss."

At nagsimula na naman silang mataranta. Hayy.

Kumilos na ulit ako... Umurong ako papunta sa tapat ng pinto, at syempre dahil hawak ko si Ms.Nurse kasama ko din syang umaatras. Pinag papawisan na ng malamig tong 'hostage' ko.

"Give me your I.D..."

Sa loob ng halos tatlong araw ng pananatili ko dito lagi kong nakikitang may sinu-swipe silang card sa gilid ng pinto.

At siguro halos lahat ng pintuan sa building na to may ganon.

Nakita ko namang nabigla yung lalaking nurse. Kita din sa mga mata nya na nagaalangan sya.

"Wag... Wag mong ibibigay...." Sabi nung nurse na hawak ko.

"Pero baka kung ano ang gawin nya sayo.. Alam mo namang di ko kayang makita kang nasasaktan..Marie.." Sabi naman nung lalaking nurse.

Psh. Lovers pala tong mga to. Bleh... Yuck.

"Ha! Kung ganon pala.. Ano pang hinihintay mo... Akin na yung I.D. mo." Sabi ko habang nakangiti.

"Wag! Mo ibibigay! Kaya ko na sarili ko.. Alam mo namang makakatakas sya... "
Sabi nitong hostage ko.. Marie ba?

Sinamantala ko na yung pagtatalo nila.

Itinulak ko yung babae papapunta dun sa sweetheart nya... Tapos napatumba silang dalawa. Hinablot ko naman na agad yung ID card.

At habang hindi pa sila nakakabangon mula sa pagkakatumba... Agad ko namang sinu-wipe yung ID Card... Buti nalang at agad na mabuksan yung glass door. At syempre bago pa man sila makapagreact ay tumakbo na ako palayo...

Ramdam na ramdam ko sa mga talampakan ko yung lamig ng sahig.

Tinakbo ko ang napakahabang hallway. Napansin ko din na marami na palang humahabol sa kin.

"Hahahahaha! Wooooh! I never had so much fun like this before."

Sa wakas ... Nakikita ko na yung dulo... At merong paliko yun sa kanan at sa kaliwa...liliko na sana ako sa kaliwa ng may nakita akong papasalubong na nurse... Kaya sa kanan ako pumunta.

Napangiti naman ako... Nalagpasan ko yung mga yun ... Ihahakbang ko na sana ulit yung kaliwang paa ko ng may humarang sa akin. Tapos may naramdaman kong may matalim na bagay na bumaon sa leeg ko. Nanlaki yung mga mata ko nung marealize ko kung ano yun.... Tranquilizer.

"What now?! "  Akala ko makakalabas na ako.

Parang biglang tumigil ang oras.. Parang pakiramdam ko tumigil sa pagtakbo ang mga maninipis na kamay ng orasan... Hindi ako makapaniwala naisahan ba talaga nila ako?

Saka ko nalang nakita ang buong appearance ng sumalubong sa akin... Isa syang doktor.

Pagkasaksak nya nung tranquilizer agad nya akong inalalayan sa magkabilang balikat... Naramdaman ko naman na parang bumigat ang buong katawan ko.. Dahan dahang bumagsak ang katawan ko...

...

Naramdaman ko na lang na parang nakahiga ako sa isang malambot na surface.

Napansin ko na nakahiga ako sa kama. Dumilat ako. Babangon sana ako ng may naramdaman akong nakatali sa magkabilang braso ko. Pati na rin pala sa mga binti ko. Sinubukan kong kumawala pero matibay yung ginamit nila. Belt na gawa sa authentic leather to, for sure.

"Hayy... Grabeng gulo ang idinulot mo 369."

Napatingin naman ako sa nagsalita...

Teka sya yung doktor na sumaksak sa akin ng tranquilizer.

Lalo akong nagwala.

"Woah.... Easy 369... Hindi ako ang kalaban mo dito.... Actually niligtas nga lang kita kanina.." Doctor. "Ako nga pala si Dr. Park, Park Jae Hyun. Obviously, korean ako... Ako ang head ng medical team ng Blank Organization."

Head ng medical team? Pero ngayon ko lang siya nakita. At mukhang bata pa siya.

Teka... Blanc.... Organization?..

Pinalitan nila yung name ng org?

Natigilan naman ako at napatawa ng mahina.... Blanc?

"Ako pala ang may-ari ng Organisasyon na to." -ako

"Haha haha! Assuming ka masyado. Blank, B-L-A-N-K. Hindi B-L-A-N-C. Haha haha haha. "-dr. Park.

Napairap naman ako.

"Kung ganon, paki explain nalang sa akin kung bakit ako nandito"- ako

Tinignan niya ako sa mata... Tapos ngumiti sya.

"Ipangako mo muna sa akin na di mo na ulit susubukan pang tumakas." - dr. Park

Napaiwas naman ako ng tingin at sinabing...

"Deal."

END OF FLASHBACK

__________________

End of Chapter 2
Dr. Park

December 22,2017
CarsDLReader
_________________

[A/N: Vote,
comment, and
follow.

Any questions about
the UD schedule,
dedication, etc.?
Just read
AUTHOR'S
NOTE #1 ]

Her Own Ways: Harmony BlancWhere stories live. Discover now