Chapter 1: Plan

9K 320 165
                                    

Taong 1974

Tamad na tumingin ako sa libro ko habang nagsasalita ang aming guro sa harap. Ilang buntong hininga na ba ang nagawa ko nang magsimula ang subject na 'to? 

Nasagutan ko na ang pinasagot sa Math, ngunit may natitira pang tatlumpung minuto bago i-check ang mga papel namin

"Marco.." Narinig kong bumulong si Argael sa gilid ko    

Hindi ko siya pinansin. Ano nanaman ba ang kailangan ng isang 'to? Kung sagot sa Math, wala akong balak magpakopya

"Marco, pare!" Bulong niya ulit

Pangalawang beses nang umikot ang mga mata ko ngunit wala akong balak na tingnan siya

"Marchosias!" Marahang sigaw niya

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nagtaas ako ng kilay at sinigurado kong makikita niya ang iritasyon ko sa ilang beses niyang pag-tawag saakin 

 "Pakopya naman. Kahit yung number 2 lang, tsaka 3 na rin pala. Pahabol yung 5!" Pabulong niyang sabi habang pasimpleng tumitingin sa guro namin para hindi siya mahuli 

Inis ko siyang tiningnan. Abuso tong isang 'to

"Sige na! Lilibre ko kayo ni Elisa sa Cuatro Islas pagdating ng kaarawan ko." Kundisyon niyang nagpapukaw ng atensyon ko

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya 

"Sa may Inopacan and Cuatro Islas, nasa Albuera tayo. Ang layo noon Argael." May bahid ng pagdududa ang tono ng boses ko

Humagikhik siya at umiling "Mag v-van tayo papunta sa Inopacan at saka magbabangka na papuntang Isla. Kaya ko yan! Mura lang naman. Sagot ko na rin ang makakain nyo kapag dumayo tayo sa ibang isla. Minsan lang 'to Marco, kaya pahingi na ng sagot!" Natatawang sabi niya 

Napa-irap ako at pasimpleng binigay sakanya ang papel ko. Nakita ko ang saglit na pagkinang ng mata niya bago tanggapin ang papel 

"Ayos! Pati cottage nyo libre ko na." Maligalig na saad niya 

Napa-irap ako at kalaunay napangiti nalang 

"Kapag ba binigay ko sayo ang sagot, isasama at ililibre mo rin ba ako sa Cuatro Islas, Balderama?" 

Bahagyang nanlaki ang mata ko at nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang striktong boses ng Math teacher namin sa likuran. Pasimple kong tiningnan si Argael na dahan-dahan ng tumitingin sa likod 

Mariin akong napapikitat  iritadong pinilig ang ulo ko. Dahan-dahan na rin akong tumingin sa likod at sumalubong saakin ang namumulang mukha ng guro namin habang malamig kaming tinitigan 

Bwisit!

"E-Eh, syempre naman Sir! Kayo pa ba?" Si Argael habang hilaw na humalakhak 

Tumaas ang kilay ng aming guro at tumingin saakin. Napalunok ako at pilit na inayos ang sarili ko para hindi halata ang namumuong tensyon sa loob ko 

"Hindi ko alam na kumakagat ka pala sa libre, Aragonza?" Nakita ko kung paano nagkiskisan ang mga ngipin niya sa galit 

Nagkibit balikat ako at hilaw na ngumiti

**

"Ang KJ naman kasi ng propesor na 'yon! Ang ikli na nga ng oras natin, ilang pasasagutan pa ang binigay. Malamang mangongopya talaga tayo nun!" Reklamo ni Argael nang makalabas kami sa Principal's office 

Bumuntong hininga ako at napa-irap sa kawalan. First Major Offense agad ang sumalubong saamin pagpasok sa Principal's office. Hindi na masama

"Ikaw lang ang nangopya, gago." Iritang saad ko saka sinuntok siya sa braso 

Blood For SoulWo Geschichten leben. Entdecke jetzt