Chapter 17 - BANG!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Don't stress too much siana. Baka mapano ka." Sabi agad saken ni kuya pagkalabas namin na pagkalabas.


Agad namang nagsitulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan kaya agad akong niyakap ni kuya.


"Oh siana. Ssh, wag ka ng umiyak." Sabi nito saken.. niyakap ko naman pabalik si kuya habang humahagulgol ako sa iyak.


"K-kuya, p-paano kung hindi na talaga naten sila mahahanap? P-paano kung wala na talaga sila? *sob* k-kuya, kailangan nalang siguro nateng tanggapin. *sob* *sniff*" nanginginig oa ang boses ko pagkasabi kong iyon kay kuya.


"Sshh, wag kang mawalan ng pag-asa siana. Ok? Wag mo munang isipin ang mga ganyang bagay." Sabi ni kuya saken habang hinihimas nito ang likod ko para mapatahan ako sa kakaiyak.


Hindi ko lang talaga maiwasang mag isip ng negative. Nawawalan nako ng pag-asa. Parang di ko na kakayanin.


Para nakong isang desperadang naglilimos ng magulang.

Agad akong humiwalay sa yakap kay kuya nang may maisip ako bigla.


Humarap ako kay kuya at sinabing ..


"K-kuya. Alam ko na. *sob* s-si Coralyn Fuertegos."


~

Agad naming pinuntahan ni kuya ang pamamahay ni shaun.


*knock* knock*


Naalala ko bigla ng nanay ni shaun dahil ang alam ko ay may nabanggit saken si shaun na kay tita coralyn nya nalaman ang lahat ng tungkol saken at sa magulang ko.

Kaya sinisigurado akong may kinalaman sya sa pagkawala ko noong sanggol pa lamang ako.

Pagkatok namin ni kuya sa pinto ay agad iyon bumukas at tumumbad samen si tita coralyn. Ang nanay ni shaun.

"I-ikaw? Ikaw na naman? Kaibigan ka ni shaun diba? Pwes. Wala sya dito. Umalis na kayo." Sabi ni tita coralyn pagkakitang pagkakita nya kaagad saken.

Isasara na agad dapat ni tita coralyn ang pinto ng bahay nito pero humarang si kuya logan at sinabing..

"Teka, pwedeng makausap ka namin. Mrs. Fuertegos?" Pormal na tanong ni kuya dito.

"ANO YON?! WALA AKONG MAITUTULONG SAINYO. Kaya umalis na kayo." Sabi pa ni tita coralyn.

Isasara pa uli nito ang pinto ngunit pumasok na kami sa loob ng bahay nito.

"ANO BA HA?! SINABI NG UMALIS KAYO SA PAMAMAHAY KO!" Sigaw pa nito samen.

"Tita coralyn, gusto ko lang malaman kung sino ang tunay nming mga magulang. Alam kong kilala mo kung sino." Pag mamakaawa ko dito. Sadyang nilalayuan kami nito.

"Hindi. Di ako magsasalita! HINDE!"



"Nagmamakaawa ako sainyo tita coralyn. Desperada nakong malaman kung sino sila."

"WALA KAYONG MAPAPALA SAKEN KAYA UMALIS NA KAYOOOO!" Nanggigigil na ito samen at gusto naa kaming umalis pero di namin sya nilubayan.

"Plsss." Sabi ko pa. Pero nanatilihing tahimik sya.


Nilapitan ito ni kuya at hinawakan sa magkabilang braso.


"Hindi ka ba magsasalita?" halata ko sa mukha ni tita coralyn ang pagkagulat at pagkanginig ng buong katawan nito.

The Innocent MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon