TBW: Chapter Forty Eight

27.2K 432 19
                                    

Hello kumusta kayong lahat readers ? 

Ngayon palang gusto kong humingi ng tawad sa mga typo's and grammatical errors sa chapter na ito..

Tamad mag edit ee.. hehehe

btw here's the UD 

Enjoy






Alex POV


Dalawang araw na ang lumipas simula ng gabing iyon.. Iniwan ko muna ang kambal kina Mama at Mommy dahil may usapan kami ngayon ni Daniel.


Hindi alam ni Villanueva ang lakad ko ngayon dahil ilang araw ko na rin syang iniiwasan.. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko sobra..


Pumayag ako sa lakad na ito para maliwanagan na rin ako.. Pagkatapos ng gabing iyon, Lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko..


Ang tagal kong hinintay na mahalin nya ako noon, Pero heto sya ngayon... Nag mamakaawa para mahalin ko ulit..


Parang kailan lang ako ang nag mamakaawa para mahalin nya.. 


*Beep Beep*


Naputol ang pag iisip ko ng huminto sa harapan ko ang isang sasakyan..


Kotse ni Daniel..Bumaba ito at linapitan ako. Hahalikan sana ako nito sa labi pero mabilis akong umiwas kaya nahalikan nya lang ako sa pisngi.. 


Alam kong naguguluhan sya, at kita ko ang lungkot sa mga mata nya.. pero umiwas lang ako.. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa..


Sumakay nalang ako sa passenger seat at tahimik na nilagay ang seatbelt ng upuan. Sumakay na rin ito at nag simula ng mag drive. Hindi ko alam kung saan ang punta namin kaya tahimik lang ako.


"So kumusta naman ang twins ?"


Pangbasag nya sa katahimikan. Mabilis na nakagaanan ng loob ng kambal ang matatanda dahil magiliw ang mga ito sa bata. Lalo na si Mateo. Si Marcus naman ay nakakasabay sa trip ng kambal at ng lolo at mga lola nya. Hindi ito mahilig mag laro pero nakikipag laro pa rin ito.. At alam ko naman masaya ito. 


Pero kahit ganon, hindi parin nya kinakausap ang ama.


"Okay naman.. Nag eenjoy naman sila"


Sagot ko..


"Ganun ba ? Mabuti naman kung ganon.."


Hindi na ako nagsalita kaya naman hindi na rin ito nag salita. Pagkatapos ng isang oras na byahe, nakarating kame sa isang restaurant. Inalalayan nito ang paglabas ko sa kotse. Nginitian ko naman sya...


Maganda at eleganteng tignan ang restaurant na pinagdalhan nya sa akin. Hindi pa namin ito napuntahan dahl nakilala ko syang hindi mayaman kaya madalas ee sa mga fast food lang kame kumain. Pero ngayon, kita mo talaga na nasa mataas na antas talaga ang pamumuhay nya.

Villanueva: The Billionaire's Wife (UNEDITED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu