TBW: Two

46.9K 748 2
                                    

Alex POV

Ano kaya ang gustong sabihin ni Mama ?? Bakit Hindi nya nalang sinabi Over the Phone ?? Hindi naman sa ayokong umuwi. Kaya lang kase ayokong makita si William. Ang anak ng napangasawa ni Mama. Masyado kasi syang bastos ee. 

Hindi ko pa pala nasabi. 5 years ng patay ang Papa. Kaya nag asawa muli si Mama. Nung una ayokong pumayag dahil papalitan nya si papa sa buhay nya. Dahil sa hindi ako umuuwi sa amin. Nag asaw ang mama. At yun nga si Tito Joey. Ang Papa ni William.

Hindi ko namamalayan nandito na pala ako sa terminal. Bumaba na ako sa bus at sumakay ng Tricycle papuntang hacienda. Habang nasa byahe nakatingin lang ako sa paligid. Ang Sarap damhin ng sariwang hangin dito. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakikita korin ang ibang magsasakang nagtatrabaho..

Huminto ang tricycle sa harapan ng isang malaking Gate. Na may nakalagay na Hacienda de Dizon. Halatang May pagkaluma na ang gate dahil sa nangangalawang na ang bakal na gate nito.


"Bayad po Manong"


Nakangiti naman itong tinanggap ni Manong.


"Salamat Ineng..."


Nginitian ko naman si Manong.. Dumiretcho na ako sa gate at pinindot ang doorbell. Pagkatapos ng Ilang minuto pinagbuksan ako ni Manong Anding. Ang hardinero ni Mama.


"Magandang Hapon Senyorita...Kanina papu kayo hinihintay ng inyong Mama."


Teka bakit si Manong Anding ang Nagbukas ?? Asan ang Guard dito ??


"Manong nasaan po ang gwardya naten ??"


Tanong ko ng makapasok ako sa loob. medyo malayo pa ang lalakarin namin bago makapasok sa mansyon.


"Ah- eh.."


Bahagyang napayuko si Mang Anding. Ano bang nangyayari dito habang wala ako ?? Matapos ang ilang minuto nakarating na ako sa mansyon. pinagbuksan agad ako ni Manang Aida asawa ni mang Anding. Sya rin ang mayordoma dito sa bahay.


"Buti naman at nandito kana iha."


Agad akong nagmano kay Manang Aida. Ano bang nangyayare ?? Bakit parang nag aalala siya. Mula sa likod Ni Manang Aida dumating si William..


"My lovely step sister is here ? What can i do for you beautiful sister ?*smirk*"


Tsk. napaka trying hard. Tinignan naman nya ko mula ulo hanggang Paa. Buti nalang naka jeans at Tshirt ako. Manyak talaga. Kulang nalang hubarin nya ko sa mga tingin nya !!


"Okay naman. Ikaw kumusta na kayo ng Tatay mo ?? Nag eenjoy ba kayo sa Yaman na iniwan ng Papa ko ??"


Nagsalubong agad ang mga kilay nya. Halatang hindi nya nagustuhan ang mga sinabi ko. Well totoo naman !!


"Hindi ka parin nagbabago. Matabil parin ang dila mo ! Palaban ka parin !!"


"Tsk !!


Simula ng tumira sila dito sa mansyon. Kala mo kung sino umasta. Minsan nung natulog ako rito. Bigla nalang akong pinasok ng Damuhong to sa kwarto ko. Muntik na nya kong Gahasahin !! demonyo talaga !! buti nalang Nakapag laban ako..


"Andrea........"


Tinignan ko agad ang tumawag sakin. Si Mama. Pero bakit ganyan ang itchura nya ?? Malaki ang binagsak ng katawan ng mama. Malalim din ang mga mata nya. Jusko anong nangyari sa Mama ko ?? Di ko namamalayan. Tumulo na pala ang mga luha ko..


"Ma.......


Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng napaka higpit..Ano bang ginawa ko ?? Bakit hindi ko sinamahan ang Mama. Bakit ganto ang itchura nya ? Agad kong tinignan ng masama si William.


"Anong nangyari kay Mama ?? Bakit nagkaganto sya ??"


Sigaw kong tanong sakanya..


"*smirk* Malay ko sa kanya.."


Saka na niya kami iniwan. Mga Demonyo !!


"Anak halika. Mag usap tayo sa kwarto mo habang nag papahinga ka..."


"O-opo"


Gusto kong maiyak tuwing tinitignan ko si Mama. Napaka walang kwenta kong anak !!

Nakarating kami ni Mama sa kwarto ko. at doon sinalaysay nya ang mga nangyayari sa Kanya habang wala ako...

Na sya naman ikinagalit ko...

Lalo na ng sinabi nyang...............










I'm Getting Married.............

------------------------------------------------+---------------------------------------------

A/N: What do you feel if makita nyo mama nyo sa ganung sitwasyon ??

T_T


Pls. VoMment po...


Kamsahamnida *bow*



Villanueva: The Billionaire's Wife (UNEDITED)Where stories live. Discover now