Welcome home

23 8 2
                                    

Chapter 24
•Welcome home•

Shy's Pov

Nakarating kami ni Kieth sa bahay ng maaga dahil hinde naman gaanong traffic pauwi dahil gabi nadin naman. At dahil ang tahimik lang namin sa kotse nag open topic nalang ako para iwas nadin sa antok nitong nag dridrive na si Kieth.

"Ahmm asan na pala si Chor?" Hindi naman lumingon sakin si Kieth pero sinagot niya yung tanong ko,pansin ko lang kase wala sila tita pati si Chor sa bahay nila kase hindi sila napunta ng bahay.

"Kasama ni mommy sa Laguna" maikling sagot ni Kieth sakin medyo malungkot naman ang tono nito sakin maski ako ay nalungkot dahil wala na saking mangungulit.

"Eh? Bakit raw? Namimiss ko na si Chor,wala ng mangungulit sakin" lumungkot naman ang tono ko dahil nalulungkot talga ako kase di man lang sila nakapag paalam sakin lalo na si Chor hays.

"Ako,hindi ako mag sasawang mangulit sayo" napa ngiti naman ako sa sinabi niya dahil hindi na to joke joke lang hindi na to biro lang as in totoo na to kaya hindi ko maiwasang maging masaya.

"Yak ang corny mo" pinalo ko naman ang balikat niya dahil tuwang tuwa siya dahil naka ngiti ako.

Maya maya naman ay nakarating na kame mg bahay pinark naman ni Kieth ang sasakyan namin sa tapat ng bahay namin at binuksan ang gate parasakin,nakita ko namang busy na busy si mama sa kusina na nag aayos ng hapag kainan. Pumasok kame sa loob at gulat na gulat si mama na nakita kameng magkahawak kamay ni Kieth pagpasok sa loob. Na parang anytime ay pwede ng pasukan ng langaw ang bibig ni mama dahil bukang buka ito.

"Hi ma" bati ko kay mama at nag mano ganun din si Kieth,tinikom na ni mama ang kanyan naka awang na bibig at nag salita na.

"Welcome home mga anak" bati ni mama saamin at pina upo na kame dahil saktong handa na ang niluto niyang tanghalian.

"Hindi naman kayo nag honeymoon diba? Kase di pa naman kayo kasal?" Naka taas ang kilay ni mama na tinanong iyon saamin,muntik ng lumabas sa ilong ko iyong tubig na iniinom ko dahil sa tanong niya,jusko ang mama kong feeling inosente ay sus mukha naba kameng kasal nitong si Kieth? Pfft

"Ma!" Awat ko naman kay mama dahil natawa na si Kieth sa tinanong ni mama

"Hindi tita, soon" sumulyap naman sakin si Kieth at kumindat pa ito. Tiningnan din kame ni mama na parang naguguluhan na ewan pero ngumiti nalang ito saamin.
Nag patuloy nalang kame sa pagkain hanggang sa nagligpit na si mama,sabi ko nga na ako nalang ang mag liligpit pero ayaw ni mama kase daw kagagaling lang daw namin sa byahe kaya mag pahinga raw muna ako.
Lumabas ako ng bahay para ihatid si Kieth sa labas kase kelangan narin niyang umuwi.

"I miss you" wika ni Kieth ng nasa bahay na nila siya at ako naman ay nasa bahay namin.

"I miss you too" nakita ko namang pumula ang pisnge niya,hindi ko alam kung pano ko nakita ang pamumula ng pisnge niya na ngayong nadilim na ang paligid dahil gabi na. Siguro ay yung pulang iyon ang tanging umilaw kay Kieth kaya nakita ko. Pfft corny Shy.

"I love you" wika ulit nito saakin,bakit ang saya lang sa pakiramdaam? Bakit parang nasakin na ang lahat,nasakin lang naman si Kieth e pero bakit pakiramdam ko buong buo na ko...

"I loveyoutoo" at nag flying kiss pa ko sakanya. Nag babaye naman siya ganun din ako at pumasok na ko sa bahay t hanun din siya. Umakyat na ako sa kwarto ko kase na miss ko iyon,kahit dalawang araw lang kame sa Santorini ay talagang na miss ko ang kama ko. Tumalon ako at humiga sa kama ko pinag masdan ko ang bubong ng kwarto ko. Humarap ako sa bintana na bukas ang kurtina ng may umiilaw na color red tawag dito ay lazer sumilip ako sa bintana at nakita ko si Kieth na hawak ang lazer. Kunaway ako sakanya para itigil na ang ilaw,tinigil niya narin iyon at kinawayan rin ako.hinawakan niya ang cellphone niya at pinakita ito saakin,at tumunog naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko ang cellphone ko.

Hoy! Be mine Where stories live. Discover now