Tequila

41 9 0
                                    

Chapter 13
•Tequila•

Kieth Knox's Pov

Hala nakita kame ni Tita Amalya na ganun yung pwesto namin ni Shy.Di naman kaya kame nahalata ni tita?.

Buti pa si tita Amalya nandito nakamusta naman kaya si mama? Tsk enjoy na enjoy yung business meeting? Tsk
Umuwi nalang kame ni Chor sa bahay tutal may kasama naman na si Shy sa bahay nila andun naman na si tita e.

"Kelan uuwi si mama?" Tanong naman ni Chor sakin. Ahm? Kelan ngaba? Malay ko si ko din alam.

"Aba malay ko,uuwi nalang si mama" yan nalang yung sagot ko sakanya sa totoo naman talaga di ko naman talaga alam e.

"Tsk! Fine" tapos umakyat na siya sa kwarto niya. Tsk ano kaya pwede naming tanghalian ni Chor? Ano kakain ulit kame sa labas? Aba siniswerte yata tong kapatid ko uubusin yung savings ko? Tsk wag na nga lang kumain.

Umakyat narin ako sa kwarto ko,at binuksan yung speaker ko at nag patogtog.

Shy's Pov

Nasa kwarto na ko at pumalakda sa kama ko hays pano kaya kapag nalaman ni mama na kami na ni Kieth? Wahhh ay hindi pala yun malalaman. Ay malalaman pala ni mama na kami na ni Kieth pero syempre as fake couples lang noh kaya hindi yan magagalit si mama.

Nakahiga ako ng biglang pumasok si mama,tae nakaka gulat naman si mama bigla bigla nalang pumapasok.

"Bigay mo muna to kila Chor at Kieth nak" Sambit naman ni mama kaya napa upo ako sa kama. B-bakit?! Hala...

"B-bakit po ma?" Tanong ko naman kay mama.

"Bakit? Wala kase silang pagkain ano gusto mo magutom ang boyfriend mo?" Halaaaa? Sino? Boyfriend ko? Hala si Kieth boyfriend ko? Hala hindi! Hindi!

"Hala ma! Hindi ko po boyfriend si Kieth hindi po hindi po promise." At nag cross finger pa ko para sure.

"Nak. Sino bang nag sabi na si Kieth ang boyfriend mo? Diba si Chor boyfriend mo?" Nag tatakang tanong naman ni mama sakin. Hala oo nga bat di ko naisip na si Chor yung biyfriend ko anubayan napag hahalataan kana Shy.

"Ah hehehe sabi ko nga po. Sige po akin na po yang adobo" kinuha ko naman yung adobo kay mama tapos umalis na. Huehuehue anubayan Shy.

Pumasok na ko sa bahay nila tutal bukas din naman yung gate at pintuan nila sa maindoor. Pagpasok ko naman wala namang tao sa sala nila kaya pinuntahan ko nalang yung kwarto ni Chor.

"Chor" ay tulog pala tong dictionary boy namin kaya pala hindi sumasagot e. Kaya naman hanapin ko nalang si Kieth.

Hindi naman ako nahirapan sa pag hahanap ng kwarto ni Kieth kase yung isang kwarto agaw eksena yung music niya galing lang naman iyon sa 5sos. Gaya gaya pa siya hah! Kaya naman pumasok nalang ako sa kwarto niya.

"Kieth oy!" Pag yogyog ko naman sakanya para ibigay sakanya yung adobo na pinabibigay ni mama. Pero wala parin tsk tulog na tulog parin. Malapitan nga .

"Hoy lalake!" Wala padin! Ano kaya pwedeng gawin dito ng magising to.

"WAAAAHHHHHHHHHHH KIETHHHHHHHHH MAGNANAKAWWWWWW WAAAAHHH" sigaw ko naman mismo sa tenga niya.

Hoy! Be mine Where stories live. Discover now