Deal with a kutong lupa

42 9 0
                                    

Chapter 10
Deal with a kutong lupa•

Sa sobrang inis ko kay Kieth ay padabog akong pumuntang kusina para sana tignan kung pusa nga lang ba talaga yun, kahit inis ako at feeling ko kayang kaya ko patumbahin ang sino mang halimaw ang sumanggi o dumikit sa akin ay dahan dahan parin akong nag lakad papunta doon kasi baka mamaya nag loloko nanaman yung Kieth na yun. Malapit na sana ako ng biglang sumulpot ang pusang dilaw (pikachu lang) orange pala yun yung parang tiger kaya pareha kaming napatalon at napatakbo siya palabas ako naman sa hagdan nagulat kami eh huhuhu bayan kasi bakit pati yung pinto sa likod binuksan ko yan tuloy may nakapasok na pusa haysst.

Nang maisara ko ang pinto sa likod ay naisipan kong umakyat nalang sa taas atleast pag doon ako pwede kong maka usap doon kahit manlang si Chor. Naka-akyat na ako at pumwesto sa study table para silipin kung bukas yung bintana ni Chor pero FAILED sarado siya gustuhin ko mang bumaba ulit para manood nalang ng tv o kaya naman mag patugtog nalang ulit para sana di ako mabored pero tinatamad na akong tumayo e.

Siguro magbabasa nalang ako ng book hmm? Anu kaya dito Walang forever, Pieces, Call Away, It will rain atbp. Halos lahat na ata ng naka display dito sa mini bookshelf ko nabasa ko na ayy ito na nga lang Hanging heart ito ang lagi ko ng binabasa tuwing bored ako pero hindi ako nag sasawa ewan ko ba parang feel ko ako yung babae doon hahaha ang pogi kasi ni Dylan e, yung bidang lalaki kahit walang naka post na picture niya sa wattbook app dati nung hindi hindi pa siya na pu-publish feeling ko ang waffu niya pero mfft iniwan niya si girl feeling ko ako yung iniwan kasi hindi ako makamove on nun kaya hanggang ngayon binabasa ko parin yung kwento nila baka sakaling mag iba yung ending nya, pero hindi eh sawi parin HAYY.

Someone's Pov

Kasalukuyang nag babasa ng libro na Hanging heart si Shy paiba iba ang ekspresiyon nito habang seryosong binabasa ang aklat na hawak nito hindi niya lang namalayan na naka dungaw pala sa kabilang bintana si Kieth at pinagmamasdan ang ulo niya ngayong malapit ng dumulas sa kamay niyang naka talumbaba dahil narin sa tagal ng pag babasa, Habang titig na titig naman si Kieth kay Shy ay todo ang bulong nito na sana pumlakda ang mukha nito sa lamesang pinagpapatungan ng kamay ng dalaga natupad naman ang ninanais ng binata at tuluyan na ngang bumagsak ang mukha ng dalaga sa lamesa at todo naman ang tawa ng binata sa kabilang kwarto, dahil sa lakas nito ay na alipungatan naman ang dalaga at napatingin sa gawi ng niya ng makita niya itong nakatingin ay napatigil siya saglit sa tawa at tuloy nanaman dahil nakita nyang may patulong laway nito ng dahil sa pagtulog.

Shy's Pov

Nagising ako sa lakas ng tawa ng isang lalaki at hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling kaya napa angat ako ng ulo at sumilip sa katapat bintana ko at walanjo Kieth na to ang lakas tumawa akala mo naman wala ng bukas tss, nung napansin nyang naka titig ako sa gawi nya ay napatigil lang sya saglit pero patuloy nanaman sa pag tawa at napansin ko lang sa akin siya nakatingin kaya nag taka na ako. Kinuha ko naman agad yung salamin na naka patong lang rin sa lamesa ko at tinignan at repleksiyon haysst bwiset talaga yung lalaking yun pag tawanan ba naman yung mukha ko tss porke may onti tulo ng laway haysst ang dugyot ko naman kasi.

Dahil sa nainis nanaman ako ay sinaman ko siya ng tingin namumuro na sya ngayong araw nato ahh puro pangaasar ang ginawa tss walang ibang mapagtripan hayss tumayo na ako at sinarado ang kurtina para pumunta ng kama at doon nalang ipag patuloy ang pag tulog. Hawak ko parin ung librong binabasa ko kanina at tinuloy ulit ang pag basa baka sakaling hindi na ako antukin pero ZzzzZZZzZZZ!!

Kieth Knox's Pov

Sobra ang tawa ko nung nakita kong bumagsak ang mukha ni Shy sa kanyang lamesa plus yung tulo laway nya pa nung tumingin siya sa gawi ko hahah at lalo akong natawa noong nakita kong naasar nanaman siya, Sa sobrang asar nya ay sinarado niya ang kanyang bintana at ewan ko na kung anung ginawa nya hayst maka baba na nga anung oras naba? Time check: 11:33 na pala anu nanaman kaya ang kakainin namin ni Chor mamaya sabihin nanaman niya sa babaeng yun na hindi ko siya pinakain hayst asar talaga makaligo na nga lang muna.

Hoy! Be mine Where stories live. Discover now