Bad dreams?

81 12 1
                                    

Chapter 6
•Bad Dreams?•

Shy's Pov

Sasagot na sana ako kung anu yung sasabihin nya ng biglang. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si mama at nung tignan ko kung saan nakatayo si kieth kanina ay wala na siya doon. Hindi kaya multo na sya waaaa. Nagulat naman ako ng bigla akong kinawayan ni mama, sa harap ng mukha ko.

"Nagising na kita pero tulala ka naman" Umaga naba para gisining ako ni Mama? Diba kakatulog ko lang? Bat ginising na ako ni mama?

"Mama! Nakita mo si Kieth dito banda naka tayo kanina? Tiyaka Bakit mo po ako ginising? May akyat bahay po ba kaya tayo tatakas? Tara na po!" Mariin kong tanong kay mama pero seryoso parin siyang naka tingin sakin at naupo siya sa kama ko sa bandang paahan.

"Bakit po mama?" Tanong ko ulit kay mama.

"Naririnig kasi kitang parang may kausap kanina tiyaka wala naman si Kieth dito noong pumasok ako" Inilapit naman ni mama ang kamay sa akin at kinapa ang aking noo "Nako ijaa may lagnat ka bumangon kana riyan at ipapacheck up kita o kaya mas maigi ang ipa admit nalang kita nakoo baby Shy ko" hah? Ako may lagnat? T-teka nga kasi, Asan si Kieth? Diba nandito siya?

"Mama Na-nandito lang po siya kanina e" muling sagot ko naman kay mama na naka kunot lang ang noo niya.

"Si Kieth talaga ang nasa isip mo lagi anu?. Nasa bahay nila natutulog nayun! Tara na bumangon kana dyan at ng maka alis na tayo agad" anlaaa! So multo o anu mang maligno na si Kieth ngayon huhu biglang mawawala, sayang nabawasan ng pogi ang lugar na ito. Baka naman pinapantasya ko lang talaga na may sasabihin syang gus~ anu ba kasi yuuuunn?.. ay hindi hindi erase panaginip lang ata yun tama tama panaginip lang yun.

Pero totoo kaya na inadd nya ako sa facebook di ko na matandaan pero alam ko nag facebook ako kanina. Pero imposible namang walang facebook yung lalaking yun. Alaaaa alien siya... pag wala. At ibig din bang sabihin walang gusot yung damit ko? O Kaya naman multo dito sa kwarto ko agad ko namag Tiningnan yung damit ko ay wala naman at tingin sa buong kwarto ko wala rin so confirm PANAGINIP lang siya CAPSLOCK para sure na sure heheh.. tss...

Inalalayan naman akong tumayo ni mama at tumungo na kami sa baba at saka na sumakay ng sasakyan waaah ayoko ng hospital ayoko ng injection ayaw ko nun huhuhuhu masakit yun yung napaka haba ng karayom wahhh. Nakasakay na kame ngayon ni mama sa kotse at agad naman niya itong drinive ng mabilis nakaka loka tong si mama may lagnat lang naman ako. Tss..

Kieth Knox's Pov

Sumilip muna ako sa bintana ng kwarto ko para sana mag muni muni muna hindi pa kase ako makatulog. nakita ko naman yung sasakyan ni tita Amalya na naka park sa labas aalis yata si tita? San kaya siya pupunta dis oras na ng gabi e. Patuloy ko lang tiningnan ang naka paradang kotse ng bigla namang lumabas si tita kasama si?

"S-shy?" Inalalayan siya ni Tita Amalya pasakay sa kotse, ano kayang nangyare kay Shy? Bakit naman siya inaalalayan ni tita? At ngayong dis oras nang gabi? Pinag patuloy ko lang ang pag mamasid sa mag ina hanggang sa maka alis na sila. Ngayon lang pumasok sa utak ko kung kanino nag mana si Shy sa napaka bilis mag maneho kundi ay kay tita Amalya lang naman. Pero di mawari sa aking isipan kung bakit sa gantong oras sila aalis at inaalalayan pa ni Tita si Shy? D-di kaya may pumasok na magnanakaw sa kanila at kung napano na si shy? O baka naman tuluyan ng nabali imbis na napilay yung kamay niya.

Shy's Pov

"Wag nalang po tayo pumunta sa hospital lagnat lang naman eh yakang yaka ko na to" Pag kumbinsi ko naman kay Mama na nag mamaneho sa driver's seat habang ako ay naka upo sa tabi niya not totally katabi sa passenger's seat ako nakaupo hehehe.

Hoy! Be mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon