Chapter 15 *NOSEBLEED*

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si Mr. Choi lang naman ang isa sa naghahawak ng pinakamalaking stock holder dito sa asya! He is a famous korean businessman. In short a foreigner"
Halos malaglag ang panga ko ng sinabi nya yun. Ganun kayaman ang makakameeting namin? Hala! Patay ako nito. Alam ko na sa pagkakasabi nya yun ay pinawisan ako kagad ng malagkit. 
"So ngayon alam muna kong sino sya?" Nakakainis sya pinapamukha nya ba na di ko kayang humarap sa Mr. Choi na yun?
"Oo!"
"Kaya kong ako sayo magbihis ka na dyan!"
Bihis? ( O % O )
"Ano naman ang isusuot ko?"
"Maybe a formal dress. Yung binigay sayo ni mama pwede yun?"
"Sige~" aalis na sana ako. "Teka! Di ba kasama naman kita?"
Naninigurado lang baka mamaya bihis ako ng bihis tapos ako lang pala ang haharap dun. Inaamin ko naman na di ko kaya!
"Hoy! Di ba kasama ka?" pangungulit ko sa kanya.
"Oo!"
Hay! Makakahinga na ng konti.
Agad kung sinuot ang dress na niregalo saken ni tita. Fit naman saken. Suklay konti. Pabango konti. At dyaran! Pwede na ba kong humarap?
"Minam, antayin na lang kita sa kotse!" Sabi ni Kenjie galing sa labas ng kwarto ko.
"Oo!"
Ang bilis naman magbihis nun.
After a minutes sumunod na ko sa kanya. Grabe! Ang pogi nya sa suot nya. Nakaformal black suit sya. Ayie! Kinikilig ako. Umupo ako sa tabi nya. Lalo na kapag sa may lapitan sya grabe lalo pa syang gumwapo! Tinitigan ko lang sya kung ano yung ginagawa nya sa tabi as in napa silent mode na ko. Bigla namang napatingin sya saken. Lagot! Baka nahuli nya ko na nakatitig sa kanya. Kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Minam!"
Tama ba ang pagkakarinig ko tinawag nya ba talaga ang name ko? Napatingin ako sa kanya.
"Ba- bakit?"
Unti unti syang lumapit sakin hanggang mga 2 inch na lang ang lapit ng face nya sa face ko. Ano na ba ibig sabihin nito? Hahalikan nya ba ko? Ready na ba ko? Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay ko na lang na dumampi sa mga labi ko ang kanyang malalambot na labi. Pero bakit lumipas ang ilang segundo ay wala pa rin ang inaantay kong halik.
PAK!
"Aray!" napahawak na lang ako sa noo ko.

"Bakit mo pinitikan ang noo ko?" pagrereklamo ko sa kanya.
"Ang green mo kasi!" 
Namula tuloy ang buong mukha ko dahil sa sinabi nya. Boom! Tama ako eh! Kasi totoo naman yung sinasabi nya.
"Siguro hahahahaha akala mo hahahaha hahalikan kita noh?" bigla na lang syang tumawa. Ayan lumutang na naman ang dimples nya! Gosh! Nakakahiya na talaga to. 
Napatahimik na lang ako,habang pinagmamasdan pa rin syang tumatawa. Napakagat na lang ako sa labi ko. Di pa ba sya titigil?
"Eh bakit ka kasi lumalapit saken?" palusot ko na lang na tanong. Pinakita nya yung seatbelt.
"Ikakabit ko sana sayo to kaso hahaha iba ata yung nasa isip mo kanina na gagawin ko kaya hahahaha?" napakamot na lang sya sa ulo nya.
Kailangan ko to lusotan.
"Assuming ka naman!"
"Bakit? Nagkakamali ba ko?" at talagang confident sya sa tanong nya.
"Oo! Nagkakamali ka! Assuming ka pa nga eh!"
"Talaga? Sige nga, kung di yun ang dahilan bakit ka pumikit kanina?"
"Kasi ano..."
"Ano?" hamon pa nya.
"Kasi!"
Bahala na si Batman.
"May nakita kasi akong white lady sa likod mo!" umarte pa ko na natatakot para kunwari na nakakita talaga ako. May panginig nginig effect pa yun.
"Ta-talaga?" 
Nanginig yung boses nya. Ayos! Tumalab ang plano ko kahit di naman talaga ako nakakakita ng mumu!
"Pero kalimutan na natin yun. Tara na! Baka malate pa tayo sa meeting"
Binuksan na nya yung makina ng sasakyan at nagsimula na kaming bumyahe.
Mga 40 minutes lang naman yung byahe at ito nandito na kagad kami sa tapat ng restaurant. Syempre naghanap muna kami ng parking lot. Matapos nun ay bumaba na sya ng kotse at naglakad papunta sa tapat ko.
Siguro bubuksan nya yung pintuan ng kotse para sakin. Pero ilang sandali lang ay kumatok lang sya at sumenyas sakin na bumaba na daw ako.
"Tsk! Ang ungentleman mo?" nilakasan ko ang pagkakasabi ko. Sound proof naman kasi tong kotse. Binuksan ko na lang ang pintuan at lumapit na lang ako sa kanya.
"Tandaan mo, wag na wag kang sisingit sa usapin namin at kung maari makinig ka na lang. Ako na bahala dito"
So ano pa ang reason ko at sumama pa ko dito? Bahala na nga! Basta matapos na ang araw na to.

Opposite Lovers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon