Trigger 19 - The start

9.6K 152 6
                                    

[Edited Ver.]

The start



Belle's PoV :

Wala pa akong tulog dahil kararating ko lang kaninang 5 am, galing sa resort ni Boss D. Hindi na ako natulog dahil kailangan ko nang pumasok sa SU. almost a month akong nawala sa school, sabi naman ni Boss nai-excuse na ako noong nakaraan pa kaya wala naman magiging problema.

I'm sure of one thing. Marami na namang itatanong sa akin ang dalawa. Si Selene at si Ambia. Hindi ko kasi sila itinext nitong nakaraang nagpunta ako sa resort kaya sigurado akong maraming tanong ang mga iyon. I should prepare myself for their questions.

Hindi ko na muna inayos ang maleta ko at diretso naligo na ako at nag-ayos para pumasok. Lumabas ako sa kwarto pagkatapos at pumunta sa kitchen para mag-kape dahil sa simoy ng hangin, inaantok ako. Nag-salin ako ng kape mula sa coffee-maker na pinainit ko kanina sa malaking mug at hinawakan ko agad ito. Nabigla ako sa init kaya nabitiwan ko ito at naglikha iyon ng malakas na tunog ng nabasag.

I didn't move an inch after. I don't believe in those sayings like, kapag may nabasag ay may mangyayaring masama, pero bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi maganda ang kutob ko doon. 

No. Walang mangyayaring ganoon. Sabi-sabi lang iyon at hindi ako maniniwala. Hindi, hindi iyon totoo. 

Pinalis ko ang negatibong naiisip ko at nilinis ko nalang ang kumalat na mga bubog at habang ginagawa ko iyon ay napa-aray ako sa kirot dahil sa pagkaka-hiwa ng daliri ko. Tinapos ko nalang muna ang pag-lilinis at nilagyan ng lunas ang maliit na cut sa daliri ko.

After I finished cleaning everything in my condo, umalis na ako at pumunta sa SU.

Papasok palang ako sa entrance pero nakita ko na ang dalawang taong nag-aabang sa gate. Magtatago sana ako pero nakita na ako ni Ambia at sinigaw pa talaga ang pangalan ko.

Ambia: "BELLE!!"

Selene: "Asan? asan--Oh Belle! Finally!"

Belle: "Do you have to shout my name, Ambia? God, so noisy."

Ambia: "Peace tayo, Belle! Sorry naman. Pero we missed you kasi!"

Selene: "Oo nga naman, Belle. Saan ka nagpunta? Nag-advance vacation ka na ata e."

Belle: "Psh."

Naglalakad kami habang nakikipag-usap sila sa akin. As I expected, they bombarded me with so many questions, most of it were nonsense that's why I don't answer any of it. Mabilis lang rin kaming nakarating sa room at halos sabay lang kaming nakarating ng Prof namin kaya diretso agad sa discussion. 

I was busy because I need to catch up with the lessons I missed the past few days and in some of the subjects I had to report alone because I was the only one who didn't reported. Good thing at tinutulungan naman ako nina Selene at Ambia kahit na kaunti lang naman talaga ang naitulong nila sa akin dahil mas busy silang mag-talo at mag-bangayan. 

After few hours, lunch time came.

Selene: "Saan tayo kakain?"

Ambia: "Sa Cafeteria? Like the usual?"

Selene: "Ihh! Kakasawa na doon. Ayokong nakakakita ng mga flirt at bitches doon. Hanap tayo ng ibang place."

Ambia: "Sa likod ng school building natin? May mini-garden doon e. Tsaka madalas naman linisin ni manong janitor iyon kaya malinis naman doon."

Selene: "Sige! Belle, sama ka?"

Belle: "Yeah."

Ambia: "Ok! Taralets."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon