A Christmas Miracle

Magsimula sa umpisa
                                    

Palagi niya ‘kong iniiwanan ng pagkain dito kada umaalis sila kaya kahit papaano ay hindi ako namamatay sa gutom.

Pagkatapos kong kumain, naligo na ‘ko at sinuot ang damit na pinaglumaan pa ni Tessa. Kasing-edad ko lang si Tessa, pareho kaming dose anyos pero saya prinsesa at ako ay hamak na kasambahay lang.

Malapit nang umuwi sila Mama kasi alas-otso na ng gabi. Inayos ko na lang ang kwarto nila para may magawa ako habang hinihintay sila.

"JULIE NASAAN KA!" sigaw ni Mama. Nakarating na pala sila.

Dali-dali akong bumaba at sinalubong sila sa sala.

"Kahit kailan talaga ang bagal mo. Oh eto lagay mo sa mga kwarto namin, eto kay Mimi, eto naman kay Tessa, eto kay Kira at eto naman sa'kin. ‘Wag mong pag-isipan na kumuha ng kung anu-ano diyan kung ayaw mong palayasin kita," sabi ni Mama. Ini-abot niya sa'kin ang mga plastic na puno ng mga damit.

Umakyat na ko para makapunta sa kwarto ni Mimi. Nilagay ko na d’un ang mga palstic at ngayon papunta na ko sa kwarto ni Mama at kay Ate. Ganun din ang ginawa ko kaya ngayon naman sa kwarto ako ni Tessa pupunta.

Pagpunta ko naman sa kwarto ni Tessa, nandun na rin siya at nakahiga sa kama. Hawak-hawak niya ang cellphone niya.

"Tessa saan ko ‘to ilalagay?" tanong ko.

"Doon na lang sa cabinet ko, pakilagay na lang sa loob," sabi nya na hindi man lang inalis ang tingin sa kanyang cellphone.

Inayos ko na lang ang mga damit niya. Nang tumayo ako, ‘di ko alam na nasa likod ko pala si Tessa kaya hindi ko sinasadyang nabangga siya dahilan upang matumba siya.

"ARAY!" sigaw niya. Tumayo naman siya at sinabunutan akong bigla.

"WALANG HIYA KA BA’T MO KO ITINUMBA?!"

 

"Hindi k-ko sinasadya! ARAY KO!"

"ANONG HINDI MO SINASADYA?!" Mas hinigpitan pa niya ang sabunot sa akin. Ang hapdi na ng anit ko sa tindi ng pagsabunot niya sa buhok ko.

‘Di ko na kinaya kaya’t natulak ko siya.

"ARAY! MAMA! MAMA! MAMA!" sigaw niya at umiyak. Lagot ako nito.

Bigla namang pumasok si Mama at nilapitan si Tessa.

"Anak anong nangyari sa’yo?"

 

"SI JULIE PO TINULAK AKO!" sigaw niya sabay turo sa akin.

"TINULAK MO SI TESSA?!" sigaw sa’kin ni Mama.

Team HumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon